III

13.6K 294 5
                                    


Mick

I want to see her. I want to see if she's okay.

Kinailangan ko ng tulong ni Edward para lansihin yung nurse na kasama ni Dr. Yabut. I knocked lightly when somebody said come in from the inside kaya pumasok na ako.

Nakita ko siyang nakaupo sa examination table. Naka patient's gown siya na powder blue ang kulay. Napangiwi ako ng mapasadahan ko ang nakahantad na mga binti niya na puro galos. Nagulat siya ng makita niya akong nasa loob ng silid.

"S-sorry, akala ko kayo yung nurse." she said as she wrapped her arms protectively around her waist.

"Pinalayas ko na siya, masyado silang matagal." nanlaki ang mga mata niya sa gulat sa sinabi kong iyon. "Joke lang, I used some persuation on your nurse, with the helped of my cousin. I want to know if your okay." I smiled at her para mawala naman ang tension na bumabalot sa kanya. Nag yuko ito ng ulo saka pinaglaruan ang mga daliri.

"S-sorry, masyado na akong naging pabigat sa inyo. Dahil sa katangahan ko nagulo ko na kayo. So-sorry, sana hindi kayo magalit sa akin." she said shakily.

"If I were angry, believe me you would know." napansin ko ang malit na gasa na nasa puno ng ulo niya. "Tinahi ba?" nag angat naman siya agad ng mukha.

"Ah.. h-hindi na daw kailangan sabi ni Dr. Yabut kusa naman daw ito maghihilom, hindi naman daw ganun kalalim." she was soft spoken. Masarap pakinggan sa pandinig ang boses niya.

Lumapit ako sa kanya and I cupped her chin and tilted her face upward. Nakita kong napapikit ito na parang nasaktan sa ginawa ko. Muntik na akong mapamura sa sarili ko. Nang mag mulat siya ng mga mata, I saw the pain in her black- marble eyes.

"Kamusta ang pakiramdam mo?"

"M-Mabuti na po."

"Sinungaling."

Bigla naman siyang parang nabuhusan ng suka sa kaputlaan. Tumikhim ito sandali.

"Pa-pakiramdam ko nahulog ako sa second floor. Binigyan na din ako ng doktor ng gamot para sa kirot kani-kanina lang." she mumbled.

I knew I should remove my hand still in her chin pero hindi ko magawa. Her skin was so soft and smooth on my callused palm and I love her ivory white skin against my tanned fingers. But my pulse jumped in an instant when my gaze fell on her lips.

"Where is the doctor?" I released her and stepped back.

"Baka padating na ho, kinuha lang po niya yung result ng x-rays ko.. ah.. S-sir Mick-"

"Mick. Just call me Mick." pagtatama ko sa kanya. Hindi ako sanay tawagin ng ganoon mas gusto ko ang normal na pag trato sa akin. Hindi ko kailangan ng sobrang pag galang. Pantay-pantay lang ang tingin ko sa bawat isa. Walang mayaman walang mahirap.

Yun ang ikinaganda ng pagiging sundalo, tinanggap ako ng tao dahil sa kung ano ang kakayahan ko hindi dahil sa dugong dumadaloy sa ugat ko.

"I still don't know what to call you.. naalala mo na ba ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Automatiko naman siyang napayakap sa sarili niya saka umiling.

"Well then. I suppose we'll have to try a few and see if anything rings a bell." pinasigla ko ang boses ko para mapasaya ko naman siya. Pinagkiskis ko pa ang mga palad ko kaya nakuha ko agad ang atensyon niya.

"Kate?"

Blank stare.

"Angel?"

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon