Epilogue

21K 436 29
                                    

JUAN CARLOS CARRINO ST. JOHN entered the world two weeks early, following a long labor which necessitated delivery by Caesarean section. Sa buong process ng labor ko, andiyan si Mick na nakasuporta sampu ng kanyang maiksing pasensya na halos ikagulo ng buong ospital.

After he proposed to me that day naging mabilis na ang mga naging kaganapan. Hindi ko na lang namalayan na naayos ng lahat ni Mick ang kasal namin at isang kisap-mata, ako na si Mrs. Sidney St. John. Those were the happiest day of my life.

Pero hindi pala.

Naramdaman ko ang mahinang pag ingit ni JC, nagulat na lang ako ng bigla na lamang andiyan na si Mick sa tabi nito habang masuyong ipinag hehele ang panganay naming anak. Lihim ko siyang pinag masdan habang karga-karga si JC, hindi maipagkakaila ang pagiging mag ama nila, JC was exactly a replica of Mick, from his tiny little toes upto his gorgeous green eyes. Silang mag-ama ko pala ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. Being with them each and everyday makes my life happy and contented.

What more could I asked for. A father like him would be difficult to find. I watched Mick settle Juan Carlos into the crook of his arm at the christening. In the three months of his short life, their son had become the centre of their universe.

"I think, he needs a sister. Or a brother." napataas naman ako agad ng kilay sa sinabi ni Mick matapos siyang lumapit sa akin. Katatapos lang ng binyag ni Juan Carlos at andito kami para sa isang maliit na salu-salo.

"Mick-" Nagningning ang mga mata nito ng makita ang diko pagsang-ayon. Halatang pinagti-tripan na naman niya ako. "Can't you just picture a little girl? Lovely dark curls, bright eyes, and the cutest smile?"

"No." Agad kong iling, humaba naman agad ang nguso nito kaya sa sulok ng mga mata ko napatawa na lang ako.

Of course pinapangarap ko din ang isang babaeng anak. I am an only child at gusto kong magkaroon ng malaking pamilya just like what Mick has pero hindi ko sasabihin sa kanya. Ayoko pa muna ngayon, ang hirap kayang manganak, pakiramdam ko lalabas ang buong kaluluwa ko sa sobrang sakit.

"But baby, we can have a c-section so no worries. At pa-praktisin muna natin kung paano gumawa ng baby girl mamayang gabi." nanlaki agad ang mga mata ko sa ibinulong niya sa akin. Tumindig naman ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang mainit na dapo ng kanyang hininga doon.

"Mick, umayos ka! Baka may makarinig sa iyo." saway ko sa kanya. Pero hindi nagpapigil ang aking asawa ng isang saglit lang ay hapitin na lang niya ako sa likod saka ginawaran ng isang halik.

Na-lost na ako ng sasabihin unang dampi pa lang ng mga labi niya sa akin. With Mick pakiramdam ko palagi niya akong dinadala sa kung saang lugar na pawang siya at ako lamang ang nakikita ko. Hindi ko na napigilang umalpas ang impit na ungol sa pagitan ng mga labi namin.

"Mick, baka naman masundan agad ang apo namin sa ginagawa mo?" nanlaki ang mga mata ko sa hiya at bahagyang itinulak si Mick. Nakita ko pang ngumiti ang mama nito habang karga niya si Juan Carlos. Tinignan ko naman si Mick na hindi pa umaayos ang paghinga at mas namula pa ako sa sumunod niyang sinabi,

"Sa inyo muna si Juan Carlos mamayang gabi Ma, aalagaan ko muna si Sidney."

"Naku pinsan, mukhang hindi pag aalaga ang gagawin mo, papagurin is the right term." sabat naman ni Edward sa gilid.

"I want a baby girl." ano raw? Susmaryosep ka Mickael! Nakita ko ang mapang buskang tawa ni Edward. Napayuko na lang ako dahil hindi ko kinakaya ang sinasabi ng sira ulong lalaking ito sa harap ng mga kamag anak niya.

"Nako, tama na kayong dalawa at tignan ninyo si Sidney mukhang mamamatay na sa sobrang hiya." saway naman ng papa ni Mick. "Hija, dapat kamukha ulit namin ah.. O baka puwede kambal pa. May lahi naman kaming ganon eh."

"P-po?" naku naman. Akala ko ipagtatanggol pa ako ng papa ni Mick yun pala mas malala pa siya ng iniisip.

"My point ka papa, nag bago na ako ng isip. I want a twin." Laglag ang balikat kong napaupo na lang sa isang sulok. Pagabi na rin at magsisiuwian na ang mga tao. Pero ako, pag pa-praktisan pa ng asawa ko.
____

"Ready ka na ba, baby?" mabilis pa sa alas-kuwatro ang pag halik niya sa akin. Kinakabahan man ako pero pikit-mata na lamang akong sumunod sa mga galaw ng labi niya. Wala din naman akong tutol sa gusto niya, mahal na mahal ko si Mick at kung ano ang makakapag-pasaya sa kanya gagawin ko.

"You are tense, babe." kunot ang noo niyang sabi.

"D-don't mind me.. okay lang ako." saka ko siya kinabig sa batok para ituloy ang naudlot niyang paghalik.

Handa na ako, kaya ko ito.

"Sid.." napamaang ako ng bigla siyang huminto, "I want you, and I want a twins pero alam kong hindi pa puwede." masuyo niyang hinaplos ang mukha ko, nakanga-nga pa yata ako.

"B-but.. you said.. y-you.."

"Binibiro lang naman kita kanina.. gusto lang kitang solohin ngayong gabi. I want to be with you, alone." isang damping halik ang ginawa niya bago inayos ang puwesto namin. Niyakap niya ako mula sa likuran at ipinatong niya ang ulo sa balikat ko.

I was lonely,
I needed someone, to see me through,
I was at the, end of my rope,
I needed someone, to cut me lose

"I want to savor every moment of ours like this. Thank you, thank you for not giving up on me. Thank you for making me the happiest man on earth. Thank you for giving me Juan Carlos."

Then an angel, out of the blue,
Gave me the since that I, might make it through
And somehow I survived, with no rhyme or reason,
And now I know I'll make It,
Through the miracle of you

Halos malunod na ako sa sarili kong emosyon ng sinabi ni Mick sa akin iyon. Ni sa hinagap hindi ko naisip na magkakaroon ako ng ganitong kasayang buhay. Noon, isa lamang akong pre-school teacher na nangarap ng magandang buhay para sa lola ko na nagtaguyod sa akin mag isa. Hanggang sa umabot kami sa isang sitwasyong kailangan kong manloko ng tao. Nagmahal ako, nasaktan, nanakit at muntik ng sumuko.

I know the Color Of Love,
And It lives in side of you
I know the color of truth,
Its in the image of you
If it comes for the heart, then you know that its true,
It will color your soul, like a rainbow
Like a rainbow
And the color of love, is in you

"Mahal kita Sidney. Always." saka mas ginawa pang mahigpit ni Mick ang pagkakayakap sa akin.

"Mahal din kita Mick. Mahal na mahal."

And then the angel, angel in you,
Gave me the strength to know,
That I will get through,
And that's how I survived, ain't no other reason
And now I know I'll make it, through the miracle of you

Life wasn't smooth. Nor is it meant to be. I had experienced a rollercoaster of life since I met Mickael St. John. I might be a decietful girl for lying to him but not my heart. That part of my life was over now. Now it was time for me to become a better wife and a mother..

Nang maramdaman ko ang banayad na pag hinga ni Mick sa balikat ko. Maingat akong humarap sa kanya, pinagmasdan ang nahihimbing niyang mukha at kasabay noon ang isang patak ng luha mula sa mata ko. Tears of joy.

If it comes for the heart, then you know that its true,
It will color your soul, like a rainbow
Like a rainbow
And the color of love, is in you

Because the moment that begins my wonderful life is being with this wonderful man.

END.
______

Song credit: Color of Love- BoysIImen

Natapos din sa wakas! Maraming-maraming salamat sa lahat ng nagbasa, bumabasa pa at balak pang basahin muli ang kuwento na ito. Mick and Sidney finally signing off.

Ms.Therapeautic*

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon