@sarahforteen @dhissa
@happyTeng21 @jakzie
@ChryssJullianne @janineperpetua
@fevedamasing @ivylarry14
At sa mga wala po ang pangalan dito, try kong i-loading ang notifications ko pa. Nag hang kasi eh. SALAMAT!!!
________Mick
Wala pang treynta minutos ng magawang dumating ng lahat ng kailangan ko. Tikom pa din ang bibig ko habang paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga sinabi ni Sidney.
"I hope you don't mind, Mick. Isinama ko ang kaibigan ko, meet Atty. Noah Pierre Morales. Kilala siyang criminal lawyer, marami na din siyang naging ganitong kaso." napukaw ng pag sasalita ni Daniels ang isip ko saka inilahad ang kamay sa sinasabi niyang abogado.
Sinimulan kong i-detalye ang lahat ng inamin sa akin ni Sidney. I trusted them enough to devulged this information at kahit pa iba-iba ang pananaw namin sa buhay alam kong iisa lang ang misyon namin ngayon.
"Isang malaking grupo ang kakabanggain natin, Mick. Sigurado ka bang kakayanin natin ng hindi kumukunsulta sa awtoridad?" atubiling tanong ni Edward.
"Sanay na si Mick sa ganitong mga operasyon, Ed. Ang kailangan na lang natin ay ang maganda at naanalisang mabuti na plano." seryosong sagot ni Rob.
"Ako na ang bahala sa mga security cameras at sa back-up. Titignan ko din kung nakita sa CCTV camera yung sinasabi ni Ms. Carrino na miyembro ng Black Nights. Marami akong mapagkakatiwalaang opisyal kahit papano sa militar." this Noah said.
"Good, then I will asked help also to some of our men, Mick."
Nagpupuyos pa rin ang dibdib ko sa galit. Kailangang ibahagi ko ang kuwarto ko para lang malagyan ng mga surveillance cameras para malinlang sila.
Pero wala ng mas may ikasasakit pa sa katotohanan na nilinlang ako ni Sidney. Ang babaeng pinili kong pagkatiwalaan.
I lied to you about everything. Her words still rang in my head.
Tangina. Bakit ba ako nagpadala sa mga matatamis na ngiti niya. Sa maamo at inosenteng mukha niya. She was a lying and deceitful bitch.
"Mick?"
Natigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni Daniels. "What?" irita kong sagot. Nakita ko ang pag iling niya saka sumilay ang half smile nito.
"I'm going to bring in our two best men to cross-examine the woman. Would you like to be present?" tanong sa akin ni Edward.
"No." matigas kong sagot.
He didn't dare. Masyado ng mahirap para sa akin ang mapalapit pa kay Sidney at hindi ko na alam kung makakaya ko pang kontrolin ang emosyon ko kung nasa iisang lugar lang kami.
"I have other things to attend to. Just, keep me informed." marrin kong utos sa pinsan kong si Edward na tumango lamang.
"Would you like me to follow up the cellphone call she mentioned?" Atty. Morales asked.
Tumango ako sa kanya.
"Yes, please. When you retrieved it, bring it directly to me." sharp lahat at matter of fact ang mga utos ko. Alam kong nagiging intimidating kung iisipin, pero ganito talaga ako lalo na kapag may operasyon. Natutunan ko sa pagiging militar ang huwag paganahin ang puso. Puro isip lang.
Tumayo na ako matapos kong maisaayos ang mga plano namin, sumunod na rin ang iba bilang pagtatapos ng paguusap namin.
"What do you want us to do about the grandmother, Mick?" napatigil ako sa pag kilos ng marinig ko ang tanong ni Daniels.
BINABASA MO ANG
My deceitful heart (Complete)
RomanceI hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A way to turn back the clock and make things right. But there wasn't. I couldn't change a thing now, hul...