XXI

10.1K 263 5
                                    

Mick

"Ma.." Napipikon kong saway sa ina ko habang natataranta naman siya sa pag aasikaso sa akin.

"Mick, hindi mo pa kaya. Kailangan mo ng tulong, masyadong nabugbog ang katawan mo sa ospital. You should rest your body for a long time. Hindi biro ang maoperahan sa kidney." angil naman ni mama sa akin.

Nagsasawa na ako sa ganitong araw-araw na lang silang natataranta. Mula ng magising ako sa pagkaka-coma masyado na silang praning lahat.

"Ma, kaya nga ako pinayagang ma-discharged diba? Kasi sabi ng mga doktor maayos na ako. Nothing to worry, okay?" asar kong sagot.

Napatigil si mama sa pag aayos ng mga gamit ko saka ako hinarap. Bakas ang mga matang kulang sa tulog, medyo nangayayat din siya sa kakababantay sa ospital.

"Ma, you need also to rest. Promise, I'm fine.." paninigurado ko sa kanya.

Masyado na ang nagawa kong perwisyo sa kanila. She had a lost of things in mind para makadagdag pa ako. Hindi naman siya si superwoman para kayaning alagaan ang may sakit niyang asawa, intindihin ang buntis niyang anak, asikasuhin ang negosyo ng pamilya at ang nagbabalik-buhay na ako.

"Kung sana andito lang si Sidney edi sana-"

"Ma.." saway ko sa kanya na agad namang natahimik.

I knew that when I left that house, I would never see her again. Sa tulong na rin ni Edward, alam kong maayos siyang nakabalik sa Bataan with her grandmother.

"Masaya ka ba sa ginawa mo? Ha Mick?"

Iyan ang tanong na araw-araw kong hinaharap mula ng magising ako sa hospital na iyon. I always told myself that I am happy that she was gone. Kakalimutan ko siya at ipagpapatuloy ang buhay ko na dati namang wala siya. Sa dami ng dapat unahin, hindi ko na kayang harapin ang mag mahal.

Holy shit! Did I just said, love? Mahal ko na si Sidney?

"Pinag bigyan kita Mick. Sa buong panahon na nasa hospital ka hindi namin binanggit sayo si Sidney dahil alam kong nasaktan ka niya at ganun din siya. Nalaman ko ang ginawa mo sa kanya." seryoso lang akong nakatingin sa kawalan. Takot akong makita ng mama ko ang panghihinayang sa mga mata ko.

"She's now where she truly belongs, ma." I said softly but those words doesn't reaches through my heart.

Coz I know where she truly belong at ngayon ko lamang iyon naisip.

"She loves you Mick. Bakit hindi mo siya sundan?" mariin akong napailing.

Matapos ng lahat ng ginawa ko at nasabi ko kay Sidney, alam kong hindi matatawaran ang sakit ng mga iyon sa kanya. Lalo na ng huli naming pagkikita, nasaktan ko siya physically and emotionally.

"Hindi mo alam kung ano ang pinapalampas mong pagkakataon, anak. I hope magbago pa ang isip mo." malungkot ang naging pahayag na iyon ni mama. "Nakikita ko sa mga mata niya na hindi niya ginusto ang mga pangyayari, hindi niya gustong saktan at magsinungaling sa iyo. Wala lang siyang choice, Mick."

"I know that now ma, pero hindi maibabalik ng kung ano man ang na-realized ko ngayon ang katotohanang sinaktan ko siya. Kahit ang sarili ko hindi ko kayang patawarin. I named names on her, I exiled her to my house and.." and I used her like a rug. Hindi ko kayang isatinig ang bagay na iyon. Sobra ang naging pagsisisi ko ngayon.

"What if you got her pregnant?" nalaglag ang panga ko sa tinuran ni mama. "Kahit hindi mo sabihin may mga mata ako Mick. I know that your attraction to her was very obvious at hindi ka santo para magawa mong i-zipper iyang pantalon mo." Napangiwi ako sa brutal na pagsasalita ni mama sa akin. She knows me that much at hindi ko naman na dapat ipagkaila. But damn! Paano nga kung ganon ang nangyari?

What if she's carrying my child now?

Tangina Mickael. Anung gagawin mo?

"Do the right thing Mickael, or at least let Sidney knows what you truly feel for her. Nasa kanya na iyon kung tatanggapin ka niya o hindi.. But give yourself a shot.." saka niya ako iniwang malalim ang iniisip sa kuwarto.

* * * * * *

Sidney

Muli pa akong napalingon sa dating lamesa ko. Kung saan doon ko nabuo ang mga mumunting pangarap ko. Napakasimple noon ng buhay. Magaaral ka lang ng mga lesson at gagawa ng plan para sa kinabukasang aaralin ng mga estudyante ko. Ganun lang.

"Sigurado ka na bang talaga Miss Carrino?" pangalawang beses ng tanong sa akin ng butihin naming principal, ibinaba niya ang kanyang salamin at diretsong tumingin sa akin. "Alam ko ang pinag daanan mo Sidney, at nakakasiguro akong walang pinag bago ang tiwala ko sa iyo bilang isang butihing guro." Mapait akong napa ngiti na lamang saka yumukod.

"Marami na pong nangyari na nakapag pabago ng mga priorities ko madame." iyon lang ang naisagot ko sa kanya.

Akala ko, once na makabalik ako sa Bataan babalik din ang lahat sa dati. Mamumuhay kami ng tahimik ni Mama Oli at hindi na babalikan pa ang madilim na pinagdaanan namin. Pero habang pilit naming kinakalimutan ang lahat hindi kayang baguhin ng pang araw-araw naming pamumuhay yung takot at pangamba.

"Hija, mas makabubuti sa iyo ang manatili dito. Gawin mong diversion ang pagtuturo para malibang ka, makakatulong din kami para sa pagpapa-therapy mo."

Naging marahan ang iling ko bilang pagtanggi sa alok niya sa akin.

"Salamat po madame, malaking tulong na po sa akin yung pinagkatiwalaan pa rin ninyo ako na magturo dito pero.." napalunok ako bago magsalitang muli, "Mas k-kailangan ko pong alagaan ang lola ko." Iyon na lang ang tangi kong naidahilan sa principal namin.

Buntis ako. Nakumpirma ko na iyon bago pa ako palayain ni Mick. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko dahil sa biniyayaan ako ng isang munting anghel na magmamahal sa akin higit sa kaya ko pang ibahagi. At ang munting anghel na ito ang magsisilbing patunay na minsan akong nagmahal at patuloy pang magmamahal sa iisang lalaki sa buhay ko.

Gusto kong magsimula muli. Umpisahang buuin ang sarili ko sa pamamagitan ng paglayo sa mga lugar na makakapag paalala ng nakaraan sa akin. Ako, si Mama Oli at ang magiging baby ko. Kaming tatlo lamang sa lugar na hindi kami huhusgahan, hindi kami kilala ng mga kapitbahay at malayo sa impluwensya ng mga St. John.

Sininop ko ang mga gamit ko sa mesa bago ko inilagay iyon sa isang malaking maleta saka itinabi sa gilid. Mamayang hapon kukuhanin ko na yung ipinareserved kong ticket papuntang Bicol. May mga kamag-anak kami doon sabi ni Mama Oli. Gusto ko siyang pumunta doon para makapag simula muli pero hindi naman niya ako gustong maiwan dito na mag isa.

I missed him. For the past week since I'd come home, palagi na lang siya ang laman ng isip ko. Lalo na sa gabi kapag ako na lang mag isa sa kuwarto ko at iniisip kung..kung minsan maging makasarili naman ako at ipag tapat ko kay Mick ang kalagayan ko at..

Muli na namang nanlabo ang mga mata ko sa inilalabas nitong tubig. Hindi ko na magawang makapag isip ng tama at alam kong mali ito dahil may buhay na na dapat kong mas unahin.

Napalundag pa ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Matulin kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at saka minsan pang huminga ng malalim.

Hindi ako madamot. Ayokong maging makasarili. Darating ang panahon na kapag hinanap ng anak ko ang ama niya, hindi ko ipagkakait na ipakilala siya.

Mas naging malakas ang mga pagkatok sa pinto na para bang nagmamadali. Nakaramdam naman ako ng pagkairita sa kung sino man iyong nagmamadaling iyon sa labas pero bigla na lamang akong natulala at nanigas na lang sa pagkakatayo ng makilala kung sino iyong kumakatok na iyon.

Mick.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

A/N

Okay.. Malapit na tayo sa katapusan ha.. Sana nagustuhan ninyo ang kuwentong ito kahit puro paningit lang ang oras ng pag u-update ko.

Ms.Therapeautic*

My deceitful heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon