Sidney
Ilang ulit akong napakurap para siguruhing hindi ako pinaglalaruan ng isip ko. Hindi ko magawang pakawalan ang hininga sa antisipasyong andito ang lalaking laman ng puso at isip ko.
"Sid." napakislot ako ng marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. He's wearing a dark suit, napaka-pormal ng mukha niya at hindi ko mabasa ang iniisip niya, pero iisa lang ang masasabi ko. Mick was undeniably the most handsome man I've ever seen.
"Sidney."
"H-huh?" napamaang ako ng muli niya akong tinawag sa mas malakas na pamamaraan.
"I said, I want to come inside." may iritasyon sa boses nito, at kahit na nanghihina ang puso at ang mga binti ko sa presensya niya at dahil na din sa nakikita kong komosyon sa labas dahil sa kanya at dala niyang mga bodyguards niluwagan ko ang pinto ng bahay namin at pinapasok siya.
Nakita kong kinilatis niya ang munting bahay namin. Alam kong wala ito sa ganda at rangya ng mansion nila. Patunay lang kung gaano kalayo ang antas ng pamumuhay namin sa isa't-isa. Natuon ang tingin nito sa mga maleta sa gilid.
"Saan ang punta niyo?"
"Bakit ka nandito?" bagkus iyon ang sinagot ko sa kanya.
"You didn't answer my question Sid. Where are you going?" parang yelo sa lamig ang boses niya.
"K-kailangan ni Mama Oli ng bagong lugar para malimutan niya ang trauma sa nangyari sa kanya, kaya naisipan kong dalhin siya sa mga kamag anak namin-"
"You cannot leave." mariin ang pagkakasabi niyang iyon sa akin. Bakas pa rin sa mukha nito ang galit kaya imbes na masiyahan ako sa pagdating niya, napalitan na iyon ng kaba at pagkatuliro.
Ipapahuli ba niya ako?
"Na-nasabi ko na ang lahat ng nalalaman ko Mick-"nagbaba ako ng tingin ng makita ko ang pag-ngangalit ng panga niya, "I mean.. Mr. St. John."
Tapos na ang pag-pa-panggap ko. Wala na akong karapatan para maging feeling close sa kanya. Ang Mick na kaharap ko ngayon ay ibang-iba sa Mick na nakasama ko sa Palawan, sa mansion at mas lalo na sa bahay niya. Ang taong kaharap ko ngayon ay idinidepina ang kanyang katayugan sa buhay.
"Have you? Bago ka umalis, lahat ba nasabi mo na sa akin? O may inililihim ka pa?" unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.
"I said it before, wala na akong-" napaatras ako.
"Damn it Sidney! This has nothing to do with them." nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang hinablot ang dalawang braso ko, "They were gone. And it is now all about you.. and me."
Panandalian akong natigilan at hindi alam ang sasabihin, "So there is something, I can see it in your eyes Sid." naging malamlam ang mga malalamig na titig niya sa akin. I almost gave in, kung alam na niya ang kalagayan ko o kung may nakapag sabi man sa kanya na aalis kami-hindi ko na alam.
"Sidney." naiinip na sabi nito.
"Y-yes." mahina kong anas. Nakita ko naman na nagliwanag ang mga mata ni Mick ng sabihin ko iyon.
"Then tell me, kung ano ang nararamdaman mo para sa akin." muli, ikinalaglag ko ng panga ang sinabi niya sa akin. Nararamdaman? Ano bang gusto niyang malaman sa nararamdaman ko?
"I-I thought you're here to arrest me."
"Arrest you?" nangunot ang noo nito, "Well, if that's only my option for you to stay here then I'll do that." Halos magkanda buhol-buhol ang pintig ng puso ko sa sobrang nerbiyos ng sinabi niya iyon ngunit hindi ako nagpahalata.
BINABASA MO ANG
My deceitful heart (Complete)
RomanceI hated that he'd blame himself, eventhough I'd been the one who had cause the accident. If only there was some way to undo what I'd been done.. A way to turn back the clock and make things right. But there wasn't. I couldn't change a thing now, hul...