LIA'S POV
"Sabi ko sayo okay lang ako eh" sambit ko sa kanya nang makalabas kami ng clinic.
Akala ko kasi na ay binibiro nya lang ako na dadalhin sa ospital. Seryoso pala sya don. Nandito kami ngayon sa mall kasi naiinitan daw ang mahal na prinsepe. Jusme ang arte.
"Naninigurado lang mamaya bigla ka na lang dyan mawalan ng malay" Sabi naman nya.
"Ano bang gagawin natin dito? Uwi na tayo libre naman aircon sa bahay dun ka na lang magpahangin" Tamad na sabi ko.
Aircon lang naman ata ang habol nito dito sa mall. Kanina pa kami dito nakaupo sa bench. Nakita kong naglabas ito ng cellphone ay kinalikot ito.
"Akala ko ba magpapahangin ka lang? Makikiwifi ka na rin?" Tanong ko sa kanya.
Tinignan nya lang ako ng masama kaya hindi na ako umimik pa. Inilabas ko na lang din ang cellphone ko at naisipang itext si Shianne.
Lia: pssst. Ginagawa mo?
Shianne: I'm busy :b
Lia: Busy? Nasan ka ba?
Shianne: I'm with Keiro right now.
Sinong Keiro? Tanong ko sa sarili ko.
Lia: Keiro? Jowa mo?
Shianne: Sana HAHA
Lia: Anong Sana? HAHA Ba't di mo jowain HAHAHA
Natatawa ako habang nagtitipa ng susunod kong itetext.
Shianne: May bebe na :(
Napatawa ako ng malakas sa tinext nya sakin. Napansin kong napalingon ang katabi ko at tinignan ako nginitian ko lang sya at ibinalik ang atensyon sa pakikipagtext.
Lia: HAHAHAHHAHA
Shianne: Ang sama porket may lovelife ka tinatawanan mo na ko ah.
Lia: Oks lang yan dai.
Bigla kong naisip si Nathan. Napangiti ako sa naiiisip ko. Nilingon ko ang katabi ko at kinalabit kaya't napatingin ito sakin.
"Pwede ba nating isama si Shianne sa Isla?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko namang kumunot ang noo nya.
"What for?" Tanong nya pabalik sakin.
Bibigyan ko ng lovelife bestfriend ko hihi.
"I missed her. I want to spend time with her" sabi ko sa kanya.
Pumayag ka please.
"Fine. One week" napangiti ako sa sagot nya.
--------------
SHIANNE'S POV
(Gagawin kong introduction to ni Shia since wala syang masyadong exposure sa mga chapter saka eto ata yung first pov nya.)
"Mom! I'm begging you. I don't want to leave the country" pagmamakaawa ko rito.
"You can't change my decision. You'll leave at the end of the year" sabi ni mama sa kabilang telepono pagkatapos ay pinatay ang tawag.
YOU ARE READING
His Majesty
Teen FictionLia dreamed of being a princess once but she never thought it would come true. On the other side, Tristan, The Prince, dreamed the opposite. He never wanted to be in a royalty nor to live in a castle. And on the most unexpected day, They met..... An...