Chapter 9

35 10 0
                                    

Lia's POV

Nakaupo ako ngayon sa sofa at katabi ko si Nathan na kanina pa ako pinapakalma pero kahit anong gawin nya ay hindi pa rin ako kumakalma hindi ko rin kayang pakalmahin ang sarili ko ngayon. Ang alam ko lang ay kailangan kong bumalik kay Mama dahil hindi ako mapapakali habang nandoon si papa.

"Hey, Calm down. It's okay. Why don't you try to contact Maximus?" Suhestyon ni Nathan.

I did but his phone is busy. D*mn I don't know what to do right now. I forgot how to calm down!!

"Do you have a boat?, Yatch? Just something that can travel in water?" Hindi mapakaling tanong ko sa kanya.

Ang iniisip ko lang ngayon ay ang makauwi kila mama. Kanina pa ako pinagpapawisan kahit na nakabukas naman ang AC.

"Why? Walang biyahe ngayon ang barko at bangka. We can't go to the city." Sabi nya sakin.

F*ck it! What am i suppose to do now???

I tried calling Mama but her phone is cannot be reached. D*amn it!!!! Para na akong maiiyak kakaisip kung paano ako makakarating ng syudad.

Naalala ko na naman noong bago umalis si Papa.

Lagi na lang silang nag aaway ni mama. Lagi akong nakakarinig ng malalakas na sigawan mula sa kwarto ko. Nagtatago pa ako noon sa ilalim ng lamesa sa tuwing makikita kong sinasaktan ni Papa si mama. Ano bang magagawa ko? I'm just 9 years old back then. One time galing ako ng school naabutan kong may hawak na kutsilyo si Papa at may hiwa ng kutsilyo sa braso ni mama. Hindi ko pa alam ang gagawin ko noon. Mabuti na lang at biglang dumating si Lola at napigilan sila. Pinalayas nun ni Lola si Papa sa bahay at huwag na raw bumalik. Even if I'm just a kid back then I still perfectly remembered how things happened between my Mom and Dad. Sinabi ni Lola na kakasuhan nya si Papa pero pinigilan sya ni Mama. I can't understand why, She said she loves Papa but Papa doesn't love her. Alam kong hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit ni Papa kay Mama sa hindi ko malamang dahilan. Kaya ito ako ngayon kanina pa hindi mapakali at gusto kong umuwi doon. Sinaktan nya si Mama noon alam kong kayang kaya nya rin iyong gawin ngayon.

Napatayo na ako at napahilamos sa mukha. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"What am I going to do?" Paulit ulit na sabi ko habang kanina pa paikot ikot sa harap ni Nathan. Nakita ko naman sya na paulit ulit na tinatawagan ang number Maximus sa cellphone ko. Ramdam kong tensyonado rin sya ngayon at hindi mapakali.

I'm sorry Nathan for dragging you into my mess

Yan na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanya.

Napatakbo ako palapit kay Nathan nang marinig kong mag ring ang cellphone. Wala pang ilang minuto ay sumagot na si Maximus. Nabuhayan naman ako ng loob at mabilis na kinuha ang cellphone.

[I'm sorry. I forgot my phone in the kitchen Why?? Is there something wrong?] Bungad na tanong nya sakin.

I need you right now.

Hindi ko na mapigilang mapaiyak dahil sa halo halong emosyon.

"M-maximus" naiiyak kong sabi.

Narinig kong biglang natahimik ang kabilang linya. Narinig nya atang umiiyak ako.

"Wait for me. I'll go there as fast as I could." Yan lang ang simabi nya at ibinaba na ang tawag.

Hindi ko alam pero parang gumaan ng konti ang naramdaman ko dahil sa kanya. Siguro ay sya lang ang maasahan ko ngayon.

"Thank you Hubby" i said in the back of my mind.

His MajestyWhere stories live. Discover now