SHIANNE'S POV
"Hey! stop running" natatawang tawag sa akin ni Nathan habang hinahabol ako.
Iningusan ko ito ngunit huminto rin naman ako sa pagtakbo. Lumingon ako sa aking likuran upang malaman kung nakasunod pa ito sa akin.
Agad akong umiwas ng tingin ng makita kong nakatingin ito sa akin habang naglalakad palapit.
"Bakit ka ba sumunod?" tanong ko sa kanya.
"I wanted to talk to you" sagot nito sa akin.
I pressed my lips together stopping myself from asking but failed.
"Talk about what?" I asked him.
"About what you said earlier" He answered.
I knew it.
"I-it's just a joke. Nakikipag biruan lang ako hahahha" Pag dadahilan ko.
gosh! please maniwala ka.
"Uhuh? then why are you blushing right now?" tanong nya.
Hindi naman ako nakasagot agad at napatingin sa kanya. Nakatitig ito sa akin at seryoso ang mukha.
"I'm not!" Pagsisinungaling ko.
"Mainit lang kaya ganyan" Dagdag ko pa at tinakpan ang mukha ko.
"Fine. I won't force you." sabi nya.
Akala ko ay aalis na sya dahil tumalikod na ito sa akin ngunit nagsalita pa ito.
"Wala namang masama kung umamin ka, Gusto rin naman kita" sabi nito saka dire diretsong naglakad palayo.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya. Did he really just confessed his feelings?
Or he's just toying me?
Either way hindi ko pa rin kayang pumasok sa relationship. I'm still hoping-
*Rrrrrrrringgggg
Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko upang tignan kung sino ang tumatawag.
Napangiti ako ng mapait nang makita ko kung sino ito.
Speaking of the devil
"Hello??" I answered the phone.
[Shia, I need your help] sabi nito sa kabilang linya.
Nag alala naman ako dahil sa tono ng pananalita nito.
"Keiro? What happened? are you okay?" tanong ko na may halong pag aalala.
[She's breaking up with me again, I don't know what to do! Aalis na sya bukas at titira sa canada, Please help me] Paliwanag niya sa kabilang linya.
"Wait for me. Papunta na ako dyan" I said without hesitation.
Pagkababa ko ng call ay nagmamadali akong pumunta ng cottage upang kunin ang gamit ko. Nakasalubong ko pa si Maximus at si Lia sa tapat.
"San punta mo teh?" kunot noong tanong ni Lia nang mapansing nagmamadali akong mag ayos ng gamit.
"Keiro needs me" I answered her.
Nakita kong naging blanko ang mukha ni Lia saka nagpakawala ng buntong hininga.
Napatigil ako sa pag aayos ng gamit nang hawakan nya ang balikat ko at iharap ako sa kanya.
YOU ARE READING
His Majesty
Teen FictionLia dreamed of being a princess once but she never thought it would come true. On the other side, Tristan, The Prince, dreamed the opposite. He never wanted to be in a royalty nor to live in a castle. And on the most unexpected day, They met..... An...