Chapter 2

68 25 2
                                    

Lia's POV

Hindi pa ako nakakaget over sa nakita ko ng may bumusina sa labas ng bahay. Napalingon naman kami doon at agad na sumilip sa labas.

Lalo akong nagulat ng makita ko ang mga guard ng Rioss. God!! Kukunin ba nila ako?? Ikukulong sa palasyo?? Hindi papalabasin?? Waaaaaahhh!!! Ayoko na!!

"Magandang hapon po Mrs. Guiverez. Narito po ako para kunin ang nahirang na prinsesa" Sabi nya saka bahagyang  yumuko.

"T-teka bakit nyo kukunin ang anak ko?? Hindi ba dapat humingi muna kayo ng permiso sa akin bago nyo siya kunin?? Ako ang ina nya" Sabi ni mama.

"Alam ko ho Misis at dapat alam nyo rin ho na nasa last will and testament ng tatay nyo ang pagpapakasal ng apo nyo." Paliwanag nung lalaki

Anu daw?? Nasa last will and testament ni lolo??

"At dapat alam nyo rin ho na kapag hindi nakapag pakasal ang anak ninyo ay mapupunta na lamang sa charity ang lahat ng mana ninyo. Sa madaling salita ginagawan lamang namin kayo ng pabor" Dugtong pa nung lalaki.

"P-pero mama ayokong magpakasal!" Naiiyak na sabi ko

Ugh!! Hindi naman pabor ng ginagawa nila eh. Binablackmail nila kami!!

"Pwede bang bigyan nyo muna kami ng oras?? Masyadong mabilis ang mga pangyayari" Sabi ni mama.

Nakita ko namang naglabas ng cellphone yung driver parang may tinatawagan.

"Binibigyan ho kayo ng Hari ng tatlong araw upang mag desisyon. Mauuna na po ako Mrs. Guiverez, Mahal na prinsesa" Bahagya siyang yumuko samin saka lumabas ng bahay.

"Waaaaahhh!! Liang!! Magpapakasal ka na!! Anong gagawin mo??" Tanong ni Shianne.

"Hindi ko alam Shiang. Hindi ko alam" Sabi ko saka umupo sa sofa.

"Mabuti pa Anne umuwi ka na. Malamang ay hinahanap kana ng mama mo. Ako nang bahala dito. Sige na hija" Sabi sa kanya ni mama.

"S-sige po tita. Tatawag na lang po ako kay liang mamaya. Bye po" Sabi nya saka lumabas ng bahay.

"Mama" tawag ko kay mama.

"Mama, anong gagawin ko?? Ayokong magpakasal Mama" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Pwede naman nating tanggihan yun diba??" Nakangiting sabi ni mama.

"Pero Ma, paano po yung mana ni lolo??" Tanong ko.

"Hindi naman natin kailangan ng pera nak." Sabi ni Mama.

Alam kong nagsisinungaling si Mama. Kailangan namin ng pera. Malaki na ang babayaran naming renta. At imposibleng mabayaran namin yon dahil wala namang permanenteng trabaho si mama.

*KINABUKASAN*

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko. Ugh! Sumasakit pa ang ulo ko. Alas dos na kasi ako naka tulog.

His MajestyWhere stories live. Discover now