Chapter 4

55 18 0
                                    

LIA'S POV

Inis na nagtalukbong ako ng kumot nang makarinig na naman ako ng sunod sunod na katok sa kwarto. Argh! Inaantok pa ko!

Dumungaw ako sa desk ko para tignan ang oras. Ugh! 7:00 A.M pa lang! 10:00 A.M pa ang pasok ko.

"Hoy Liang! Pag di mo to binuksan sisirain ko tong pinto mo!" Sigaw ni Shianne sa labas.

Ang aga aga nangingibabaw agad yung boses nya!

Kahit na gustong gusto ko pa talagang matulog wala akong nagawa kung di tumayo at pagbuksan ang napaka ingay kong best friend.

"Good morning Liang!!" Napaatras ako dahil sa sigaw nya sakin.

Lakas nang boses. Akala mo ang layo layo ng kausap.

"Ano naman ang ipinunta mo dito nang ganito kaaga?" Bungad ko sa kanya.

Nagulat ako nung bigla syang nagtatalon saka ngumiti nang napakalaki.

Anong nakain neto?

" Eh kasi....... Yung prinsipe mo nasa labas!! Kanina ka pa hinihintay!! Eeeeeeeek!" Sigaw nya sakin saka ako inalog alog.

Tinanggal ko yung kamay nya sa balikat ko dahil nahihilo ako.

Teka tama ba ang dinig ko??

"Sinong prinsepe--" Nanlaki ang mata ko at dali daling sumilip sa bintana nang kwarto ko.

Eh?!? Anong ginagawa ni Maximus dito??!

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Inis na sabi ko kay Shianne habang naghihilamos.

Napaupo naman sya sa kama.

"Hindi ko na kasalanan yun! Ang tagal mo magbukas nang pinto. Eeeeek! Sana ol may sumusundo" Sabi nya saka nagpagulong gulong sa kama ko.

"Ano ba kasing ginagawa nyan dito? Kainis" Usal ko saka nagmamadaling pumasok sa CR.

"Ang arte mo liang! Ikaw na nga tong sinundo! Eeekk! Sana ol!!!" Sigaw nya.

Minadali ko na lang na mag ayos nang sarili ko. Ugh! Ayoko ko talaga mang may nag aantay sakin! Na pepressure ako mag madali.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang higitin ako ni Shianne

"Shiang! Nagmamadali ako!" Singhal ko sa kanya.

"Wait. Hindi ka aalis nang ganyan ang ipit mo! Halika nga dito" sabi nya saka iniupo ako sa kama.

Eh? Ano ba masama sa ipit ko??

Tinanggal nya yung hair bands na nakatali sa buhok ko saka sinuklay.

"Ibaba mo na lang ang buhok mo. Hindi bagay sayo ang pigtail. You look so childish" komento nya.

"Ayan! Okay na! Puntahan mo na yung prince charming mo" taboy nya sakin.

Kinuha ko agad yung bag ko saka nagmamadaling bumaba nang hangdan.

"Ma! Hindi na po ako mag aalmusal! Papasok na po ako!" Sigaw ko saka nagmamadaling lumabas ng bahay.

Paglabas ko bumungad sakin si Maximus na prenteng prente na nakasandal sa kotse nya. Saglit nya akong tinitigan saka nag iwas nang tingin.

"What took you so long?" Tanong nya sakin.

His MajestyWhere stories live. Discover now