LIA'S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata ko.
Nakalimutan ko atang isara ang kurtina ng kwarto ko.
Pagmulat ko doon bumulaga sa akin ang hindi pamilyar na lugar. Doon ko lang naalala yung mga nangyari.
OMAYGAD!! KINIDNAP KAMI!!!!
Babangon sana ako ng maramdaman kong parang may nakadagan sa kamay ko. Lumingon ako at bumungad sakin si Maximus na mahimbing ang tulog. Nakadagan sya sa kamay ko. Hihigitin ko sana ang kamay ko nang bigla syang nagising. Halatang nagulat naman ito nang makita nya ako. Agad syang napabangon at nagkusot kusot ng mata.
"Where are we?" Tanong ko sa kanya.
"Why are you asking me? Pareho tayo kinidnap diba?" Inis na tanong nya sakin.
Hindi ko na lang sya pinansin at sumilip sa bintana malapit sa kama.
Bumungad sakin ang malawak na garden na pinalilibutan ng iba't ibang klase ng bulaklak. Sa tabi ng puno ay may swing. Kapansin pansin rin ang mga nagliliparang paru paro na palipat lipat ng bulaklak.
Woah! Anong klaseng paraiso ito.
"A-are we in heaven?" Sulpot ni Maximus sa tabi ko na halatang namangha rin sa nakikita nya.
Sabay kaming napalingon sa desk dahil tumutunog yung Telephone na nakapatong doon.
Lumapit naman sya doon saka sinagot yung tawag.
"Hello??" *Silence* "wait Dad??—What!! No!!! Argh!!" Inis na naihagis na yung telepono.
"Ano bang problema mo?? Maninira ka pa ng gamit!" Inis na sabi ko saka madaling pinulot yung telepono.
"Bakit ba galit na galit ka dyan?" Tanong ko sa kanya.
Napahawak naman sya sa bridge ng ilong nya bago magsalita.
"Si Dad yung tumawag. He wants us to stay here for a month" napabuga ako ng hangin sa sinabi nya.
"T-teka ano!?! So tauhan ng Dad mo yung kumidnap satin?" Takhang tanong ko sa kanya.
He nodded.
"Sinabi ba nya kung nasaan tayo?" Tanong ko sa kanya saka muling sumilip sa bintana.
"We're in one of his private island. If I'm not mistaken dito nya dinala si Mom bago sila ikasal." Paliwanag naman nya.
"Soo.... What are we gonna do now?" I glanced at him.
"Let's just stay here for a month. We can't do any trouble knowing my Father, Isang utos nya lang gagawin agad ng tauhan nya." Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.
Di man lang ako nakapagpaalam kay Mama at kay Shianne. Sasabihan ko muna sila siguradong mag aalala sila pag nalaman nilang wala ako sa bahay.
Lumapit ako sa telepono saka idinial ang number ni Mama. Pagkatapos ng ilang ring sumagot naman ito
[Hello?? Sino po ito?]
" Ma, si Lia to"
[Oh Lia bakit ka napatawag. May nangyari ba??]
"Okay lang naman po ako Ma, Uhmmm.... Ma Hindi muna po ako sa bahay tutuloy"
[Ahh. May sleepover ba kayo ni Anne??]
YOU ARE READING
His Majesty
Teen FictionLia dreamed of being a princess once but she never thought it would come true. On the other side, Tristan, The Prince, dreamed the opposite. He never wanted to be in a royalty nor to live in a castle. And on the most unexpected day, They met..... An...