Chapter 1

119 29 3
                                    

"Ano bang gusto mong gawin ko??"

"I want you to stay away from me!!"

"Hindi! Hindi ko kaya!! I can't stay away from you!!"

"You should have known the consequences of the mess you've made!!"

"I'm sorry!! I'm really sorry!!

"I can't forgive you, I'm breaking up with you!!"

"HINDEEEEEEEEEEEE!!!" Sigaw ng katabi ko na kanina pa singhot ng singhot.

Inabutan ko sya ng tissue na tinanggap nya naman.

"WAAAH!! I can't believe it!! Bakit sila nag break!! Huhuhu!! Liang!! Bakit ganun!!" Sabi nya saka ako inalog alog.

I really don't get it. Bakit parang siya pa ata ang apektado kesa dun sa nag break??

"Normal lang sa isang relationship ang break up Shiang." Sabi ko saka nag abot ng panibagong tissue sa kanya.

"Sus! Kung makapag salita ka naman akala mo nag ka boyfriend na! At ano naman ang alam mo sa mga ganito? Ha? Maxine Liandra Guiverez??" Sabi nya Emphasizing my full name.

Napailing ako at napayuko dahil alam nyang ayaw kong tinatawag ako ng full name ko.

"Kasi naman napaka common na ng break up sa movie specially kung romance ang genre. Dapat nga alam mo yun dahil nag ka bf ka na eh diba? Shianne Penelope Gutierrez??" Bawi ko sa pang aasar nya.

Nakita ko ang pasimpleng irap nya kaya napatawa ako. Kung sino ang unang nang asar sya ang pikon hayss.

"Lia! Anne! Handa na ang meryenda bumaba na kayo rito!!" Sigaw ni mama mula sa kusina.

"Tara na! Meryenda na daw tama na yan. Nagsasayang ka lang ng luha" sabi ko habang nagliligpit.

"Ugh! Panira ka talaga ng trip" sabi nya sakin saka hinagisan ako ng unan.

"Okay lang at least hindi ako iyakin!" Sigaw ko sa kanya saka dali daling lumabas ng kwarto.

"LIANGGGGGG!!!!" Rinig kong sigaw nya kaya napatawa ako. Asar talo amp.

"Oh kumain ka na dyan" sabi ni mama habang nag huhugas ng pinggan.

Halos mapatalon ako ng makakita ako ng turon sa lamesa. Alam na alam talaga ni mama ang paborito kong meryenda.

"Nasaan si Anne??" Tanong ni mama pag harap nya sakin.

"Andun po sa kwarto natabunan na ata ng unan" sabi ko sabay kagat sa turon na hawak ko.

Nakita ko ang pagtawa at mag iling ni mama. Napalingon ako ng marinig kong pababa si Shiang. Umupo sya sa tabi ko saka kumuha rin ng turon.

"Oh buti hindi ka natabunan ng unan" Muntik na ko mabulunan sa sinabi ni mama.

"Tita na naman eh! Wag nyo nga ko pagtulungan ni liang" nakita ko na naman ang pag pout nya.

"Ayy oo nga pala anak may sulat sayo" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni mama.

Sulat?? Sino namang mag bibigay sakin ng sulat??

"Ikaw Liang ah! Di mo sinabi sakin may secret admirer ka pala! Best friend mo pa naman ako!" Sabi ni Shiang saka nangalumbaba.

His MajestyWhere stories live. Discover now