Chapter 6

47 14 0
                                    

LIA'S POV

Wake up

Wake up

Wake up

Putek!  Sino ba yon? Inaantok pa ko eh!

Wake up

Wake up

Wake up

Sabi ko nga inaantok pa ko!! Ugh!

"Utang na loob patulugin mo muna ako" inis na sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

"Wake up sleepyhead" Napabalikwas ako dahil sa narinig kong ibang boses.

Bumungad sakin si Maximus na matiim na nakatingin sakin at nakakunot ang noo. Ang aga aga ang sungit agad ng mukha neto.

"Ang aga aga ganyan agad mukha mo" sabi ko saka nagsimulang magligpit ng higaan.

"I'm hungry" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Edi magluto ka. Hindi ko naman dala ang lutuan" sagot ko sa kanya saka dumiretso sa banyo para mag ayos.

Paglabas ko ay bumungad sakin ang nakabusangot na mukha ni Maximus. Pft! Parang bata.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"You're supposed to cook for me. What kind of wife are you?" Nakabusangot na tanong nya sakin.

Napailing na lang ako at napatawa. Hindi ko alam na may gantong side din pala ang kasama ko. Akala ko ko'y puro kasungitan lang ang alam nito.

"Hindi ka naman nag sabi. Eto na po magluluto na mahal na prinsepe" tatawa tawa kong sabi saka lumabas at dumiretso sa kusina para magluto.

Nagluto ako ng longganisa at fried rice para sa umagahan. Kumakain naman siguro ang mga prinsepe ng longganisa no?? Malay ko ba kung ano ang kinakain ng mga nasa Royal Blood family.

Wala pang ilang minuto ay lumabas na si Maximus sa kwarto at nagtungo sa kusina. Nginitian ko ito at pinaupo sa hapagkainan.

"Kain na po mahal na prinsepe" nakangiting sabi ko.

Kumunot ang noo ni Maximus habang nakatingin sa longganisa. Oh my! Wag nya sabihin na hindi pa sya nakakakain ng longganisa??

"What is this?" Turo na sa longganisa na nasa plato nya.

"Hindi ka pa nakakakain nyan??" Manghang tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. 

"Longganisa tawag dyan. Kain na masarap yan" pag aanyaya ko sa kanya.

Muntik na akong matawa ng tusok tusokin nya ang longgania gamit ang tinidor na parang sinusuri ito. At kung tignan nya ito ay parang ngayon lang sya nakakita ng longganisa sa tanang buhay nya.

"Why is this wrapped in plastic" turo nya sa longganisa.

Napangiti ako bago sumagot.

"It's not plastic. It's pig's intestine" natatawang sabi ko.

"Eat now. Lalamig pa yang kanin. Hindi na yan masarap" sabi ko sabay tulak sa kanya ang pinggang may fried rice.

Kahit na parang ayaw kainin ni Maximus ang Longganisa ay tinikman nya ito. Nagliwanag naman ang mukha nya at naging sunod sunod ang subo ng kanin at longganisa.

"See? Sabi ko sayo masarap yan eh" komento ko habang nagsasalok ng kanin sa plato ko.

Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami kung ano ang gagawin namin sa buong araw.

His MajestyWhere stories live. Discover now