Chapter 3

64 26 2
                                    

LIA'S POV

Grabe ang harsh talaga ng lalaking to!? Di man lang nya naappreciate yung thank you ko! Nag effort pa ko don.

Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko. Pansin ko ring maraming napatingin samin tapos magbubulungan. Malamang makikita nila yung prinsepe lumuluhod sakin.

"Eh?? Ano bang ginagawa mo? Tumayo ka nga dyan" Inis na hinila ko yung sleeves nya pataas.

"Just stay still" sabi nya saka hinawakan yung tuhod ko.

Napalingon ako sa paligid ko. Pansin kong patalim ng patalim yung titig nila sakin. Kung nakakapatay lang ang tingin kanina pa siguro ako nakabulagta dito.

"Awww" Daing ko ng may kung anong dumikit sa sugat ko.

"Seriously? Betadine lang to. Hindi naman to masakit." Sabi nya.

Wow! Edi sya na! Mas marunong pa sya sa nakakaramdam.

"Eh sa masakit eh ano magagawa ko?"  Taray ko sa kanya.

"Tss. Just endure it matatapos na to" sabi nya habang patuloy sa paggamot sa sugat ko.

"Awww" Napadaing na naman ako. Eh masakit eh!

"Tss" Rinig kong sabi nya.

"Wag mo kasing diinan. Minumurder mo na yung tuhod ko eh. Sakin ka may galit diba? Wala naman kasalanan yung tuhod ko" Sabi ko sa kanya.

"Done. Let's go" Sabi nya.

Medyo masakit pa yung tuhod ko pero kaya ko nang maglakad. Sumakay kami sa elevator papuntang Second Floor. Dumiretso sya sa isang clothing store. Sumunod na lang ako sa kanya.

"Oh! Prince Maximus! Good to see you!" Bati sa kanya nang babaeng nasa 30's na ata? I'm not sure. Ang bata kasing tignan.

"Good to see you too Mrs. Enah" masayang bati ng kasama ko.

Napatingin  naman sakin yung babae. Nginitian nya ako kaya gumati rin ako ng ngiti.

"Is this the lucky girl?" Tanong nya sa kama ko.

Hindi sya sumagot at naupo sa sofa sa gilid.

"Can you find her a decent clothes? Kailangan nya kasi" napaligon ako sa kasama ko.

"So hindi ako disente mag damit??" Inis na tanong ko.

Bored na tumingin sya sakin.

"Sort of" Sabi nya saka kumuha ng magazine sa tabi.

Gaaaah! Ang sama talaga ng ugali nito!! Ugh! Sapatusin ko to eh!

"Well! Let's go hija! Im sure lahat ng isusukat ko sayo ay babagay. You have a well shaped body" komento ni Ms. Enah.

"Ah! Thank you po Mrs. Enah" ngiting sabi ko naman.

"Tita na lang! Masyadong formal ang Mrs. Enah" Sabi nya sakin

"Sige po Mrs.--Tita" err-Hindi ako sanay.

"Tara na hija" Yaya nya saka pumunta sa isang shelf.

Sumunod naman ako at nakitingin. Nagulat ako ng ipahawak nya sakin yung isang pile ng damit.

Ehh?? Ang dami naman nito! Ang hirap kaya mag laba!

His MajestyWhere stories live. Discover now