Chapter 22 The Book

697 29 3
                                    

Althea Walker POV

Nasaan ako anong lugar to, nandito ako sa Isang lugar na napapalibutan ng mga bulaklak at mga kumikinang na mga bagay at marami ding mga alitaptap.

"Gising ka na pala," may nagsalita sa likod ko at ng lingonin ko.
" Goddess azumi,ikaw ba yan,"nagulat ako dahil nandito siya,anong ginagawa niya dito.

" Anong nangyayari at nasaan ako goddess azumi," tanong ko sa kanya hindi ko Naman Kasi alam kung anong lugar to.

" Nandito ka sa garden bloom of goddess, ito ang  tahanan namin. "Nakangiti niyang sagot sakin, ang ganda Niya talaga.

"Hindi Ito ang lugar na pinagdalhin niyo sakin noon hindi ba?" Ang layo kasi ng hitsura eh

" Oo hindi nga ito," naka ngiti Niya paring sagot sakin. "Pero bakit ba natin ito pinag-uusapan,hindi yan ang dahilan kung bakit nandito ka."

Anong ibig niyang sabihin." Anong ibig mong sabihin goddess,"hindi ko Alam pero para Akong na eexcite sa sasabihin Niya.

"Nandito ka upang  bigyan ng mission," woah tutuo ba to

" Talaga mission,"sabi ko na eh Kaya para akong na excite.
" Sige po,anong mission po yun,"na eexcite kung tanong.

" Simple lang Naman,basahin mo lang ang librong nakatago sa library ng Lightanian academy ,"okay na Sana eh,pero kainis naman

" Wag kanang magreklamo diyan,yan ang unang pagsubok ko sayo,"seryoso niyang Saad,hindi ko alam pero hindi man lang ako kinabahan sa pagiging seryoso Niya

Kapag ganyan Kasi siya matakot kana dahil hindi mo magugustuhan ang pagiging seryoso Niya

Ngunit anong pagsubok ang tunukoy niya.
"Anong pagsubok ang tinutukoy niyo goddess azumi," nakapagtataka Naman ito

" Malalaman mo rin pero hindi pa ngayun,"seryoso niyang Saad sakin

" Kung ganon,anong libro iyon!?"hindi ko naman Kasi alam kung ang klaseng libro yun no

"Sacred book of  prophesy,duon masasagot ang mga katanungan na nais mong malaman,at paka ingatan mo din ito,walang Sino man ang pwedeng makakita nito maliban sa iyo,nagkakaintindihan ba tayo!?"seryoso na may halong diin niyang sabi sakin

"Makakaasa kayo goddess azumi" hindi ko alam pero parang may kutob ako na Hindi ko lang matukoy,ngunit para Naman ito sakin kaya susundin ko ang sinabi niya

"Sige na bumalik kana sa academy,masyadong mahaba na ang naitulog mo"kalaunang sabi Niya sakin,pero bigla kung naalala—

" Hala oo nga pala,baka nag-aalala na sila sakin ",pakshet baka hindi pa tapos ang laban dun, kailangan ko na talagang bumalik

The Long Lost Powerful PrincessWhere stories live. Discover now