Chapter 32 Dragon Simble

575 24 8
                                    

ALTHEA POV

Binasa ko kagabi ang libro ng book of prophecy,at nalaman kong sa tulong ng pulseras na binigay sakin ni goddess azumi,ay mabubuo ang ipinaghiwahiwalay na crystal diamond,which is nasa mga prince and princess at sabi pa dun,hindi mabubuo ang pinaghiwahiwalay na crystal kung wala ang pulseras dahil ito ang kukumpleto at nalaman ko rin na ang itinakda lang ang may kakayahan na gawin yun

Pero Bakit Naman kaya ibinigay sakin to ni goddess azumi,e hindi Naman ako isang prinsesa no.

God,sumasakit talaga ang ulo ko.

Nauna Akong nagising sa kanila,kaya minabuting magluto na ako.

Speaking of luto,ang niluto ko nga pala kagabi ay dalawang potahe.

Ang adobong Manok at caldereta....sarap na sarap nga sila eh ang dami nilang naubos na kanina...lalo na yung boys.

Nagluto ako ngayun ng hatdog at ham at ng fried rice,total wala Namang natira sa niluto ko kagabi.

Nauna Akong kumain sa kanila at napag pasyahan kong e enhance muna ang kapangyarihan ko pagkatos nito.

Nag iwan ako ng note na may pupuntahan lang.

Nag decide ako na sa meteor garden ako pumunta,total malawak Naman din dun at hindi ko Naman sisirain....pero Sana Naman payagan ako ng nagbabantay dun—kung meron ngang nagbabantay.

Ito ang pangatlong beses na makakapunta ako dito,nung unsa Kasi hindi ko gaanong napagmasdan ng mabuti ang lugar na to at ang pangalawa ay yung hina—ay never mind,ayokong naalala yun.

Pagpasok ko sa meteor garden ay hindi inaasahang pag atake ang sumalobong sakin.

Sinangga ko Naman ang mga tinitira sakin,shit anong nangyayari bakit nila to ginagawa,eh sa pagkaka tanda ko hindi Naman ganito ah.

At hindi ko din alam na may mga fairies pala dito.

"Wag kang pumasok,"  Isang matinis at cute na boses ang narinig kong nagsalita.

"T-teka,bakit Naman,"  hindi ko kasi alam na galit pala to sila sa mga Lightanian na katulad nàmin.

"Wag ng maraming tanong,  ginagawa nàmin ito dahil naghihigpit kami ng seguridad sa lugar nàmin,"  saad ng Isang fairy na may pakpak ng kulay kahil.

Wahhhh,ang dami pala Nila.

" S-sandali,hindi Naman Kasi ako masama eh,"

Mukang hindi sila naniniwala sakin,ano ba kasing nangyari Dito.

" Magsitigil kayo," Isang cute na sigaw ang narinig ko,at ng tingnan ko ito ay nag si hawi ang mga fairy at lumabas ang Isang fairy na may suot na mahabang damit na kulay ginto at may korona,hmmm baka siya yung reyna.

" Ipag paumanhin mo binibini  ang naging asal ng aking mga kasamahan."  Saad ng—iwan ko Hindi ko siya kilala, ang bait Niya Naman at siya pa talaga ang humingi ng paumanhin.

"Ayos lang, maaari mo bang sabihin sakin kung anong nangyari at bakit ganito ang naging asal Nila,"  nakapagtataka Naman Kasi

Pero baka may pumasok Dito at may ginawang hindi kaayaya.

Iwan, kaya nga ako nagtatanong.

"May Isa kasing estudyante ang pumunta dito at nagwala, Sinira Niya ang aming mga pananim na bulaklak at mga hindi pa nakumukadkad na mga bulaklak,kaya hindi maiiwasan sumama ang aming loob,kaya hinigpitan nàmin ang siguridad Dito sa aming lugar," nagulat ako sa sinabi Niya,kaya Naman pala.

Hindi ko Naman pala sila masisisi,maski ako magagalit talaga ako pag ganito ang nangyari.

"Teka,bakit Naman Niya ginawa yun....hindi Niya ba alam na may nakatira dito—i mean tulad niyo..Kasi—alam mo Kasi," nag aalinlangan kong saad,eh Kasi Naman ngayun ko lang din Naman alam na may nakatira Dito."—ahm,ngayun ko lang Kasi nalaman na Dito kayo nakatira,"

The Long Lost Powerful PrincessWhere stories live. Discover now