#CHAPTER01
"Are you excited?" Dad asked.
Mula sa bintana ay binalingan ko siya. Nasa daan na muli ang tingin niya habang malaki ang ngiti sa labi. Humigpit ang hawak ko sa seatbelt at hindi na rin napigilan ang pagsilay ng ngiti.
"I am, Dad."
"I'm happy for you," bumaling siya sa akin.
Nagtagal kaming nakatitig sa isa't isa habang suot ang naglalakihang ngiti sa aming mga labi. Nang ibalik namin ang tingin sa harapan ay roon kami natauhan. Mayroong mga harang sa aming harapan. Putol ang tulay na aming daraanan!
Bumilis ang tibok ng aking puso. Humigpit lalo ang kapit ko sa seatbelt. Binalingan kong muli si Daddy na ngayon ay hindi malaman ang gagawin. Mabilis ang patakbo niya dahil walang tao sa daan maliban sa amin.
"What are we gonna do?"
Hindi na mapirmi ang aking paghinga. Malapit na kami, tatawirin na lamang namin itong tulay at naroon na ngunit bakit bigla na lamang naging ganito? Hindi ko mabitawan ang seatbelt sa takot na baka kung ano ang mangyari sa akin.
"The break is not working!"
Ang takot ay tuluyan na nga'ng naghari sa aking katawan. Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata. Hindi ko kayang makita kung paano ako mamamatay.
"Hold on tight. I won't let you die," Father said before he fastened the car.
'Inhale, exhale, inhale, exhale.' I keep whispering it on my head to calm my nerves but, it didn't work.
The last thing I knew was I felt like flying and then falling down. Hanggang sa pagbagsak namin ay hindi ko dinilat ang aking mga mata. Naramdaman ko ang lamig ng tubig na ngayon ay pinupuno ang aming sasakyan.
Sandali pa 'kong nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa maubusan na nga 'ko ng hininga at kusa na lamang mawala ang aking malay. Hindi ko iyon nilabanan, hinayaan ko lamang ang sariling lamunin ng tubig at kadiliman.
Pamilyar ang malambot na kama na aking hinihigaan. I moaned as I moved to the left side. Kumikirot ang ulo ko ngunit kaya namang labanan iyon. Sinubukan kong umidlip muli ngunit hindi na 'ko nakatulog. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mga mata.
Ang madilim na kisame ang una kong nakita. Inikot ko sa buong lugar ang aking paningin ngunit hindi ko ito masyadong maaninag dahil madilim. Ang maliit na lampara lamang sa gilid ng kama ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto.
Unti-unti akong naupo mula sa pagkakahiga. Patuloy pa rin ang pagkirot ng aking ulo ngunit isinantabi ko iyon. Pamilyar sa akin ang malambot na kutson ngunit hindi ang lugar. Huminto ako saglit at pumikit upang huminga ng malalim.
I tried to think what the hell happened but, nothing comes to my head. All I can remember is the car, me shivering in fear. I was afraid to die but other than that, I couldn't remember anything.
"Where the hell am I?" I whispered, almost begging myself to remember.
Kinuha ko ang lampara at umikot sa kabuuan ng kwarto. Malaki ito at kumpleto sa kagamitan. Hinawakan ko ang mga gamit na naroon upang maalala na rito nga ako nakatira ngunit wala pa rin.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Natatakot kung bakit ganito. Ni wala akong maalala. Ang tangi ko lang naaalala ay ang malamig na tubig na bumalot sa aking katawan. Pinihit ko ang hawakan ng pinto. Napahinga ako ng maluwag nang malamang bukas iyon.
Lalabas na sana ako ngunit kaagad akong pinigilan ng isang babaeng kanina pa yata nagbabantay sa labas ng silid. Kunot noo ko siyang tinitigan nang harangan niya ang aking daraanan.
BINABASA MO ANG
Lost Island ✓
Fantasy[COMPLETED] The mystery behind her death. Summer Lauren Fernandez-an intruder in the Aguilar family. The head of the Aguilar offers her to pretend to be Leah-her granddaughter. Leah Brooklyn Aguilar is the youngest of the Aguilar's cousins...