ONCE

36 4 0
                                    

#CHAPTER11

MALAKAS ang bawat pagpatak ng ulan mula sa kalangitan. Kanina pa 'to walang tigil kaya kinansela ang klase para sa araw na 'to. Nakatulala lamang ako sa bintana ng aking silid at pinagmamasdan ang walang tigil na pagbagsak ng tubig sa kalupaan.

Napapikit ako nang humampas ang hangin na may kasamang butil ng tubig sa aking mukha. Dinama ko lamang ang malamig na hangin na tumangay sa nakalugay kong buhok. Kung pwede lang ay maliligo ako sa ulan ngayon.

"Ano ba ang iyong tinitignan diyan?" Umupo si Shiela mula sa pagkakahiga sa aking kama.

Nagkibit balikat ako at ngumuso sa kaniya. I'm not looking for anything specifically. Bored lang ako kaya ako nakatulala rito. Wala naman kasing magawa rito. Napapagod na rin ako kababasa.

"Mag-usap na lang tayo."

Nakuha niya ang aking atensyon ngunit hindi ko iyon pinahalata. Inikot ko ang upuan upang makaharap sa kaniya.

"Tungkol saan?" 

Lumakad siya palapit sa akin. Akala ko'y kung ano ang gagawin niya, sinarado niya lang pala ang bintana sa aking likuran.

"Malapit nang dumilim. Gusto mo bang magkwentuhan tayo nang nakatatakot?" ngumiti siya nang nakakikilabot.

Nagsitayuan ang aking balahibo. Dalawa na ang lampara ko ngayon. Nakita pala ni Leo ang pagkabasag ng lampara ko dahil kay Dylan. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Inabutan niya lang ako ng dalawang lampara at nagpaalam nang aalis.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Nag-aaral kaya siya? Nagbabasa? Gusto kong malaman, naiinis ako kaiisip!

"Tila lumilipad na naman ang iyong isipan." Natauhan ako nang marinig siya.

Muli pala akong natulala sa bintana, sinisilip ang kaharap na gusali. Hindi niya sana napansin iyon. Bumaling ako sa kaniya at ngumiti upang hindi na siya magtanong pa.

"What do you want to know?" tanong niya at kinuha ang makapal na libro sa ibabaw ng kama.

Kagat ko ang pang ibabang labi habang nakatingin sa kaniya. Nasa aklat lamang ang paningin niya. Marami akong gustong malaman ngunit hindi ko iyon isinatinig.

"Kung ano na lang ang gusto mong sabihin." Tumango-tango ako.

Nakita ko ang pagngisi niya sa likod ng libro ngunit sinawalang bahala ko na lamang iyon. Siguro'y may nabasa lamang siya kaya gano'n. Hindi na 'ko nag-isip pa at hinintay na lamang siyang sabihin ang nais.

"Ang sabi ko kahapon, ang lola mo ang unang babaeng nagtagumpay sa larangang kaniyang pinili. Ang sumunod sa kaniya ay walang iba kung hindi si Tita Lucy, ang nanay ni Dylan." Binaba niya ang hawak na libro at bumaling sa akin. "Kilala mo siya, hindi ba?" 

Umikot ang aking mga mata. Duh! Paano ko makalilimutan ang mokong na 'yon? Natigilan ako nang marinig ang mahina niyang pagtawa. Binalingan ko siya kaya napaayos siya ng upo.

"Tita Lucy is close to my mother," paliwanag niya. 

Tumango ako, hindi alam kung ano ang isasagot.

"Oh! Dumidilim na pala," gulat na aniya habang nakatingin sa likod ko.

Ngumuso ako at tumalikod upang makita ang tinititigan niya. Madilim na nga, kanina pa walang araw pero maggagabi na ngayon. 

"May gagawin ka ba?" Ibinalik ko sa kaniya ang tingin.

Hindi matigil sa pagpadyak ang kaniyang kanang paa habang nakatingin pa rin sa labas. Kumunot ang noo ko sa kaniyang asta.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon