OCHO

41 4 0
                                    

#CHAPTER08

Nagkulong lang ako sa kwarto hanggang gabi. Kahit na kumulo ang sikmura, wala akong planong lumabas. Laking pasasalamat ko na lang nang may kumatok at nagdala ng hapunan. Inutos ata ni Leo, bahala na basta hindi ako natulog ng gutom.

Maaga akong nagising nang sumunod na araw. Kahit naman ayaw ko, wala akong magagawa kung hindi ang pumasok. Ito ang gusto ni Senyora, kung hindi ko susundin, mapapahamak ako.

Hindi na 'ko nag-abala pang magdala ng gamit at lumabas na ng silid. Alam ko naman na kung saan ako pupunta, hindi ko na siya kailangang hintayin. Lumakad ako papuntang paaralan, hindi na huminto upang hintayin si Leo.

Sa gitna nang paglalakad ay bigla na lamang akong nakaramdam ng presensya sa aking likuran. Hindi ko iyon pinansin dahil si Leo lang naman ang susunod sa akin. Nang tumagal na hindi niya 'ko nilapitan ay huminto ako at lumingon sa kaniya.

Marami akong iniisip ngunit hindi ko malaman kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang makitang hindi siya iyon. Isang maputi at matangkad na lalaki ang kanina pang nasa likuran ko. Pairap akong bumalik sa paglalakad, inakalang titigil na siya ngunit nagpatuloy siya.

Iritado ko siyang binalingan. Pinagtaasan niya 'ko ng kilay kaya lalo akong nainis. Ano bang problema ng lalaking 'to? Ang luwag-luwag ng daan, bakit nakasunod siya sa akin?

"Ano'ng kailangan mo?" inis na sambit ko.

"Wala," preskong sagot niya.

Iritado akong ngumisi. Huminga 'ko nang malalim at pinikit ang mga mata. Calm down, 'wag kang padadala. Kaya mo 'to, 'wag mo na lang pansinin. 

Nang idilat ko ang mga mata ko'y ngumiti na lamang ako sa kaniya bago muling naglakad. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na pinansin. Tahimik lang akong naglalakad nang bigla na lamang niyang haltakin ang braso ko, dahilan upang matigil at mapaharap ako sa kaniya.

Inis kong binawi ang braso mula sa hawak niya. Ano bang problema ng siraulong 'to? Kung ano man ang trip niya sa buhay, 'wag niya 'kong idamay!

"You're new."

Duh! First year nga ako, hindi ba? Ano tingin mo sa first year, matagal na? Mag-isip ka nga! Nakatikom lang ang bibig ko. Baka kung ano pa ang masabi kong hindi maganda.

"I guess you're new." Tumango siya bago titigan ang bawat sulok ng mukha ko. Nailang ako pero nilabanan ko ang tingin niya. Kung mag-iiwas ako ng tingin, baka akalain niya may gusto pa 'ko sa kaniya. Siraulo pa naman siya!

"What's your name?" 

Goodness, hindi ba halatang ayaw ko siyang kausap? Bakit ayaw niyang tumigil? Ayaw ko lang maging bastos kaya hindi pa 'ko umaalis. Kahit na ang bastos niya sa part na bigla na lamang niya 'kong hinila. Akala niya ba porke lalaki siya'y ayos lang iyon? Maaaring mas mataas sila sa lugar na 'to ngunit hindi para sa akin. I won't let them feel superior over me. I will only look up to Senyora, not to a man.

"Naputol ata ang dila mo." Mahina siyang natawa ngunit nababasa ko sa mga mata niya ang pagtitimpi. Umikot ang mata ko sa nakita. Tsk, kung naiirita ka na tulad ko, umalis ka na.

"Magsalita ka naman, kanina pa 'ko salita nang salita rito." At napigtas na nga ang pasensya niya. 

Nabuo ang ngiti sa labi ko nang makitang ang paghigpit ng mga kamao niya. Hindi mo ako masasapak, maraming matang nakatingin. Nakangisi lamang ako habang nilalabanan ang masasama niyang tingin. Pinagtitinginan kami ng bawat dumaraan kaya hindi niya 'ko masasaktan. Lagot lang siya kay Senyora kung nagkataon.

"What--" 

Napaatras ako nang pumagitna sa amin si Leo. Pa'no napunta rito 'to? Ang ngisi ko'y napalitan nang pagkakunot ng noo. Lalaki sa lalaki na, pataasan pa naman ng ihi ang mga 'to. Ano'ng gagawin ko kung bigla na lamang magsapakan ang dalawang 'to? Magiging witness pa ba 'ko ng murder ngayon?

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon