#CHAPTER33
I lifted my head when I felt the presence of someone in front of me. The hope in my eyes instantly vanished when I saw who it was. It was the man I was with before and during the accident. My father sadly smiled as he looked down on me.
Inilahad niya sa akin ang kanyang palad ngunit tinitigan ko lamang iyon. Naubos na ang lakas ko. At kung hahawakan ko ang kanyang kamay, parang pinili ko na ring iwanan si Leo at ang islang naging tahanan ko nang mga panahong walang-wala ako.
Nang iiwas ko sa kanya ang aking tingin ay narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. Ramdam ko pa rin ang basa sa aking pisngi dulot nang pag-iyak. Tumigil na 'ko sa pagluha ngunit ang sakit ay nararamdaman ko pa rin.
Hindi ko siya nilingon kahit na umupo siya sa aking tabi. Pinirmi ko ang paningin sa aking harapan—sa tahimik na isla.
"Summer," mahinang tawag niya.
Hindi ako lumingon kahit na alam kong iyon ang aking pangalan. Tinawag din ako ni Leo ng Summer, ngunit hindi ko na gusto ang ngalang ito. He called me in my real name before he disappeared in a blink of an eye.
"Alam ko kung gaano kasakit sa iyo 'to, ngunit kailangan mo nang umuwi, anak," mahinahong sambit niya.
Handa na 'ko, e. Handa na 'kong magsimulang muli kasama si Leo. Handa na 'kong kalimutan ang aking nakaraan. Ngunit bakit kung kailang handa na 'ko, roon pa 'ko nagising? Kung kailang handa na 'ko, roon pa siya nawala, ngayon pa niya 'ko iniwan.
Muling namuo ang panibagong gripo ng luha sa aking mga mata. Hinigpitan ko ang yakap sa aking magkabilang tuhod at pinatong roon ang aking baba. Tinanaw ko ang kinalalagyan ng Mansión Azul de Aguilar na ngayon ay puro pinong buhangin na lamang. At ang naglalakihang puno sa kabuuan ng isla.
Wala na ang lahat. Wala na ang mga taong minahal ko. Wala na ang tahanan ko. Wala na si Leo.
"Maraming naghihintay sa 'yo, anak. Napakatagal na naming naghihintay. Hindi mo ba kami gustong makitang muli?" Nahimigan ko ang lungkot sa kanyang tinig.
Tinikom ko ang aking bibig kasabay nang tuluyang pagtulo ng panibagong luha sa aking mga mata. I wanted to stay here, but they were not here anymore. The reason why I wanted to remain wasn't here anymore. Leo left—He left without saying goodbye.
"Damian's waiting for you. Please, go home. I saw the genuineness in your eyes before the accident. I didn't know that you roaming around would be this bad."
Wala akong lakas na magsalita kahit na gustong-gusto kong magtanong sa kanya. Ano ba talaga ang nangyari? Bakit bigla silang nawala?
That name, Damian, sounds so familiar, but I can't remember when did I hear it before.
"Everyone's waiting for you. Come with me, Summer. Your mother is worried sick. She's lost, and you're the only one who can bring her back—bring them back." I see from my peripheral vision that he looked at me.
Kaagad na nagsalubong ang aming mga paningin nang lumingon ako sa kanya. Wala na ang ngiti sa kanyang labi. Ang mga mata niya'y punong-puno ng lungkot at paghihinagpis. Lalong dinurog ang puso ko dahil kita ko sa aking harapan ang tatay kong nasasaktan.
"W-Where are they? W-What are they?" I stuttered a bit as I asked the two questions that I kept in me since earlier.
Tumagal ang ilang minuto na tahimik lamang kaming nakatingin sa isa't isa. Sa bawat pagpatak ng oras, bumibilis ang tibok ng puso ko. At alam kong sa oras na kumpirmahin niya na ang kinatatakot ko, walang isang segundo'y mababasag ito.
"Dad, please tell me," I begged as tears started blurring my sight again.
Maybe it was because of the unshed tears in my eyes, the reason why I thought I saw my father's tears rolled down his cheeks as he removed his gaze from me.
BINABASA MO ANG
Lost Island ✓
Fantasy[COMPLETED] The mystery behind her death. Summer Lauren Fernandez-an intruder in the Aguilar family. The head of the Aguilar offers her to pretend to be Leah-her granddaughter. Leah Brooklyn Aguilar is the youngest of the Aguilar's cousins...