DIECISEIS

33 3 0
                                    

#CHAPTER16

I EFFORTLESSLY got everyone's attention as soon as I stepped out of our boarding house. I stopped taking a step forward to wander around. Those girls didn't even try to look away from me. They fought my stares when I met theirs. It was like they're not afraid that I caught them staring at me with disgust in their eyes.

I looked to my left, only to be greeted by a familiar face. Aha! She's one of the girls who talked to me before at the catering hall.

Hopefull to give me an answer, I walked towards her. 

I stopped right in front of her. Luminga-linga siya sa paligid. Nakita ko sa kanyang mukha na nahihiya siya dahil sa paglapit ko. Matapos ay yumuko lamang siya. Pinikit ang mga mata at umiling. Hinayaan ko lamang siya nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin ako palayo sa mga matang nakamasid sa amin.

Huminto kami sa likod ng boarding house, malapit sa gate palabas ng pribadong lugar. Binitawan niya 'ko. Sandali pa siyang nanatiling nakatalikod sa akin bago humarap. Nakita ko ang pagod, pag-aalala, lungkot at galit sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

"I told you to stay away from him," she calmly said

I didn't know what to answer. Ano ba ang nangyayari? What's with their stares? Bakit siya nagkakaganito? Ang dami kong tanong ngunit walang lumabas sa aking bibig. 

"Leo!" she groaned as she mentioned her—our cousin's name. "You slept at his suite? Did you go outside the school with him?" she asked, her eyes are twinkling with hope. "Please, tell me that the gossips are not true," she pleaded when I didn't respond.

Natikom ko ang aking bibig sa kanyang isiniwalat. Kaya pala gano'n ang pinupukol nilang tingin sa akin dahil dito? Akala nila'y may relasyon ako kay Leo—sa pinsan ko? Hindi ko alam kung paano at bakit ngunit nakaramdam na lamang ako na parang may isang patalim na tumusok sa aking puso. Tumusok iyon, hinila pabalik, at muling tinusok, paulit-ulit. Masakit, sobrang sakit.

Naisip ko no'n na tatanggapin ko anoman ang magiging reaksyon ng lahat sa oras na malaman nila ang ginagawa namin, ngunit hindi ko naman naisip na sa ganitong paraan. Ni wala pa nga'ng umaamin sa amin. Hindi pa nga kami sigurado sa aming nararamdaman. Ni hindi ko nga alam kung sinusunod lang ba niya ang utos ni Senyora. Bakit pinangunahan nila kami?

Naibaba ko ang tingin. Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya. Ayaw kong magsinungaling, ngunit ayaw kong dungisan ang pangalan ni Leo. I should talk to him first. I shouldn't decide on my own when he's also involved here.

"Leah, please answer me!" she cried.

Nagpantig ang tainga ko dahil sa pangalang tinawag niya sa akin. I am not Leah, I am not your cousin, and I will never be Leo's cousin. I am a different person. Kung sana'y madali lamang sabihin iyon. Kung sana'y pwede kong sabihin sa lahat na hindi ko siya kadugo. Sa gano'n, walang usap-usapang mabubuo.

"No." She shook her head when I looked at her, feeling sorry. "It wasn't true. Say it, please. I'm begging you." Her tears kept rolling down her cheeks as she kept shaking her head.

Nang hindi ako nagsalita, muli siyang umiling. Humakbang siya palayo sa akin bago tuluyang tumakbo at iwan ako roon.

I couldn't help but cry. I let myself cry a river as I stood there. Does liking someone would hurt like this? Their disappointed stares make me want to kill myself.

Pinunasan ko ang mga luha ko kahit na patuloy ito sa pagbagsak. I am crying right now. Where the hell are you, Leo? You told me to call you, but how could I when you're nowhere near me?

Nang tumahan at kumalma'y umalis na 'ko roon. Wala akong destinasyon sa aking isipan, hinayaan ko lamang ang mga paa kong dalhin ako sa kung saan nito gusto.

Para akong bangkay na walang buhay na naglalakad nang bigla na lamang humangin nang malakas. Tumigil ako at pumikit para damhin iyon. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong hinuhusgahan dahil nagkagusto sila sa kapamilya nila. Hindi ko inakalang ganito pala kasakit iyon. Iyong mga tingin nila punong-puno ng pandidiri at panghuhusga. Masakit, nagmahal lang naman sila pero bakit tila pati pagmamahal ay isa na ring malaking kasalanan?

Is loving someone a crime? I wasn't informed.

"I've been looking for you." 

Dinilat ko ang mga mata at kaagad na nilingon ang pinanggalingan ng boses. Malungkot at puno ng awa ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. HIndi ko tuloy maiwasang iiwas doon ang tingin ko. I can accept the disappointment and disgust, but the pity? I can't.

"You ditched our class."

I just nodded my head, still not looking back at her.

"Leah," she called, then took a step closer to me. It didn't help that she held both of my hands gently. "I didn't believe it. I forced myself not to." I can hear the hope in her voice. Shiela chose to trust me than the rumors.

"Thank you," I whispered my gratitude. 

But, I know that I would hurt her once she knew that she shouldn't have trusted me. I didn't deserve it. I hide a lot from her. 

"You did those, but you don't have feelings for him, right?"

How would I lie to her? Is it better if I lie? 

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang makapagsalita ngunit pinigilan niya 'ko.

"No, don't answer it," pikit matang aniya. Nang dumilat siya'y ngumiti siya sa akin. Hindi ko kayang suklian iyon kaya nanatili lamang akong nakatitig sa mga mata niya. "You are my friend, my only friend," her voice was about to break. "Do you know why I told you that you didn't know him yet? The day I said that he's not the man you think he is?"

Bumilis ang kabog ng aking dibdib sa biglaan niyang pagpasok no'n. I was confused at that time, but I didn't think that what she said makes sense. What is she about to say now? I am confused, but at the same time, I am afraid. Paano kung hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya? Paano kung masasaktan ako sa sasabihin niya? She's my friend, she trusted me. Should I do the same for her? Should I trust her this time?

"I don't know why you can't remember this, but..." she stopped to look at me. She let out a deep sighed when I looked at her full of anticipation. "Leo was the reason why you suffered, why you can't remember a thing," aniya na parang hirap na hirap siyang sabihin iyon.

My lips parted at her sudden confession. Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nablanko ang aking isipan. Tama ba ang narinig ko? Si Leo ang dahilan kung bakit namatay si Leah? Kaya ba gano'n ang reaksyon ni Luisa nang malaman niyang galing kami sa paboritong lugar ni Leah? 

Kung ganoon nga, bakit ganito ang pakikitungo sa akin ni Leo? Matapos ba kay Leah ay ako naman ang isusunod niya? Ako naman ang pahihirapan niya? Ako naman ang sasaktan niya? Kusa na lamang bumagsak nang sunod-sunod ang aking luha. Katatapos ko lang umiyak ngunit ito na naman sila. Wala na ata silang balak tumigil. 

Hindi ko na napigilan ang aking paghikbi. Ito na ang sinasabi ko noon. Kapag nakilala ko ang totoong siya at hindi iyon ang inakala ko, madudurog ako. At tama nga, unti-unti akong nadudurog ngayon.

"Leah," tawag ni Shiela bago ako hatakin para yakapin. Sinubsob ko ang mukha sa kaniyang balikat. Umiyak ako nang umiyak sa yakap niya. Hindi ko na alam kung ano'ng itsura namin ngayon ngunit wala na 'kong pakialam. Nasasaktan ako, sobra-sobra.

"I'm sorry if I didn't tell you before. I thought you already knew. If I would've known that you are falling for him, I could've stopped it. I could've saved you from this mess." Hinagod niya ang aking likuran.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon