VEINTINUEVE

26 4 0
                                    

#CHAPTER29

NAGTAYUAN ang aking mga balahibo nang maramdaman ang marahas na paghampas ng hangin sa aking balat. Kaagad na sumalubong sa akin ang malawak na karagatan nang idilat ko ang aking mga mata. Nakatalikod ako sa araw. Malayo na rin kami sa lupa. Tuldok na nga lamang sa aking paningin ang isla.

Binaba ako ng dalawang lalaki sa pinakadulo ng deck. Mababa lamang ang railings sa aking likuran kaya isang maling galaw lamang ay babagsak ako sa tubig. Nang lingunin ko ang ibaba, nakita ko kung gaano kataas ang babagsakan ko kung mangyari nga ang iniisip ko.

"Should we start our conversation?" 

Mula sa ibaba'y inangat ko ang tingin kay Dylan. Naupo siya sa sofa na naroon sa aking kanan, sa pinakadulo't nakadikit din sa railings. Habang si Sariel naman ay nakadilaw na two piece na nang lumabas. Hindi man lang niya 'ko nilingon at dumiretso sa maliit na pool sa aking kaliwa.

"Where do you want me to start?" He scratched his chin as he acted like he was thinking. "How'd my parents fool the Aguilars and my Mother, or how'd Leah knew about me?" He smirked as he looked back at me. 

Paano niya naaatim na sabihin at gawin ang mga bagay na 'to? Gusto ko siyang intindihin, pero alam kong kahit ano'ng pilit kong pag-iintindi, lalabas at lalabas ang galit ko. He's young. I tried to be reasonable enough to think that it wasn't all his fault—na napipilitan lang siyang gawin 'to dahil sa mga magulang niya. 

Ngunit sa oras na tititigan ko ang kanyang mukha—ang kanyang mga mata, napupuno ako ng galit. Siya ang pumatay kay Leah. Sabihin man nating inutusan lang siya, ngunit kamay niya pa rin ang kumitil sa sarili niyang kapatid. He's not a human. Doing a crime isn't based on age. It was rooted in their capacity—their mindedness—evilness.

"Nevermind, you couldn't answer me because you have your..." He pointed at my lips and his lips. "Let me just share my story with you." He shifted from his seat and sat comfortably.

I just stared blankly at him. Naaawa ako sa kanya. He and Sariel could've done better than this. And if their parents threatened them to do this, they could've asked for help. If they didn't want to do horrible things, they could find a way. But, they didn't bother to find a way because they like what they are doing. They like making innocent people suffer.

"Alice, my real mom, wasn't born from a rich family," he started. "My father, too. They were childhood friends turned into sweethearts." He chuckled abruptly. "Their parents are farmers. Hindi nga dapat makapag-aaral ang dalawa kung hindi dahil sa asawa ng tatay ko. My father was a hardener at Martinez's. At dahil sa kagwapuhan niya, napaibig niya ang pusong bato na si Lucy. Only child at spoiled brat kaya nakuha niya ang gusto niya. She told her parents that she wanted to marry my father, and they agreed, for her happiness. Pinag-aral at binihisan ang tatay ko. Ayaw niya nga sanang tanggapin dahil mahal niya na ang nanay ko no'n." He shook his head, still wearing the devious smirk. "Iyon nga ang nangyari. Ginawa siyang tao ng asawa niya habang naiwang mag-isa ang nanay ko. She felt betrayed, so she did her best to have a scholarship. Dahil sa katalinuhan, nakakuha naman siya. Doon niya nakilala si Franklin. Nahulog ang Aguilar sa nanay ko, wala siyang gusto ro'n pero tinanggap niya para ipakita sa tatay kong mayroon din siyang pamalit sa kanya."

"Para silang mga gag*. Nagpakasal sa magkaibang tao kahit na halata namang mahal pa rin nila ang isa't isa. Hindi pa noon tanggap ni Senyora Alexandra ang nanay ko ngunit pinaglaban siya ni Franklin." He laughed like a crazy man. "Hanggang sa muling magkrus ang mga landas nila at doon ako nabuo. Mabuti na nga lang at nakagawa ng paraan ang nanay ko upang hindi kami mahuli. Leah and I are twins," he said casually that made me shocked. My eyes widened as I stared at him. He just arrogantly smirked as he watched my shocked face. "You didn't hear about that?" He cocked his head and bit his lips, not wanting the smile to escape.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon