#CHAPTER05
I was in the middle of meditating when I heard the door opened. Inis akong dumilat at lumingon kay Nena. Tapos na 'kong maligo kaya dumiretso na siya patungo sa akin para itali ang buhok ko.
Isang linggo na makalipas ang naging tagpo namin ni Leo. Mula no'n ay hindi na muling nagkrus ang aming mga landas. Sinabihan ko rin si Senyora Alexandra na hindi ako tutuloy sa kwarto ni Leah. Kahit na maaliwalas at nandoon ang lahat ng gusto ko, ayaw ko ng away.
Sa buong linggo ring nakalipas ay pilit kong inalala ang aking nakaraan ngunit walang nangyari, walang bumalik. Iyon na lang ang inaasahan ko sa lahat. May permiso naman ako upang manatili rito ngunit pakiramdam ko'y hindi ako nabibilang dito. At totoo naman, hindi talaga ako kabilang sa lugar na 'to.
"Naghihintay po si Senyora sa hapag-kainan," pagbibigay alam niya.
Tango lang ang naging sagot ko at taas noo nang lumakad patungo sa naghihintay na Senyora Alexandra.
Katatapos lamang niyang kumain nang dumating kami. Elegante niyang pinunasan ang labi bago ako balingan.
"Maupo ka," aniya.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa gilid niya. Saglit ko pang pinakiramdaman ang paligid bago siya nagsalita.
"Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na at marami pa tayong pag-uusapan," malamig na sambit niya na nagpatayo sa aking balahibo.
Wala pang isang segundo ay hawak ko na ang sandok at naglalagay na ng pagkain sa plato. Hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin ang takot sa kaniya. May mga oras na hindi sobrang lamig ng boses niya ngunit sa mga oras na ganito, naghahari ang takot sa buong kalamnan ko. Na walang pagdadalawang-isip kong sinusunod ang gusto niya.
Mabilis at tahimik akong kumain. Ni hindi ko nga siya binalingan sa gitna nang pagkain dahil sa kaba na baka nanlilisik na ang mata niya habang nakatingin sa akin. Ayaw ko siyang paghintayin kaya hindi ko na kinakagat ng mabuti ang pagkaing sinusubo ko at diretso lunok na kaagad iyon.
"I didn't know you eat that fast," kumento niya. "Anyway, let's begin. I have a lot of things to tell you."
Muli kaming nagtungo sa dalampasigan at tinanaw ang malawak na karagatan at ang nagtatagong araw sa likod ng mga ulap. Hindi ko inalis doon ang tingin, natatakot na baka mamataan si Leo.
"I've heard what happened, and why you refused to stay at her room," umpisa niya.
Binaba ko ang tingin sa mga daliri at pinaglaro ang mga iyon. Tanggap ko kung hindi niya 'ko kakampihan. Kung ang tunay niyang apo ang ipagtatanggol niya. I see this coming, I just didn't see how will I react once she comfronted me.
"I'm sorry about Leo," she said that made me look at her. Nasa harapan lamang ang tingin niya. "Ngunit gano'n naman ang magpipinsan, hindi ba? Kung minsan ay mayroong hindi pagkakaunawaan? Alam kong magbabati rin kayo. Hindi nagtatanim ng sama ng loob si Leo, he'll open up to you soon."
Umiling ako. "You know it won't happen. He hates me because I am pretending to be his cousin. He won't open up to me because he thinks that I'm trying to replace his dear cousin. Iniisip niyang inaagaw ko kay Leah ang lahat ng kaniya."
"You are not," she said firmly. Tinitigan niya 'ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko. "You can pretend to be my granddaughter, but you will never be her. You can't replace her. You are a different person. This pretending thing is just for the show. It will end soon," she said as she looked into my soul.
"I know that you know that. And, I do know that you're still hoping for your memories to come back. You're just doing this to survive, for me to help you once you regain your memories. You wanted to leave this place quietly." Binalik niya ang titig sa harapan. "I will keep my words, as long as you do what I told you."
BINABASA MO ANG
Lost Island ✓
Fantasi[COMPLETED] The mystery behind her death. Summer Lauren Fernandez-an intruder in the Aguilar family. The head of the Aguilar offers her to pretend to be Leah-her granddaughter. Leah Brooklyn Aguilar is the youngest of the Aguilar's cousins...