CUATRO

36 3 0
                                    

#CHAPTER04

Hindi ako nakatulog ng gabing 'yon dahil sa labis na pag-iisip. Kaya kinabukasan ay tanghali na 'ko nang magising. Inunat ko ang mga kamay ko at humikab nang lumabas ng kwarto. Kaagad akong natauhan nang makitang wala nga pala ako sa bahay.

Nababa ko ang mga kamay at natakip iyon sa bibig nang makita si Leo. Kalalabas niya lang ng kwarto at masama ang tingin sa akin, actually sa lahat naman. Sampung segundo ang lumipas bago siya umiling at iwan akong tulala.

What the hell? 

Patakbo akong bumalik papasok ng kwarto. Humarap ako sa salamin at nakitang ang panget ko! Walang bintana sa kwarto ko at wala pa silang kuryente kaya ang oily ng face ko. Mayroon din akong panis na laway! At iyong mga muta ko, hindi man lang nagtago! Sinabunutan ko ang sarili dahil sa inis. 

Nanatili ako sa loob ng kwarto, pinandidilatan ang sarili sa salamin. Bakit ba kasi ang panget ko sa tuwing umaga't gigising ako? Hindi naman ako ganito kapag nakaligo na! Tumalikod ako nang pumasok si Nena.

"Ihahanda ko na po ang panligo niyo," paalam niya bago nagtungo sa palikuran.

Tsk, bakit ngayon lang kasi siya? Nakagawa pa tuloy ako ng kahihiyan. Paano ko pakikiharapan si Leo ngayon? Siguro'y tinatawanan niya na 'ko sa utak niya kahit na hindi niya pinahahalata. Ugh! Nakakainis naman! 

Hindi ko na hinintay pa ang pagtawag ni Nena sa akin. Sinundan ko siya sa loob ng banyo. Nagulat siya sa biglaan kong pagpasok ngunit hinayaan niya lang.

"Pa'no ba 'yang ginagawa mo?" tanong ko dahil hindi pwedeng lagi ko na lang iaasa sa kaniya ang bagay na 'to. Ako naman ang gagamit kaya dapat na ako ang gumawa.

"Hindi niyo po kailangang matutunan ang bagay na 'to," sagot niya gamit ang maliit na boses.

Wala ako sa mood para makipagpilitan sa kaniya. Masyadong nakakahiya ang nangyari kanina. Buong buhay ko na yatang aalalahanin iyon. 

"Madali lang ata 'yan. At saka, alam mo ang tungkol sa 'kin. Hindi ako isang Aguilar, hindi mo 'ko boss kaya ituro mo na sa 'kin."

Hinarap niya 'ko. Lumunok siya bago tumango. "Sige po, basta kung mahihirapan ka ay titigil po tayo."

Ngumisi ako bago siya lapitan. 

"Una po'y kukuhanin ang tubig doon." Tinuro niya ang pader, kumunot ang noo ko. 

Nang makita ang itsura ko'y malimit siyang ngumiti at lumapit doon. Nanlaki ang mga mata ko nang iangat niya ang pader na ngayon ay isa ng maliit na bintana. Kaagad akong dinala ng mga paa ko palapit doon.

Dinungaw ko ang baba at maraming tubig ang nandoon. May mga manggagawa rin na naroon upang panatilihin ang kaayusan. 

"Hindi ko alam na--" Sinulyapan ko si Nena at ang baba. 

"Wala po kasi sa isipan ko na kailangan niyo pang malaman ang tungkol sa bagay na 'yan kaya hindi ko po sinabi. Hindi niyo rin naman po tinanong kung saan nanggaling ang mga tubig na pinanliligo niyo, kaya akala ko'y wala kayong pakialam," nakangiting aniya.

Nagkibit balikat na lamang ako. Lumayo ako sa bintana bago pa may makakita sa akin. Hindi pa rin ako nakakaligo kaya wala pang pwedeng makakita sa akin maliban kay Nena.

Nagpatuloy kami sa ginagawa. Natagalan kami sa pag-iigib dahil mabigat. Paano kaya nakayanan ni Nena 'to? Kaya pala nagkaka-muscle na siya. Hindi na kailangan mag-gym. Dito pa lang ay solve na.

Binagsak ko ang katawan sa tubig nang matapos kami. Sa wakas natapos din! Makakaligo at malilinisan ko rin ang sarili ko. Sandali pa 'kong nagpahinga roon bago inasikaso ang paglilinis ng katawan. Babae ako kaya umabot ng siyam-siyam bago ako lumabas.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon