DOS

62 5 0
                                    

#CHAPTER02

"Alice," kalmado ngunit mariing tawag ng ginang.

"Siya ba ang babaeng nais mong magpanggap bilang aking anak, Mama?" nangingilatis ang kaniyang mga tingin.

"Napag-usapan na natin ito. Hindi ako pumayag na magtungo ka rito habang kinakausap ko pa siya. Wala kang pahintulot. Alam mo ang kaparusahan," ani ng ginang.

Naputol ang pangingilatis niya sa akin. Binalingan niya ang ginang na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

"Nais ko lamang siyang makita. Kung may pagkakapareho nga ba sila ng aking yumaong anak na si Leah," lumungkot ang kaniyang mukha.

Hindi nagbago ang itsura ng babaeng una kong nakilala. Nanatili itong walang emosyon habang namumuo na ang luha sa mga mata ng tinawag niyang Alice. Kalaunan ay umiling na lamang ito.

"Iwanan mo muna kami. Kailangan pa naming mag-usap." Hindi nagbago ang kaniyang pasya.

Wala nang nagawa si Alice. Muli niya 'kong nilingon bago lisanin ang silid. Binaba ko sa malinis na lapag ang aking tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa nakatatakot na matandang ito. Kung kaya niyang ipagtabuyan na lamang ang ina ng kaniyang apo, paano pa 'ko na hindi niya kilala?

"You can speak in English. It won't be hard for you to pretend."

Nabigla ako sa biglaan niyang pagsasalita ng English. I thought this place where I am isn't modern? I thought they aren't affected by globalization? Where am I really? I know nothing about this place. How can I survive?

"Ang mga nakapag-aral lamang ang marunong gumamit ng wikang Ingles. At mula sa mayayamang angkan lamang ang nakapag-aaral sa islang ito. Wala ang pagkakakilanlan mo rito kaya hindi ko masasabi na isa ka sa mga iyon."

"What is this place?" 

Naguguluhan na 'ko sa lahat. Sino ako? Nasaan ako? Bakit ako narito? Ano ang nangyari? Napakarami kong katanungan. Paano ko masasagot ito? Kumikirot ang aking ulo sa tuwing pipilitin kong makaalala. Ano ba'ng dapat kong gawin? Paano na 'ko?

"Ang lugar na 'to ay tinatawag na Isla Perdido. Isang tagong pulo na malayo sa kabihasnan. Wala pa'ng nakalalabas o nakapapasok dito. Pinapanatili ng lahat ang kaayusan at katahimikan. At sa oras na malaman nilang may hindi kilalang nakapasok dito," ngumisi siya. "Isipin mo kung ano ang pwede nilang gawin sa isang estrangherong tulad mo."

Binalot ako ng takot at kaba. Hindi pa nga nagbabalik ang aking mga alaala, mawawala na kaagad ako? Hindi ko pwedeng sayangin ang pangalawang buhay ko na ito. Nakaligtas ako sa kamatayan. Hindi pwedeng itutulak kong muli ang sarili sa peligro. Kailangan kong mag-ingat. Kailangang walang makaalam ng totoo kong katauhan hangga't hindi ko pa ito natitiyak.

"What will I gain if I accept your offer?" pikit matang tanong ko.

Nawala ang ngisi sa kaniyang labi. "You're no different from everyone else."

Natahimik ako sa pagiging diretsahan niya. I guess I'm not different from others. Sino nga ba ang gagawa ng isang pabor ng walang kapalit, hindi ba? We're in the 21st century, hindi na uso ang libre ngayon.

"You'll get to experience living in Mansión Azul de Aguilar. Walang manghihinala sa 'yo. Tutulungan kita sa lahat kung susunod ka sa kasunduan natin at hindi ka gagawa ng kahit na ano'ng makakasama sa pangalang Aguilar."

Kinagat ko ang pang ibaba kong labi. Hindi naman ako warfreak. Marunong akong makisama. Siguro naman ay kakayanin kong sundin ang lahat ng bilin niya. Sana lang talaga walang attitude at epal na daratin sa pananatili ko rito. 

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon