TRECE

34 5 7
                                    

#CHAPTER13

HINDI ko masyadong inisip ang sinabi ni Shiela. Maaari nga'ng hindi ko pa siya kilala ng lubusan ngayon, ngunit alam kong darating din ang panahon na makikilala ko ang tunay na Leo. At hindi ako mapapagod maghintay dahil alam kong darating din ang araw na iyon. Magiging worth it din ang paghihintay at pagtitiis.

"Ano't napakalaki naman yata ng iyong ngiti ngayon?" Natigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ni Leo.

Kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy napigilan at mas lumaki pa nga ang ngiti. Kinagat ko ang pang ibabang labi at napatingin na lamang sa lupa. Nakahihiyang makita niya 'ko na sobrang saya.

"What are you thinking?" 

Nilaro-laro ko ang labi upang matigil sa pagngiti ngunit tumatakas pa rin ito. Malay ko ba, ano nga ba'ng ginawa ni Leo sa akin? Kairita talaga siya! 

"Wala," mahinang sagot ko.

"Tsk." Nakita ko ang pag-irap niya nang tingalain ko siya. 

"Ang cute mo." Bumalik ang ngiti sa aking labi.

Umiwas siya ng tingin ngunit hindi niya natago ang pamumula ng tainga. Kinikilig ba siya o nahihiya lamang? Kairita naman 'to, oh! Bakit hindi na lang ako diretsuhin? Ang hirap pa namang hulaan ang nasa isip niya.

"Kinikilig ka?" hindi ko na nga napigilan at natanong na.

Mahina akong natawa nang subukan niya 'kong lingunin ngunit nang magsalubong ang tingin namin ay kaagad niyang iniwas. Nakakainis! Ang pula na ng tainga niya! Kinikilig din tuloy ako.

Tumikhim siya. Hindi na rin natago ang multo ng ngiti sa labi niya. Confirm! Napakilig ko si Leonardo Silas Aguilar! Isang achievement 'to!

"I'm not cute," parang batang aniya at sumimangot pa.

"Yes, you are."

"I am not... But if you think so." Nagkibit-balikat siya.

"Ano'ng gusto mong gawin after class?" tanong niya nang magsimula na kaming lumakad.

Saglit akong napaisip habang nasa daan pa rin ang tingin. Ano ba'ng magandang gawin mamaya? Pero kagagaling niya lang, huh? Adventure na naman ang gusto? 

"Wala, magpahinga na lang tayo."

"Okay, magpahinga tayo sa kwarto ko," seryosong saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Ano'ng sa kwarto niya? Napakaraming lugar na pwedeng puntahan, bakit doon pa? Muli akong huminto at yumakap sa sarili nang harapin siya.

"No!" Nagpaikot-ikot kung saan-saan ang mata ko.

"Ano ba'ng iniisip mo'ng gagawin natin?" Kahit na hindi ko siya lingunin, alam kong nandoon na sa kaniyang mukha ang nakababaliw niyang ngisi.

"Wala!" pagsalba ko sa sarili.

"E, bakit yakap-yakap mo ang sarili na parang may gagawin akong masama sa 'yo?" natatawang tanong niya.

Lumunok ako at unti-unting umayos ng tayo. Pinagpagan ko rin ang suot na damit bago tuluyang bumaling sa kaniya. Naroon pa rin ang ngisi niyang bagay na bagay sa kaniya. Nakababaliw talaga ang kagwapuhan niya. Mabuti na lang at hindi pa 'ko baliw sa kaniya.

"Malamig kasi. Ang assuming mo." Inirapan ko siya.

"Iyan ka na naman sa pag-irap mo." Tinuro niya ang mga mata ko kaya hindi ko napigilan at napairap muli.

"I'm exercising them!"

"Fine, whatever you say."

Ilang segundo pa kaming tahimik na nakatayo roon. Nilaro ko lamang ang mga daliri ko habang damang-dama ang mariin niyang pagtitig sa akin. Wala na 'kong matinong maisip. Ang puso ko'y naghuhumataw na rin sa bilis dahil sa kabang nadarama ngayong magkaharap na naman kami.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon