NUEVE

37 3 0
                                    

#CHAPTER09

Maagang natapos ang klase namin sa pagtatahi kaya maaga rin akong narito sa kainan. Nahuli ako nang gising kaninang umaga kaya hindi ako nakapag-almusal. Kakain naman siguro si Leo kahit na wala ako, o kung hindi man, sasamahan ko na lang siya at kakain ulit.

Naupo ako sa pinakagilid ng silid. Ayaw ko na kasing may bigla na lamang lalapit sa akin at magtatanong ng kung ano-ano. Nadala na 'ko kahapon, baka mapaaway na naman si Leo ng dahil sa akin.

Hindi ko tinaas ang tingin mula sa pagkain. Ramdam ko ang maiinit na tingin ng mga babaeng kasama ko sa klase. Iyong mga tingin nila'y hindi mo gugustuhing labanan. 

Sandali pa nga akong mag-isa roon hanggang sa hindi na nila nakayanan at nakiupo na sa pabilog na mesa kung nasaan ako. 

"You're alone," sabi ng maputi at singkit na babae. 

Dalawa silang nakaupo sa magkabilang gilid ko. Pamilyar ang mukha nila dahil kasama ko sila sa klase ngunit hindi ko alam ang ngalan nila. At, hindi ko na gugustuhing alamin pa. 

Tango lamang ang sinagot ko sa kaniya. May pagkain pa sa pinggan ko ngunit nawalan na 'ko ng gana sa paglapit nila.

"Why don't you just join us?" aya ng isa pa. Para silang kambal dahil magkamukha silang dalawa. Ang pinagkaiba lamang ay ang tali ng kanilang mga buhok.

"I'm happy with my own company. Leo will be here soon." Sinulyapan ko sila ngunit hindi iyon nagtagal ng isang minuto.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. "We're your cousins too," aniya na gumulat sa akin. Nakita ata niya ang gulat ko kaya muli silang tumawa. "I guess, Senyora didn't tell you about us?" Tinaas niya ang kilay niya. "I am Lanie, and this is Lexi," pagpapakilala ng nasa kanan ko.

Binalingan ko silang dalawa. Tinatantya kung ano ang palatandaan ng bawat isa sa kanila ngunit nabigo ako. Ang mga buhok lamang talaga ang naiiba.

"I have dimples." Ngumiti si Lanie at tinuro niya ang magkabilang pisngi. 

"I don't have one," ani Lexi at ngumiti.

Ngumuso ako at tumango. Pero ano nga ba ang pakay nila sa 'kin? Wala na 'kong tiwala sa nakasasalamuha ko rito. Hindi ako naniniwalang nilapitan nila 'ko dahil nag-iisa 'ko at gusto nila 'kong sumama sa kanila. There must be a reason. There must be a question.

"You've seen a lot of times together with Leo." Sabi ko na! Hindi sila lalapit ng wala lang, may gusto silang makuha o malaman.

Bumaling sa akin si Lanie kaya nagtitigan kami. Bumuntong-hininga siya bago muling nagsalita.

"We've heard what he has done to you. Isn't it too fast to forgive him? You've been traumatized for two years!" sigaw niya na para bang hindi ko alam iyon. "And now, you're hanging around with him again? I know you two grew up together but think about your safety. What will happen if it happens again? What will you do if this time, you'd really lost your mind?" Nanlilisik sa galit ang mga mata niya kaya kaagad niyang iniwas sa akin iyon.

What did Leo do? What did he do to Leah? She's traumatized for two years? But, she died two years ago. Muli na namang napuno ng tanong ang utak ko. Ang mga tanong na dapat ay wala na 'kong pakialam ngunit ito na naman ako at nagtatanong na naman dahil sa bagong natuklasan. At higit sa lahat, dahil tungkol ito sa kaniya.

"Wh--" Pumikit ako at hininto ang sarili sa planong pagtatanong. Makahahalata sila kung tatanungin ko ang nangyari. Walang dapat makaalam na isa lang akong impostor.

Nang dumilat ako'y nanlaki ang mga mata ko nang mamataan si Luisa na nakatayo sa aming harapan. Mariin ang titig nito sa dalawang tao sa gilid ko. Nang mapunta sa akin ang titig niya, pinagtaasan niya 'ko ng kilay.

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon