TREINTA Y CUATRO

40 4 0
                                    

#CHAPTER34

Nang muli akong magising ay nasa mas maaliwalas na akong silid. Ang parehong mestizong lalaki ang bumungad sa akin. Hawak-hawak niya pa rin ang aking kamay. Tulad nang unang beses akong magising, naroon sa kanyang mga mata ang takot, saya at lungkot na hindi ko alam kung para saan.

Saglit niyang binitawan ang aking kamay, ngunit sa hindi malamang dahilan, hinabol ng aking palad iyon. Hindi tuloy siya natuloy sa balak na pag-alis. Pinanood ko siya nang bumalik at maupo siya sa aking gilid. Nilapit niya ang sarili sa akin at hinalikan ang likod ng aking palad. 

Ibinuka niya ang kanyang mga labi kasabay nang paghaplos niya sa aking buhok, ngunit wala akong narinig. Nilingon ko ang buong silid at napagtantong kaming dalawa lamang ang narito. Sinubukan kong magsalita ngunit masyadong tuyot ang aking labi't lalamunan, kung kaya't inabutan niya 'ko ng tubig na kaagad kong ininom.

Matapos ang tagpong iyon ay muling may dumalo sa aking mga taong nakaputi. Pinanood ko lamang silang tignan ang aking kalagayan. Hindi rin naman sila nagtagal at lumabas kasama ang lalaki.

Hindi pa lumilipas ang ilang minuto'y muling bumukas ang pinto ng silid at niluwal noon ang maluha-luhang babae na tingin ko'y nasa edad limangpu. Kaagad niya 'kong binalot ng yakap. Napakapamilyar ng kanyang amoy kung kaya't kusa na lamang gumalaw ang aking mga braso upang yumakap pabalik sa kanya.

Naramdaman ko ang kanyang pagluha sa aking balikat, ngunit wala pa rin akong marinig. Ramdam ko kung paano gumalaw sa aking balikat ang kanyang bibig, ngunit blanko ang aking pandinig. Nakaramdam ako ng takot ngunit wala akong magawa.

Lumipas ang ilang linggo na naroon lamang ako sa loob ng apat na sulok ng silid. Mayroong hinanda ang mestizong lalaki na panulat at papel sa akin. Ang sabi niya'y pansamantala lang daw ang aking pagkabingi. Nabuhayan ako sa kanyang sinabi kung kaya't nabawasan ang aking takot.

Simula nang gumising ako'y hindi siya umalis sa aking tabi kasama ang ginang na nagpakilalang aking ina. Gusto ko pa sanang makita ang ibang malalapit sa akin ngunit hindi sila pumayag dahil hindi pa raw handa ang aking katawan. 

Sa buong ilang linggong pananatili ay nagpalakas lamang ako. Kumain ng masusustansyang pagkain at pahinga. Minsan nga'y kahit dilat na dilat pa ang aking mata'y pinipilit kong matulog. Kung makikita kasi niya 'kong gising ay hindi rin siya matutulog.

Hanggang sa dumating ang araw na unti-unting bumalik ang aking pandinig. Hindi ko iyon pinaalam sa kanila ngunit nang mamuo ang kuryosidad sa akin, ako na mismo ang nadulas.

"You are Damian?" nakakunot noong tanong ko nang maiwan kaming dalawa sa loob ng silid.

Dahan-dahan siyang bumaling sa akin mula sa kanyang laptop. Nakakunot din ang kanyang noo, ngunit kaagad nanlaki ang kanyang mga mata nang magtama ang aming mga paningin. Walang sabi-sabi'y iniwan niya ang ginagawa at lumapit sa akin. Basta na lamang niyang kinuha ang aking kamay.

"Naririnig mo na 'ko?" Nagningning ang kanyang mga mata.

Nakakunot pa rin ang aking noo nang tumango sa kanya. Ngumiti siya ngunit namumuo ang luha sa mga mata.

"Can I hug you?" he asked while fighting his tears from falling.

I felt sad because somehow, I knew that I was the reason why he's on the verge of crying. Absentmindedly, I nodded, permitting him to hug. He didn't waste any time. He immediately pulled me in his chest as soon as I gave in.

"I missed you. I really do," Damian repeatedly whispered when I was in his embrace.

I let him cry on my shoulder as I caressed his back. I didn't know why, but I felt my heart sank, hearing his soft sobs. It made me ask questions in my head. What's my relationship with him? Why am I hurting because he's crying? Is he really that important to me?

Lost Island ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon