#EPILOGUE
"They got married and had three loving children. The two protagonists of the story had a happily ever after, but the memories of the Lost Island remained in Summer," basa ng ginang sa huling mga pangungusap.
Nabalot ng matinding katahimikan ang loob ng silid-aklatan nang matapos ang istorya. Nakatango lamang ang mga bata sa kanilang lola, habang ito naman ay muling natulala sa huling pahina. El fin. Paulit-ulit niyang binasa sa kanyang isipan ang huling dalawang salita na nangangahulugang wakas.
Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi ng ginang nang mapagtantong muli niyang nabasa ang paboritong nobela ng hindi lumuluha, ngunit kahit na ganoon ay naramdaman niya pa rin ang sakit—ang sakit na hanggang ngayon ay nakamarka pa rin sa kanyang puso.
"How about Leo?"
Lumawak ang ngiti ng matanda nang marinig niya ang hindi inaasahang tanong ng kanyang apong si Mackenzie. Kunot ang noo nito't nakanguso nang titigan ang lola, naghihintay ng sagot.
"When Summer woke up, she did remember Leo, but they didn't meet again."
"How could they meet again when in the first place Leo's just her imagination?" dagdag ni Vella.
Ang nguso ni Mackenzie ay napalitan ng busangot. Hindi iyon ang nais niyang marinig na sagot. Alam niyang wala na talagang pag-asa ang dalawa, ngunit sana'y kahit nakapagpaalam man lang.
"You're right," pagsang-ayon ng ginang sa apong si Vella.
Napabungisngis naman ang bata sa pagkagusto ng lola sa kanyang sinabi.
Hindi rin nagtagal ay nakaramdam na ng gutom ang tatlo, kung kaya't nagpaalam na ito sa kanilang lola na kakain. Inaya nila si Mackenzie ngunit hindi ito sumama, bagkus ay nanatili siyang nakaupo sa harapan ng ngiting-ngiting lola.
"Authors should know how to give justice to their stories," saad ni Mackenzie nang mawala na ang kanyang mga pinsan.
Hindi makapaniwala ang ginang sa sinambit ng apo, kung kaya't napaangat siya ng tingin dito. Ang mata'y punong-puno ng pagtataka at adorasyon para sa bata.
"She gave justice to it," pagtatanggol niya.
"No! She didn't, Lola," pagmamaktol ng bata.
Mahinang natawa ang ginang at tuluyan nang sinarado ang aklat. Ibabalik niya na sana iyon sa lalagyan ngunit pinigilan siya ng tao sa kanyang harapan. Wala siyang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakaupo, tanaw-tanaw ang busangot na apo.
"What do you want then?" pagsuko niya.
"I want the author to rewrite the story," diretsahang sambit nito na nakapagpatawa sa ginang.
"You're just a reader, a listener, rather."
"But, Lola, you know it yourself that the author didn't give the best for the story." Ayaw niyang sumuko.
Malalim na bumuntong-hininga ang matanda at pilit kinalma ang sarili. Ang bata niya pa para rito, ngunit kailangan na siyang pangaralan ngayon pa lamang, aniya sa kanyang sarili. Dumilat siya at tinitigan ng maigi ang apo. Nangingilid na ang luha nito sa gilid ng kanyang mga mata kaya lumambot ang kanyang puso. Ngunit hindi iyon naging dahilan upang hindi ipaintindi sa apo ang mga bagay-bagay.
"Authors want the best for their stories," paunang aniya. "May the readers want it or not, the authors know that they did their best to finish a story." Muli siyang bumuntong-hininga nang makitang tuluyan nang lumuha ang bata. "Hindi natin hawak ang mga mangyayari sa istoryang ating binabasa. Ang lahat ay nasa kamay ng manunulat. Nasa kanila kung ano ang mangyayari, ngunit hindi ibig sabihin no'n ay purong opinyon lamang nila ang laman no'n." Tumayo siya at naupo sa tabi ng apo.
"Sa ibang pagkakataon ay lumilihis ang mga karakter sa mga dapat mangyari. Walang magawa ang manunulat kung hindi ang hayaan ang mga karakter na bumuo ng kanilang istorya." Isinabit niya ang buhok ni Mackenzie sa likod ng tainga nito. "Ang mga manunulat ang bumuo sa mga tauhan, sila rin ang bumuo ng mundong ginagalawan nito, ngunit taga-sulat lamang sila ng kwento ng bida. Ang isang nobela ay parang buhay rin natin. Wala itong kasiguraduhan. Iyong akala natin ay iyon na, ngunit hindi pa pala."
"Huwag mong sisihin ang manunulat kung hindi mo nagustuhan ang isinulat niya. Huwag mo siyang pagsalitaan ng masama, tao lamang din siya. Nagsulat upang maibahagi sa iba ang gumugulo sa kanyang isipan gabi-gabi. Tandaan mo na tao lamang din ang mga manunulat. Tulad natin, mayroon din silang nagagawang hindi gusto ng iba, ngunit tulad natin, hindi dapat maging hadlang iyon. Hindi ka dapat kamuhian dahil lamang sa mga nagawa mong hindi nila nagustuhan."
"P-Pero sana naman po ay hinayaan niyang makapagpaalam sa isa't isa sina Leo at Summer," lumuluhang sagot ni Mackenzie.
"Summer's happy with Damian. I think that's the ending both of them deserve. Leo's just a pace in Summer's life. The author created him for Summer to know that Damian's the only one for her. Ano nga bang laban ng isang kathang isip sa totoong tao, hindi ba?"
"Paano naman po iyong mga alaalang binuo nila?" Hindi na matigil sa pagbagsak ang luha ng bata, kung kaya't hinagod na ng ginang ang likod nito.
"That's the title of the story. Las Memorias, The Memories in English. Ang Mga Alaala sa Filipino. The story is all about the memories she shared with Leo, in the Isla Perdida, along with the amazing people she met there."
"Siya iyong tinutukoy sa title pero hindi naman siya ang kasama sa dulo. Bakit po gano'n?"
Napailing na lamang ang ginang nang maalala ang kanyang sarili sa apo. Ganiyan na ganiyan din siya noong unang beses na binasa ng kanyang ina sa kanya ang kwentong ito. Ang pinagkaiba nga lamang ay nadama niya noon ang tunay na lungkot at saya habang kinukwento ito nang namatay niyang nanay.
"The title may be for him, but she wasn't. Accept the ending, Mackenzie. Kahit ano'ng iyak mo pa riyan, hindi na 'to magbabago. Tanggapin na lamang nang sa gano'n ay matapos na. At least, effective ang pagkakasulat sa nobela dahil napaiyak ka nito."
Ilang minuto pang pinatahan ng ginang ang apo hanggang sa kumalma na ito. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng silid nang makaramdam ng gutom ang bata. Saglit pa siyang nakatulala lamang doon hanggang sa tumayo na siya at binalik sa lalagyan ang aklat.
Sa huling pagkakataon ay nilingon niya ang buong silid-aklatan at kusa na lamang bumalik sa kanyang alaala ang lahat ng pinagsamahan niya rito kasama ang ina.
Summer Lauren Fernandez-Valverde was known for being the best journalist in the country. She wrote lots of award-winning articles and stories. When she woke up after three years in comatose, she started from the start. She was the most humble person I know. My father, Vincent Damian Valverde, is the luckiest man who won her heart.
My two older brothers and I are living proof of their love for each other. My mother chose my father because she loves him more than how she felt for Leo. Ngunit hindi ko ipagkakailang minahal nga rin ng aking ina ang lalaki sa kanyang panaginip. Nabasa ko sa kanyang unedited manuscript ang dapat ay nasa huling pahina ng aklat.
"The magical island, and the magical love that felt so real."
EL FIN
BINABASA MO ANG
Lost Island ✓
Fantasy[COMPLETED] The mystery behind her death. Summer Lauren Fernandez-an intruder in the Aguilar family. The head of the Aguilar offers her to pretend to be Leah-her granddaughter. Leah Brooklyn Aguilar is the youngest of the Aguilar's cousins...