Bakit umagang umaga, asar na asar ako? Bukod sa ampanget ng panaginip ko, naiinis ako sa pimples kong tumubo dito sa aking ilong! Huhuhu! Sa ilong ko pa talaga, hindi na lang sa may noo para hindi masyado pampam! Ngayon lang ulit ako nagka-pimples after a long time dahil hindi naman talaga ako mapimples na babae. Alaga ko kasi.
At dahil tinubuan nga ako ngayon parang ayoko pumasok sa office! Tinignan ko yung oras at medyo maaga pa naman kaya naupo muna ako sa kama ko at nag-Instagram.
Habang nag-bbrowse ako sa phone ko biglang may tumawag. Lalo lang tuloy akong nabadtrip kasi ang ganda ng OOTD na tinitignan ko tas biglang ganito!
"Hello?!"
"Woah, ate. Nireregla ka noh?" Napatingin ako sa caller ng phone. Doon ka lang nalaman na si Evan pala 'yon. Tumawa pa ng onti si Evan. Nakunot naman lalo noo ko. "Kaya ko nalaman kasi ang sungit mo." Hindi ako sumagot at nag-taas lang ng kilay. Wareber, Evan. Ipakain ko sa iyo itong pimples ko eh!
"Ate naman, Valentine's day na valentine's day, tsaka pa umatake yang PMS mo." Napatingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa likod ng pinto ko. Valentine's ngayon?! :o
"Ha?! Hindi ako aware! Shete, tas may pimples pa ako ngayon?!"
"Oo kaya ate, I love you ate sabay tayong mag-lunch mamaya ah? Idedate ko kayo tas mamayang meryenda si mommy tas mamayang gabi si mama Alice. Okay?"
"Sige, bahala ka. Sino ngayong kadate mo ngayong umaga?"
"Yung labs ko na hindi naman ako labs." Tumawa ulit s'ya at nanlaki mata ko.
"Hoy Evan Lucian Victore bakit hindi ka nagkkwento?! Sino yan ah?!"
"Sabi ko na nga ba ate ganyan magiging reaction mo eh. Secret na muna! Bye, Happy Valentine's day ulit ate Jade!"
"Hoy bwist kang--- anong secret?!" Tinignan ko ang phone ko at naka home na sya. Aba, binabaan ako?! Tumayo na ako sa kama at tumingin sa salamin.
Jade Tayag, kumalma ka. Araw ng mga puso ngayon, wag kang highblood. Inalis ko ang pagka-kunot ng noo ko at ngumiti. Kaso ang pangit kasi pilit. Wag na nga!
Lumabas na ako sa kwarto ko dahil papasok na ako sa trabaho at nakakawalang gana din kumain dahil medyo bad mood nga.
"Hi, Jade! Happy valentine's day to our prettiest daughter!" Salubong sa akin ni mommy at daddy pagkababa. May hawak pa silang red ribbon mamon na may nakalagay na I love you, Mwah mwah.
Niyakap ko sila, "Thank you ma, thank you dad! Mahal ko kayo!"
"Always welcome, prinsesa." Kinindatan pa ako ni daddy. Iniabot sa akin ni mommy iyong red ribbon mamon tapos hinalikan ko sya sa pisngi.
"Thank you ulit po, I love you po. Magdidate tayo later ah?" Nagkatinginan si mommy at daddy sa sinabi ko.
"Titignan natin, anak. Ingat ka, we love you!" Muli ko silang niyakap at nagpaalam na para pumasok. Finally, a reason to smile for this morning!
Pagkabukas ko ng gate, parang biglang napa-poker face ako. Parang biglang pumanget nanaman ang araw na 'to. Nyemas naman.
"Happy Valentine's day, Jade. Ikaw pa din ang gusto ko." Nginitian ako ni Jack tsaka inaabot sa akin 'yong bouquet of roses at red wine. Nag-taas na ako ng kilay at nameywang.
Wala bang something new? Every valentine's ata ayan ang bigay nya sa akin! Isa pa, umay na ako sa Novellino'ng red wine na 'yan! Yan na lang din parati!
"Ah-ahmm, para sa'yo? Hatid na kita sa office mo?"
"May kotse ako. Tsaka puni na ng bulaklak sa loob ng bahay namin, hindi na kasya 'yan. Balik mo na lang sa pinanggalingan." Hindi totoo 'yun. Hay nak naman Arc, asaan ka ba kase?! Isa pa 'yun, huhu!
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...