2nd Step
"Oy Evan! Bangon na dyan! May pasok ka pa, dali na!!" Sabay tapik ko sa ulo nya. Ayjusko! Ang hirap talaga gisingin nitong si Evan kahit kailan! Tulog Mantika!
Umungol lang ito pero naka-pikit pa din. Eto talaga napaka-batugan eh noh?!
"Ano ba! Evan naman eh!Bubugbugin na kita!!" Tsaka ko sinabunutan ang ulo nya kaya napa-dilat sya.
"Ate naman! Eto na nga oh! Eto na!" Sabi nya.
"Good! Dali, maligo ka na! Sabay na tayo pumasok pareha lang naman tayo ng dadaanan.." lumabas na ako sa mainit na kwarto nung kapatid ko.
Oh yes! Kapatid ko.Ang tagal na naming magkasama eh.. 17 years old na nga sya ngayon at nandito pa rin sya sa puder namin. Kaya ayan, Tayag ang gamit nyang apelyido. Di ba sya hinahanap ng pamilya nya? Ay syempre hinahanap! Pamilya nya 'yun eh!
Mahirap nga 'yung kasama eh, ang gwapo kasi ng kapatid ko kaya ang daming kapit ng kapit sa kanya. Sino bang hindi mahuhumaling sa kapatid ko? Maputi! Di tulad namin nila Mommy at daddy na moreno at morena lang. Pointed nose, mahahabang pilik-mata, Almond eyes. Para ngang may halo syang spanish eh. Ang gwapo kasi!
Alam naman nya na, di sya totoong Tayag. Haaay. Minsan nga naaawa ako sa Kapatid ko na 'yan eh. He Always have nightmares. Ayun ay yung araw kung kailan namin sya nakitang nawawala sa Park. Well, para sa kanya Nightmare iyon dahil nawalay sya sa magulang nya, pero para sa amin napakaswerte namin noong araw na 'yun. Nagkaroon kami ng bagong myembro ng Pamilya. Ngayon College na rin sya, 1st year college at ako naman Last year ko na 'to.
Di naman sa ayoko na kay Evan para sa pamilya namin pero pagkatapos kong mag-college hahanapin ko na ang pamilya nya. For sure, hinahanap namimiss na sya ng isa nya pang pamilya.
'Sure ka? Hmm..'
Rinig kong bulong sakin ng White Angel ko. Tumango naman ako, and I made a face saying 'Bakit naman magiging hindi?'
'Face the Truth Jade! Sometimes you're jealous! Di ba? Psh.' Ayan naman si Red Angel. Nako! Mag aaway nanaman 'tong dalawa.
I headed to my room para mag ayos na. May client pa akong imimeet mamaya eh. Hmm.
'Im not jealous okay? Baka na misunderstood mo lang ako. Tsk!'
'Aish! Red will you leave us alone?! Ang epal mo talaga!'
'I will not leave until Jade tells the truth. Na nag seselos talaga sya! Tama 'yan, paalisin mo na dito!' Humalukipkip si Red at bumusangot.
Samantalang si White, tinitirintas ang kanyang Golden hair.
'Red, you're not helping. Hindi naman nga kasi ako nag seselos...' Itinaas naman nya ang isa nyang kilay, na para bang sinasabi nya oh-talaga-lang-ha look.
I Sighed heavily while wearing my doll shoes.
'Well, syempre minsan. Pero kaya ko naman tiisin at naiintindihan ko! Kaya kayong dalawa, shupo shupi na! Aalis na ako.' Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil nag last look ako sa salamin.
I'm wearing a magenta lacey dress and a black coat. Di rin ako nag suot ng heels but instead, I wore a black snake skin doll shoes.
'Narinig mo Red? Tara na umalis na tayo, mamaya na lang ulit.'
'Oo na. Kita mo na, aamin din pala sya pinatagal pa! Sige layas! Mamaya ulit.'
'Bye Jade! Ingat ka and Godbless you!' At sa isang Iglap, nawala na lang sila bigla.
Buti naman! Tahimik na ulit sa paligid. I glanced at my Tomato wrist watch para i check kung late na ba ako.
7:33am. Kaya pa naman, di naman masyado mattaffic ngayon eh. Kinuha ko na sa coffee table ang Susi ng Honda City kong kotse.
"Ate tara na! Baka malate pa ako!" Sabi ni Evan habang binubutones ang kanyang uniform at naglalakad patungo sa Sofa kung saan nakalagay ang Sling bag nya na may naka lagay na Death Note.
"Are you kidding me, Evan? 8am ang klase nyo di ba? Psh. Ang lapit lapit lang ng University mo eh."
"Eh kasi... ah basta! Tara na ate!" Naiiling na lumabas ako ng bahay at nagtungo sa Kotse ko. Pinatunog ko ang alarm nito para iunlock at pumasok na.
Sumakay na rin si Evan sa kotse. "Ate, nagpaalam ka na ba kila Mommy At Daddy?"
"Hindi na nga eh. Nagmamadali na kasi ako, may meeting pa ako mamayang 10:30 sa Makati. Importanteng client."
Tumango naman si Evan at nagtungo na kami sa University niya.
When we got there, agad nyang binuksan ang pinto. "Ate, babye ingat ka!"
Lumabas sya sa kotse tsaka kumaway sakin. "Okay,ikaw din!" Sagot ko naman.
Hinintay ko syang makapasok sa gate bago umalis. And as usual, every girls in this university is eyeing on him.
Napailing na lang ako sa kapatid ko. Gwapo sya pero hindi sya playboy, suplado sya actually. Immature pa 'yan! Barkada at Computer ang mas pinagkakaabalahan nyan kaysa babae. At kung studies ang pag uusapan, hindi naman sya super at talino or bobo. Average lang din.
Naiiling na lang ako na nagdrive ulit para makapunta na sa Makati.
Jamie Calling.....
"Yes Hello?"
"Jade! Sad to say pero may isa ka pang dapat i meet na Client!"
"Ha? Sino nanaman?"
"Mmm. Bago eh. Si Arc Victore. Send ko na lang sayo Address. Malapit lang naman din dyan sa Makati eh."
"Ah okay sige."
"Thank you thank you! Bye! Ingat ka."
Call Ended
Andami ko yatang imimeet ngayon. Minsan nakakapagod din at nakakatamad eh.
'Kaya mo 'yan Jade! Ikaw pa, the best ka yata!' Biglang sulpot ni White. Tsk tsk tsk. Mamaya lilitaw nanaman 'yung si Red!
'Aww thank you White! Fighting tayo!'
'Kung ako sa'yo Jade. Hindi na lang ako mag ttrabaho. Nakakapag trabaho pa naman si Daddy eh!' At eto na nga, sumlpot na itong War freak at B.I kong Angel.
Well kung Curious kayo, sila ang Bad and Good Angels ko. At ako lang ang nakakakita sa kanila. Siguro mga 8 inches lang ang laki nila.
Kung iniisip nyo na baka May Sira na ako sa ulo, hindi 'yan totoo. Ewan ko ba, basta isang araw nagilat na lang ako dahil may nagsasalita sa tabi ko at nag tatalo.
Back to the story, napailing na lang ako ulit.
'Gusto ko magtrabaho. Kaysa naman sa bahay ako at walang ginagawa noh. Tsaka para makatulong din ako kay Dad!'
'Manang mana ka talaga sa akin Jade! Hihihi.'
'Tss. Bad thing 'yun White, alam mo ba 'yun? Bahala ka dyan Jade, mapapagod ka lang.'
'Hindi rin.'
'Blah blah blah! What ever you say!' Pang aasar ni Red sa akin. Gusto nya kasi sya ang gusto kong sundin eh.
Pero minsan naman sya sinusunod ko kapag alam kong yun ang tama. Pero sa ngayon, hindi ang pag alis sa trabaho ang dapat kong gawin.
-----
AN: Punta kayo sa Wall ko then pabasa nung New Story ko na, "She's the Antagonist' ! HAHAHA Sana suportahan nyo ah?! :< Thanks Readers!
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...