HNHA 5: Little doll

140 3 4
                                    

HNHA 5:

Linggo ngayon at walang pasok. Walang pasok pero madaming gagawin na Quotations, paper works and chuchus. Nakakainis, ang sarap pa naman matulog ngayon kasi malakas ang ulan at malamig. Pero kapag hindi naman ako nag trabaho matatambakan lang ako.

Napabalikwas ako sa pinto noong may kumatok. Alam kong si Evan 'yun dahil may pattern ang pagkatok nya. Si Mommy at daddy ay natutulog ulit, engget eke sekenele.

Binuksan ko ang pinto at hindi naman ako nabigo dahil si Evan nga iyon. May kasama syang tatlong babae at tatlong lalaki. Basa sila sa ulan pare pareho.

"Hi Ate." Sabi sa akong abnormal kong kapatid habang naka half smile.

"Hello po!" Bati pa sa akon ng mga kasama nya. Binukas ko ng malaki ang pintuan para makapasok na sila.

"Hala, wala ba kayong payong? Sige pasok na." Sabi ko sa kanila. Nagsipasok naman ang mga kaklase nya pati si Evan.

"Ate, sorry." Sabi sa akin ni Evan. Ang gwapo ng kapatid ko lalo na kapag wet look! Nacks.

"Okay lang. Mag palit muna kayo ng damit. Kawawa naman mga kaibigan mo oh, basang basa." Tumango si Evan at umakyat sa taas.

"Ate Jade, ako po si Luke! Pasensya na po sa abala!"

"Oo nga po Ate, ako pala si Aiyan! Nakakahiya naman po at nabasa pa namin yung sahig nyo!" Sabi sa akin noong parang makulit pero magandang babae.

"Okay lang! Basta lalampasuhan nyo ah?" Pabiro kong sabi pero totoo. Nag tanguan sila at nag kulitan na. Feeling ko tuloy hindi ako makakagawa ng papaer works ngayon dahil ang iingay nila. Tawanan, hampasan, bwisitan , asaran, ganoon sila. Di tuloy ako makapag concentrate!

Arelle Victore, nag balik na nga ba sa bansa? Kahapon ay namataan ng iilang media ang tahimik at pasikretong pag babalik ng Supermodel sa bansa.....

Napatingin ako sa kasalukuyang binabalita. Arelle Victore? Kapatid ba 'yan ni Arc Victore? Nag flash ng iilang Picture sa screen noong Arelle at lahat maganda. Ang ngiti nya pang Tyra Banks!

"Omg! Idol ko kaya 'yan si Arelle Victore! Gwapo kuya nyan eh.." Rinig kong sabi ng isa sa mga babaeng kasama ni Evan. Tracy ang pangalan.

"Oh? Ano pangalan ng Kuya? Paano mo nakilala?" Tila Excited na tanong pa noong si Martin. Babae rin. Cute nga ng pangalan eh!

"Nabasa ko lang Google. Ano nga pangalan noon, Arc Victore! Ayun nga! Ay syet na malagkit ang gwapo bhe!" Tili Pa ni Tracy. Napangiti ako sa sinabi nya dahil alam ko pakiramdam ng makita ang isang Arc Victore.Samantalang yung mga lalaki ay nag kkwentuhan din ng tahimik.

And who would've thought? I just met the Supermodel's brother!

"Ay oo,nakita ko na nga 'yon! Ang gwapo! Syet, total turn on! Ang serious nya tignan tas yung Appeal! Jusmiyo grabe! Actually guys...." Si Aiyan naman 'ayn. Sumenyas sya sa mga babae nyang kaibigan na lumapit para hindi marinig.

Teka, halata ba ako?! Parang indi naman eh. Timigil ako sa pagttype at mas finocus ko pa ang panrinig ko sa kanila.

"Kaya medyo nakikipag close ako kay Evan, na naging kabarkada ko na, kasi Ang gwapo din nya! Hawig nya 'yung Arc Victore! Tignan nyo mata ni Evan!" I heard the two girls gasped.

"Evan!" Tawag ni Aiyan sa kapatid ko.

"O bakit?" Tanong naman ni Evan habang kunot na kunot ang noo. Umiling si Aiyan tas nag Peace sign. Napa palatak si Evan at umiling bago bumaling ulit sa mga barkada.

"Kita nyo mata nya? O teka, isearch natin Picture ni Arc Victore naman. Postpaid ako!"

"Oo na. I search mo na lang, dali!" Natahimik sila sandali at nakita kong lahat sila ay nakatutok sa Cellphone ni Aiyan.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon