HNHA 16: Thank you

54 2 1
                                    

Pagkarating sa bahay ay may nakapark doong Maserati kaya alam kong nandyan na si Arc. Tinignan ko kung may missed calls ba sya sa phone ko at meron nga pero tatlo lang naman at isang text. Bumaba na kami ni Cres sa kotse ko at kinuha ko na ang iilang pinamili. Pero ayaw nyang ipahawak sa akin iyong jacket na binili ko sa kanya. Awwwww, naappreciate nya talaga yung binigay ko sa kanyang jacket!

Pagpasok namin sa gate ni Cres ay nandoon lang pala sa garden silang lahat at nagkekwentuhan. "Ate!" Sigaw ni Evan kaya napatingin silang lahat sa akin. At tulad ng inaasahan nandito nga ang prinsipe, este si Arc! Hehe.

"Daddy!"Tumakbo si Cres papunta kay Arc at agad naman syang kinarga nito.Nagkatinginan kami ni Arc at nginitian ko na lang sya. Nakangiting kinausap naman nya ang madaldal a si Cres. Lumapit ako sa table kung nasaan sila.

"Kanina pa si Arc dito, ba't hindi ka nagrerepply sa text?" Tanong ni mommy. Magkatabi sila ng upuan ni daddy at si naupo ako sa bakanteng upuan na nasa pagitan ni Evan at Arc.

"Naka-silent phone ko eh. Tsaka happy kami masyado ni bunchocho ko eh. Di ba bunso ko?" Binalingan ko si Cres habang nakangiti.

"Opo! Binilan pa ako ni mommy ko ng jacket tapos kambal kami! Tignan nyo po daddy! May mommy na po akong nagbili sa akin ng jacket!" Kwento ni Cres sa daddy nya. Nakangiti lang ako habang pinapanood silang dalawa mag-usap. Naka-kandong kasi si Cres kay Arc.

"Yung mga kailangan mo ba Jade,nabili mo na?" Tanong ni mommy.

"Baka mamaya, nag-mall ka tas nakalimutan mo namang bilhin yung mga kailangan mo." Hirit ni daddy.

"May pagkaulyanin pa naman si ate!" Segunda pa ni Evan na nang-aasar. Hinampas ko sya sa braso pero tumawa lang sya.

"Ang tanga ko naman pagkaganun! Syempre nabili ko noh! Kita nyo nga pati si Cres nabilhan ko!" Tinawanan lang ako ni mommy at daddy. Asar talaga!

"Nakaayos na ba mga gamit mo? Para makaalis na kayo dito at kanina pa naghihintay itong si Arc." Sabi ni daddy.

"Opo naman! Nung nakaraan pa nga eh!"

"Eh hakutin nyo nya yung mga gamit mo." Tumango ako sa sinabi ni daddy. Tumingin ako kay Arc.

"Tara Arc,kunin na natin?" Tumango sya at pinapunta muna si Cres kay mommy.

"Sama ako ate!" Tumayo din si Evan at pumasok din sa loob. Jeskelerd, ang gwapo talaga ni Arc. Naka-blue checkered na long sleeves sya ngayon at naka itim na pants. Tas yung kahit parang ang gulo na ng hair nya, yum yum yum pa din!

"Ang tahimik mo ata?" Puna ko kay Arc at sinabayan sya sa paghakbang papunta sa kwarto ko. He looked at me and smiled. Syete, killer smile!

"Pagod lang sa trabaho." Nag-alala tuloy ako. Pagod na pala sya e bakit nya pa kami sinundo dito? Maykotse naman akong pwede gamitin papunta sa kanila. Edi sana ngayon nagpapahinga na sya. I sighed.

"Nakaabala pa tuloy ako sa'yo. May kotse naman ako sana hindi mo na lang kami sinundo ni Cres kasi halata namang pagod ka." Nakanguso kong sabi. Tumawa lang sya ng bahgya sa sinbi ko at pumasok na kami sa kwarto ko. Isang luggage lang naman ang dala ko at isang knapsack ang dala ko. Isinabit ko na sa likod ko yung knapsack at sya ang nagbitbit sa medyo malaking luggage ko. Si Evan naman, sya ang pinagbitbit ko nga mga binili ko sa Uniqlo.

Pagkababa ay nagpaalam na kami nila Cres at Arc. Pinangakuan ko naman sila na magpapasalubong ako sa kanila ng chocolates sa abot ng makakaya ng wallet ko! At bukod pa don ay excited na excited na ako para sa flight namin bukas ng madaling araw. Naka-upo ako sa shotgun seat habang nakatingin sa labas ng umaandar na kotse ni Arc. Nakatulog na sa lap ko si Cres at hinalikan ko sya sa ulo. This little girl lights up my whole world. Sa mga simpleng ngiti lang nya parang nafufuel up na agad ako, minsan pati pagnaririnig ko lang ang boses nya, hindi ko na mapigilan ngumiti.

Partida pa 'yon dahil hindi ko naman talaga s'ya anak! Eh ano pa kaya kung nanggaling na talaga sa tyan ko at ako na ang nag-ire? Siguro ang sarap nun sa feeling.

Sinulyapan ko si Arc habang nagdadrive. Nakatukod ang isa nyang kamay sa bintana habang ang isa ay ginagamit nya pang-drive. God, he look so stressed and hot! Teka! Haggard na nga sya bakit ang hot pa din?! IBANG KLASE! "Wag kang mag-alala, Arc. Lapit na tayo sa bahay nyo, makakapagpahinga ka na." Sinabi ko para naman kahit papaano ay mawala pagkastress nya. He smiled.

"Cres changed. A lot. Pero mabuting pagbabago ang nangyare sa kanya. At dahil 'yon sayo." He smiled again at this time sinulyapan na nya ako bago bumalik ang tingin sa daanan. Parang tumalon-talon sa saya ang puso ko dahil sa sinbi nya.

"Iba ba ang ugali ni Cres before?" Hinaplos ko ang buhok ni bunso ko.

"Hindi sya masyado madaldal before. Although talagang makulit sya dahil bata pa nga s'ya pero kasi, may kislap na ngayon sa mga mata nya. Tuwing nagkukwento sya tungkol sa mga ginawa nyo o napag-usapan nyo, palagi syang nakangiti. At lahat ng yon ay dahil sa'yo. Thank you." Ngumiti ako sa sinabi nya at nagtatalon nanaman sa saya ung puso ko. Masyadong nakaka-Overwhelm yung nga sinasabi nya.

'Isa kang good samaritan!' Rinig kong bulong ni White sa akin. Wala sa sariling napatawa at napatango ako.

"Grabe Arc. Hindi naman siguro dahil sa akin lang. Isa lang ako sa mga dahilan kung bakit naging ganun si Cres pero for sure, hindi lang ako yun. Ikaw din naman! Kaya sya ganito kasi may daddy sya na minamahal sya at inaalagaan sya, di ba?" Tumawa sya ng bahagya sa sinabi ko at tumango. Tinignan ko lang ang mga mata nya na natatamaan ng city lights.

"Edi tayong dalawa ang dahilan. Because we gave her a family." Marahan akong tumango at bumuntong hininga. Kasi kahit masakit isipin, balang araw o sa darating na araw kailangan ko na din lumayas sa buhay nila lalo na sa buhay ni Cres. dahil wala naman akong tamang kalalagyan sa buhay ng mag-ama at balang araw magkikita na rin si Cres at ang tunay nyang ina. I sighed again. Pero sa nayon, ieenjoy ko na lang muna to.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon