"Jade! Tara lunch muna tayo. Like I'm so gutoms na! And my uod sa tyan is making rawr rawr." Tumayo na ako sa upuan ko bago kinuha ang aking wallet.
"Tarey na bakla. Nahiya naman ako dyaan sa uod mo sa tyan." Nakangiti kong sabi. Inaya pa ni Jamie ang iba naming officemates pero si Nicola lang naman ang sumama.
"Lam nyo kasi, nag-iipon ako ngayon. Kaya kahit nagccrave ako sa Chapche ng Bon Chon, dyaan na lang tayo sa may Jollibee. At least nay pies to go, devuuh?"
"Wag ka mag-alala, Jamie dear. Doon naman talaga tayo kakain sa Jollibee kasi waley din kami kwarta." Sabi ko. Kahit na ang init init ay naglalakad lang kami papunta sa may Jollibee na kailangan mo pang tawirin at maglakad pa ng kaonti. Hindi uso payong. Tustado nanaman ako nito.
"Ikaw Jade, madaya ka eh. Big time ang date life mo, Arc Victore na yun ha! Dapat minsan naman ilibre mo kami! Like duuh, we're friends naman di ba?"
"Hoy, Jamie. Hindi kami nagdidate ni Arc noh! Talagang kliyente ko lang sya at close kami ng anak nya." Tinaasan nya lang ako ng kilay at natatawa. "What?"
"Kliyente mo lang talaga pero kung maka 'Arc' ka dyan parang hindi mo sya kliyente. Tsaka, ano ba yan girl! Hindi mo naman kailangan itago iyon dahil kita ko naman lagi sa mga post mo sa Insta no! Yung nagpunta kayo sa London! Yung Niregaluhan kanya ng Lifesize teddy bear pati yung nakasuot kayo ng couple leather jacket!"
Parang nawalan ng kulay mga labi ko sa sinabi nya,sumulyap ako kay Nicola na tahimik na nakikinig lang sa amin,"Wa-wala lang 'yun, ano."
Tumigil sa paglalakad si Jamie bago ako hinampas ng marahan sa braso, "Tsuuu! Sa'yo wala? Imposible! Kagwapuhan at ka-hot-an pa lang ni Sir Arc, kaenleb ne! Maging tapat ka nga sa akin, iha. May feelings ka na ba kay Sir Arc?" Para syan nanghahamon. Kinagat ko ang labi ko.
Ang dali lang naman sabihin na, wala. Pero bakit parang hindi iyon ang gusto sabihin ng bibig ko? Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. May sinasabi ka,heart? Hindi kita ma-hear!
"E-wan ko.." Nasabi ko na lang.
"O kita mo na! Tas minsan nga sinusundo ka pa nun dito! Imposible talaga na wala kang maramdaman towards kay Arc!"
"Oo na, friend! Oo na na! Wag mo na ipagduldulan sa tenga ko! Kumain na lang tayo!" Natatawa kong sabi at kumain na nga kami. Ewan ko ba pero parang tomguts na tomguts ako kaya 2 pieces friedchicken ang inorder ko.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan at after namin doon ay lumabas na kami sa Jollibee. And owmeged, It's so mainit nanaman!
"Uhm, Excuse me mga Miss." Harang sa amin ng isang Man in black. Para syang bodyguard? Nagkatinginnan kaming tatlo.
"Ay ano ho iyon?" Nakangiting tanong ni Jamie. Humawak sa kamay ko si Nicola. Tinignan ko sya at para syang kinakabahan. Hindi naman ako kinakabahan sa isang tao kasi hindi naman sya mukhanh mandudukot.
Tinignan kami isa-isa nung Man in black na para bang kinikilala kami. "Sino sa inyo si Jade Anne Tayag?"
Doon na sumipa sa kaba ang puso ko. Napatingin iyong dalawa sa akin. I gulped. Teka, paano nya nalaman whole name? Hindi ko pa sya nakikilala in my Whole life!
Lumunok ulit ako. "Ak-ako 'yon. Ba-bakit?" Tinitigan ako ng man in black bago tumango.
"Kailangan mong sumama sa akin," Nanlaki ang mata ko at napaatras kaming tatlo. Ako naman ngayon ang pahigpit ng hawak kay Nicola.
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...