Arc's POV
"Good job, princess." Hinalikan ko ang anak ko sa pisngi bago pinunasan ang mga luha n'ya. Her eyes are twinkling and her smile is so wide habang nakatingin sa akin at iniabot ang phone sa akin.
"Pwede na po ba akong maging actress, daddy?"
"Yes, baby. Someday you'll be a great actress. Hintayin natin ang mommy Jade mo." Nginitian ko ang anak ko at muling hinalikan sa pisngi. Nagtatakbo na s'ya dito sa may loob ng bahay.
I'm happy that my only daughter is happy. She's like an air to me, hindi ako makakahinga kapag nawala ang anak ko. Sa kanya ko na hinihugot lahat ng lakas ng loob ko pati ng kasiyahan ko. At ngayon madadagdagan pa ng isa.
That's why I will surprise her, kahit ang totoo nyan ay wala naman ako sa hospital, nandito lang naman kami nila mommy at ng mga pinsan ko sa bahay nila. Tinutulungan nila akong i-set up ang hinanda kong surpresa para sa kanya.
"S-sir Arc, pinipilit po ni Ms. Flint na ngayon na ganapin ang m-meeting nyo. Kanina pa po s'ya tawag ng tawag." Kabadong sinabi ng sekretarya ko sa kabilang telepono.
"Ano bang sinabi ko? Kapag sinabi kong monday, sa monday. Understood?" Ibinaba ko na ang tawag at napahilot sa aking sentido. N'ong nakaraan pa tumatawag iyang si Sean sa sekretarya ko para makipag-kita sa akin. Hindi ko na kailangan pang tanungin kung bakit ba yun nagpupumilit na makipagkita sa akin.
Because she's Cres' real mother.
Pero wala akong pake. After she left our daughter to me, and gave me the whole resposibility of taking care of her, kinalimutan ko na s'ya. She's not even special to me. Sa totoo lang ay may galit ako sa kanya dahil hindi naman nya pinahalagahan si Cres mula ng iluwal nya ito.
"Hindi ko kailangan ang baby'ng 'to. Keep her, souvenir 'yan mula sa akin. Bye, dear!"
Those were the exact words. Sino bang matinong nanay na ipapamigay lang na ganon ang anak n'ya? Tingin nga lang n'ya kay Cres ay isang gamit na ipinamigay nya sa lalaking naka-ONS nya. If Cres is not important to her life, hindi rin s'ya importante sa buhay ko. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pa s'ya babalik? What's on her mind? Kasi kung may balak s'yang kunin sa akin si Cres, she needs to kill me first.
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...