"Seryoso ka ba d'yan, Arc?!" Nanlalaking mata na tanong ko sa kanya.
"Hindi pa lumalabas results ng DNA test nya."
Mas lalo akong nawindang, "Ano?! Pina-DNA mo sya?! Bakit hindi man lang namin alam?!"
Pinasadahan nya hagod ang buhok nya bago nameywang, tinignan nya ako apologetically, "I'm sorry. Na ngayon ko lang sinabi. I just have to do that dahil malakas ang kutob ko na s'ya ngayon."
"Paano mo naman nasasabi ang mga 'yan? Naramdaman mo ba yung lukso ng dugo?" I started crying again. Parang.. parang... I mean hindi naman imposible na si Evan nga yong nawawalang kapatid ni Arc kasi may nakikita akong similarities sa kanila. Pero kasi, ugh!
Tinitigan nya ako sa mata. Humakbang sya palapit sa akin at hinawakan ako sa mukha. Pinunasan nya ang luha ko gamit ang hinlalaki ko, "Yung pangalan pa lang nya, sinasabi ng sya 'yon. Evan Lucian Victore. That's his name. Kailangan ko na lang ng patunay na nagsasabing sya nga talaga yon. Please, stop crying Jade." Niyakap nya ulit ako.
Hindi ata ako makapag isip ng malinaw. Sasabihin ko ba 'to kina mommy at daddy? Syempre! Kailangan nilang malaman to dahil sila rin ang nagpalaki kay Evan. Parte na sya ng pamilya namin. Lumaki sya kasama namin. Lumaki sya bilang isang Tayag. Noon, gustong gusto ko mahanap ang totoo nyang pamilya dahil when he was just 8 years old, ang birthday wish nya parati ay mahanap yung totoo nyang family. Not that he doesn't love us, pero gusto nya daw ng dalawang pamilya.
At ngayon na mukhang malapit na nga malaman ni Evan kung sino talaga ang pamilya nya, kung sino talaga s'ya. Parang may parte sa puso ko ang unti-unting natatanggal. The pain's just so unbearable.
After that night, matapos sa akin sabihin lahat ni Arc ang mga 'yon, hindi ko na matanggal palagi ang tingin kay Evan. Sinusundan ko lang sya ng tingin, tulad ngayon. Nakaupo ako sa Couch habang humihigop ng Swissmiss at tinitignan sya habang nag-Pupush up sa harap ng Tv. He always does that every morning bago mag-breakfast. Tas pagkatapos nya dyan ay mag-gagatas sya, kakain at maliligo. I sighed.
"...24,25! Hoo!" Humilata sya sa sahig matapos mag-Push up. Hinihingal. Then he rose to his feet. Nameywang sa harap ng TV habang tinitignan ako.
"Ate? Gwapong-gwapo ka nanaman sa kapatid mo!" Hinagod nya palikod ang buhok nya bago ako nginitian at kininditan. Naka-puting sando lang sya at sweatpants.
Ngumiti ako sa kanya. Sa ginawa nyang yon ay parang nakita ko si Arc. Pero mas bata ang itsura.
Tinaas nya ang isang kilay bago ako tinabihan sa Couch at inakbayan ako, "Ate, weird mo. Naputol ba dila mo? Nganga ka dali!" Umamba syang ibubuka ang bibig ko pero tinapik ko iyon ng malakas. Tinawanan nya na lang ako at hindi ko na rin mapigilan mapatawa.
"Bakit ka kasi ate ganyan? Para kang tuliro. Kwento ka,dali." He rested his head to my shoulder.
It's sunday today, and it means family day. Kaya mamaya ay lalabas siguro ulit kaming buong pamilya para makapag-bonding. Ayokong isipin na huling family day with Evan na 'yon.
"Evan, paano kapag nahanap ka ng totoo mong pamilya.. kakalimutan mo ba kami?"
Ipinatong nya ang kanyang paa sa center table, "Syempre, hindi."
"Talaga? Kahit mayaman yung tunay mong pamilya?"
"Oo naman! Mayaman lang sila, kakalimutan ko na kayo?"
"Eh kasi, malay mo naman dahil sa yaman nyo, mag-ibang bansa ka di ba? Tapos maging rich kid ka na doon, tas masyado kang masaya mawala na kami sa isip mo.."
"Kahit pa mayaman ang totoo kong pamilya, hindi ko kaya kakalimutan noh. Kahit na kaya nila akong bilhan ng PSP, hindi pa din!"
Napangiti ako, "Promise?"
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...