HNHA 9: Again

85 2 3
                                    

'Bakit hindi mo puntahan kung miss mo na pala?' Sabi sa akin ni White habang nakahiga ako sa kama at nakayakap sa unan ko. Bumuntong hininga ako sa sinabi nya.


'Haysus. Bakit, anak nya ba yon? Hindi naman.' Lalo lang ako nabuntong hininga ni Red dahil may point sya.


'Eh kahit na, ano! Kung love naman sya ni baby doll Cres!'


'Mukha lang syang sabit sa pamilya, kung gusto mo Jade gumawa ka na lang ng sarili mong baby!' Tsaka sya nag-Evil laugh. Kami namanni White ay napa face palm na lang sa sinabi nya.


"Ewan ko sa'yo, Red. Layas na nga kayo at magpapahinga na utak ko!" Nagreklamo pa ang dalawa pero umalis din naman.


Wala lang, namimiss ko lang kasi yung bata. Isang linggo na rin kaming hindi nagkikita dahil nasabi sa akin ni Delancy na bumalik na daw si Cres sa grandparents nya.


Kinabukasan, normal na araw lang naman.

"Ate, kanina pa may tawag ng tawag sa telepono natin! Pakisagot nga!" Kumunot noo ko sa landline namin bago iyon sinagot.


"Yes, hello?"

"Miss Jade Tayag! Si Delancy po 'to!" Nanlaki mata ko sa sinabi nya.


"Uy, bakit? May problema ba dyan sa Victore?"

"Nga po pala, bakit hindi ka sumasagot sa phone mo?"


"Nagpalit kasi ako ng number," Yes, dahil sa isa kong makulit na manliligaw. Para syang obssessed suitor at nakakatakot ang dating nya sa akin, so I have to change my phone number.

"Anyways, kaya po ako pinatawag dahil nandito ulit si Cres! Pagbalik na pagbalik nya po dito sa mansyon ng daddy nya, ikaw agad hinanap. Kailan po kayo available?" Sobrang laki ng ngiti ko! Omy, makikita ko nanaman ang baby doll ko!


"Really? Gosh, uhm teka, mamayang gabi siguro? Dyan ako magdidinner? Okay lang ba kay Sir Arc?"


"Ah, opo. Actually, sya po ang nagpatawag sa inyo. So, mamaya na lang pong dinner?"


Naexcite tuloy ako bigla para mamayang gabi! "Yes! Nasaan pala si baby Cres? Can I talk to my baby?"

"Aww, natutulog po miss eh. Napagod kakaiyak." Disappointed nyang sabi. Sayang naman, namiss ko rin ang batang 'yon.


Minadali ko ang mga bagay-bagay sa araw na 'yon. Kahit na may iilang hotel pa akong pinuntahan para imeet ang iilang kliyente.

"How's your visiting here, Ms Ng?" Tanong ko sa singaporean naming kliyente habang kumakain sa Golden Bay. Matanda na sya at napaka-elegante ng pananamit.

"It's nice here! But it's a little polluted here because of the garbages seen everywhere." Tumatangong sabi ni Mrs Ng.

Napagkwentuhan din namin yung branch ng kumpanya namin sa Singapore. Doon kasi sya kumuha ng stocks ng ilaw namin at bumisita lang sya dito.

"You're such a lovely lady, Miss Tayag." Puri nya sa akin bago sya sinundo ng driver nya para makauwi sa tinutuluyan nyang hotel, sa Solaire.

"Thank you, Mrs Ng! Next time again!" Tumango sya at nagpaalam.

'Nuxxx, napuri ang lola mo.' Labas agad ni Red habang nag gugupit ng kuko sa kamay nya.

Tumawa ako, "Hindi rin naman kasi maittanggi, lam mo na!" Lalo pa kaming tumawa ni Red.


'Ang kapal talaga ng mukha mo! Ayos!' Tumatawa nya ding sinabi.


"Letse ka! Layas! Pupunta na ako kila Arc!"


'Bakit ka ba pupunta doon? Para kay Cres o kay Arc?' Nakangisi nyang sinabi habang nakahalukipkip.


"Grabe ka, syempre para kay Cres!"


'Tsuuu, lalandiin mo lang din si Arc eh!'

"Hoy grabe ka naman! Hindi ah! Layas na nga! Byeee!"


'Shy type pa 'to! Bye!' At bigla na lang sya nawala. Nailing naman ako. Hoy grabe naman, pumunta naman talaga ako para kay Cres.


Pero syempre, namiss ko rin ang kagwapuhan ni Arc noh. Pero hindi pa din yun ang main reason kung bakit ako pupunta doon! Si bebe Cres pa din! Kahit miss ko na rin kagwapuhan ni Arc! AISH! BASTA YUN NA YUN!

Nang makarating ako sa palasyo ni Arc ay may isa pang kotse na nakapark, alam kong hindi sa kanya iyon dahil lahat ng sasakyan ni Arc ay SUT. Puro pick-up. Kahit anong brand, at bagay na bagay sa kanya ang ganon dahil mas nag mumukha syang badboy prince na ang gwapo gwapo.

Parang an layo na ng sinasabi ko ah?! Anyways, Mirage kasi yung isa pang sasakyan. At meron pa palang isa, BMW naman. Aba, may party ba? Mukhang wala naman ah!

Nakita ako ng guwardiya nila sa gate at nginitian, "Kayo ho ba si Jade Tayag?"

"Opo kuya guard! May iba pa po bang bisita si Arc sa loob?"

"Ay, oo. Yung nobya at kapatid nyang babae ay nasa loob din. Pasok ka na lang." Nalaglag ang panga ko at tumango na lang.

Bigla akong natense. Jusko, may nobya na tas may kapatid pa! Eh lakas pa naman ng topak nung kapatid nyang si Arelle! Aba, sana naman hindi matopak at mabait naman yung nobya ni Arc.

Nakakadisappoint naman, anu ba yannnn!

---

Short update! Sorry readers :D Bawi ako sa susunod, love you alll and thank you ~

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon