Nakahiga lang ako dito sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Tuesday ngayon at syempre, may pasok pero mukhang hindi ko ata kakayanin dahil masakit ang ulo ko. Hindi lang masakit dahil nahihilo talaga ako. Papasok ba ako o hindi?
'Huwag na lang, Jade. Nahihilo ka nga eh. Paano ka makakapag drive nyan?'
'Uhu. Tama si Puti. Ang kaso sayang naman yung kikitain mo sanang pera ngayon di ba?' Napa-irap nanaman ako sa sinabi ni Red. Ayos na kasi sana e. Kaso nagmukha pa syang pera!
'Ewan ko talaga sa'yo, Red. Hindi ka nakakatulong! Kita mong masakit na nga ang ulo.'
'Oh, ano nanaman ang ginawa ko? Ewan ko talaga sa iyo puti. Matutulog lang ulit ako, huh? Pagaling ka Jade! MWACHUUUPS!' Dumilat na ako ng wala na si Red. Di ko lang kasi kaya makipag sabayan sa kakulitan nya ngayon. Masyado akong nahihilo.
'Sige, Jade. Alis muna ako ah? Tawag ka lang kapag kailangan mo ako!' Tumango ako. Ngumiti sya at umalis na. I sighed. Niyakap ko yung life size kong bear na katabi dito sa kama.
Parang nagtatatalon lagi ang puso ko kapag naaalala ko kung sino nagbigay sa akin nito nung pasko. Eh sino pa nga ba? Walang iba kundi si Arc! "Ehhh!"
Binaon ko ang mukha sa teddy bear ko. Hindi ko talaga ini-expect na reregaluhan ako nito ni Arc ng ganito kalaki. At wala talaga akong idea nun na reregaluhan nya ako. Nag-Nonoche buena kami noon. Kasama yung mga kamag-anak sa side ni Mommy. Tas biglang may kumatok sa gate. Edi ako na ang lumabas. Then nakita ko itong Malaking teddy bear na nakatayo! Actually, kinilabutan nga ako kasi kumaway pa sya sa akin. Eh biglang lumabas si Arc mula sa likod ng bear at sya pala ang nagcocontrol. Ngiting ngiti sya noon. At ako naman kilig na kilig ang tumbong ko that night. Haysss.
Hindi na nga kami masyado nakakapag kita ulit ngayon dahil nung nakaraang araw ay bumalik si Cres sa mga lola nya.
"Jang, hindi ka ba papasok? Alas-nuwebe na oh." Katok ni mommy sa pinto ko.
"Hindi na. Nahihilo ako." Mahina kong sagot. Binuksan ni mommy ang pinto tsaka kinapa ang noo ko.
"Nilalagnat ka pala eh. Ano gusto mo for breakfast?"
"Hot choco tsaka pandesal with cheese na lang." Tumango si mommy at lumabas. Maya-maya lang ay nagsisi-tawag na sa akin yung mga kliyente na hinahanap yung ganito ganyan. Ang sinasabi ko na lang ay ibibigay or ipapadala ko sa kanila bukas. Kasi hindi talaga kaya ng katawan ko na magtrabaho for today. After kong magbreakfast, I slept.
Nagising ako ng mga 3 pm dahil sa gutom. Hindi na masakit ang ulo ko pero nahihilo pa din ako. Nihindi nga ako makatayo kaya si mommy na ang naglinis sa katawan ko. Tapos ay pinag-handaan nya ako ng tinolang manok bago pinainom ng gamot. I rested at my bed again.
Bago ko pa ipikit ang mata ko ay nag-ring agad ang cellphone ko. And when I looked who's the caller, it's Arc. Nandyaan na kaya si Cres? I think I need her warm hugs and wet kisses.
Sinagot ko ang tawag, "Hello?" I cleared my throat. Medyo namamalat pa kasi.
Walang nag-salita. Kumunot noo ko at sinilip ang screen kung nasa linya pa ba. Nasa linya pa naman, bakit walang sumasagot? "Hello? Arc?"
Wala pa ding sumagot. "Hello? Ibaba ko na 'to. Nahihilo na kasi talaga ako." Pinikit ko ang mata ko. And to my surprise biglang may nagsalita.
"May sakit ka?" Boses ni Arc.
"Mm-mm. Andyan na ba si Cres? Bakit ka ba tumawag?" Suminghot ako. My gosh,sinisipon na rin ako dahil sa pawis!
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...