Sinalubong ako ni Jamie at Nicola. Doon lang sila sa pwesto kung saan ko sila iniwan. Pareho silang alalang-alala kaya niyakap agad nila ako pareho. Tanong sila ng tanong sa akin kung sino iyong Iore na 'yon. Lalo na si Jamie. Hanggang makarating kami sa opisina at nag-ttrabaho na ay hindi nya mapagilan ang sarili na magtanong ng magtanong.
"Ano ba bhe! Share na kasi! Da who ba iyong Iore chuchu na kumausap sayo!? Bitchessa pa iyan?" Panglimang tanong na ata sa akin iyan ni Jamie. I finally looked at her. She looked so frustrated. I sighed.
"She was Arc's fiancee.." Halos pabulong ko ng sabi. Ewan ko ba kung narinig ni Jamie pero sa tingin ko ay narinig nya naman. Napanganga sya.
"Syett!! Maganda ba? Ano, pang model ba ang figure?" Mahinang tanong sa akin ni Jamie habang gumagawa ng hand gestures.
"Maganda sya. And yes, mukha syang model."
"Tarush!! So, bakit ka kinausap? Insecure sa simplicity is beauty mo?"
"Sa totoo lang ah, I don't get her point talking to me. Like what I said before, nilait lang naman nya ako kanina." Dahan dahang tumango si Jamie na para bang nakuntento sya sa sagot ko. I shrugged at binalik ang tingin sa trabaho.
Maya-maya ay nagsalita ulit sya, "Jade, be honest na nga kasi. Kayo na ba ni sir Arc?" Natigil ako sa pagtatype.
How I wish. Sabi ng puso ko. I touched my chest. Suuuupahh lakas ng tibok ng puso ko. Pinapakiramdaman ko lang. Base sa nararamadaman ko, pangalan pa lang ni Arc eh, nagwawala na ang puso ko.
"Hindi no." Simple kong sagot and bumalik na ulit ako sa trabaho.
Pagkarating ko sa bahay, agad kong napuna ang new haircut ni Evan. Mas nagmukha syang malinis at lalong lumitaw ang kagwapuhan nya! "Baby bro, gwapings na gwapings ah?" Tinabihan ko sya sa sofa na gumagawa ng assignment ata nya. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin sa papel and he's so serious.
Napangiti ako. "Uy gwapings!" Marahan ko syang tinapik sa ulo. Finally, napatingin na sya sa akin. Pinagtaasan nya ako ng kilay. Ohh.
"Hi ate." Hinalikan nya ako sa pisngi. "Alam mo ba ate, si Kuya Arc yung kasama kong nagpagupit."
"Oh? Talaga? Paano?"
"Nakita ko sya sa may university eh. May hinihintay ata. Tapos binati ko sya, tinanong nya sa akin kung saan ang punta ko kaya sinabi ko na magpapagupit ako. Nag-volunteer naman sya na samahan ako kaya, pumayag na rin ako. Kasi umuwi na rin sila Luke nun eh."
Tumango ako ng dahan dahan. Sino kaya ang hinihintay doon ni Arc? Imposible namang kapatid nya. Kasi sa pagkakaalam ko wala naman na syang ibang kapatid bukod kay Arelle. O sadyang kakaunti pa lang ang alam ko kay Arc?
Umakyat na ako sa kwarto ko at agad na lumitaw ang dalawa pagkasarado ko sa pinto.
'Ako na ang magsasabi para sa'yo ah. Ahh... nahuhulog ka na.' Nakapangalumbabang sabi ni Red at nakanguso pa.
Nagpapalit na ako ng damit at naglilinis ng katawan, 'Arc Victore.' Bigkas ni White. Napatingin ako sa kanya.
"Ano meron sa kanya?"
'Hawakan mo puso mo. Damahin mo.'
"At bakit ko gagawin yun?"
'Kasi sinuggest ni Puti? Hay nako, just do it!' Kinuha nila ang kanan kong kamay at nilagay sa may dibdib ko.
Kung may sakit lang ako sa puso, iisipin kong irregular ang tibok ng puso ko dahil para syang tambol. Sunod sunod pa ang pagtibok. Ano 'to?!
'Kita mo na? Marinig mo lang ang pangalan ni Arc o maisip mo lang, nagwawala na si kumareng Heart.' Nakahalukipkip na sabi ni Red.
'Kaya nahuhulog ka na talaga, Jade. Hindi mo ba alam 'yon?' Malumanay ang ngiti ni White ng sabihin nya 'yon.
Napabuntong-hininga ako. Ngayon ko lang narealize na baka nga, nahuhulog na talaga ako. Onting kalabit na lang sa akin ni Arc, kanya na ang puso ko. Pero kung pwede lang pigilin ang pagkahulog, aba! Pipigilin ko na! Ayokong ayoko talaga sa one-sided love!
Mas masarap kasi magmahal kapag mahal ka rin ng taong minamahal mo.
'Hindi mo pa naman alam ang feelings sa'yo ni Arc eh.'
Biglang nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag dahil si Arc 'yon.
Tinuro pa ni White ang puso nya. Na para babg sinasabi nya na hawakan ko rin ang akin.
"H-hi Arc!"
"Hello, Jade. Okay lang ba na tumawag ako sa'yo? Kahit gabi na?"
Napangiti ako, "Oo naman! Uhm, napaaga ba ang uwi ni Cres?"
He chuckled, "No. I just missed hearing your voice every night... parang hinahanap hanap ko."
Napatay ako sa kama ko at nagtatatalon talon. Pigil na pigil ang pagtili ko kaya kagat kagat ko ang daliri ko habang nangingiti ng para baliw.
'Ano yun?' Res mouthed pero inignora ko na lang sya.
"Ay, grabe naman. Baka hindi mo naman ako namimiss, nasanay ka lang na tinatawagan mo ako para kay Cres." Pabebe effect mode ON >:)
"Hmmm, maybe. Pero kaya kita tinawagan is because I want to have dinner with you tomorrow. Is that okay with you, Jade?"
Nagttalon nanaman ako sa kama at nag-hehead bang na sa sobrang kilig! FUTUNGUNU, STREYT FOWARD NI ARCY BEBE!!!
Kalma, Jade! Kalma!
Pinikit ko ang mata ko at nag-buga ng hangin. "A-ahmm, hehe. Kung gusto mo sige okay lang. Lunch lang naman di ba?"
"Ah, yes. Of course. I'll just fetch you again tomorrow. At your office." Narinig ko syang humikab sa kabilang linya. Inuntog ko ang noo ko sa dingding dahil di ko na matake kamanly-han ng boses nya!! Na may pa-husky effect pa dahil lam mo na, gabi! Sarap nyang pagnasahan! HIHIHI.
"Eh kung itext mo na lang sa akin kung saan tayo kakain? Kasi may dala akong kotse bukas eh." SYET! SAYANG HINDI AKO CODING BUKAS!!!
"Susunduin na lang din kita bukas d'yan sa inyo. In the morning then I will send you at work. Around 7:30 am?"
Napaupo na lang ako sa kama at nagpapadyak sa kilig. Mababaliw ata ako ngayong gabi!! "Eh? G-grabe, nakakahiya naman sa'yo masyado."
Tumawa ulit sya ng bahagya. Yung nakakaakit. "Tomorrow morning, susunduin kita. Bye,honey."
Naputol na ang linya. Doon na ako nagtitili at nagtatalong. DINNER DATE, SYETTT!!!
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...