Ang masasabi ko lang sa VS Fashion Show ay, WOW! As in WOW! na WOW! Inggit na inggit ako sa mga katawan nila kasi ang sslim nila! Tas ang gagaling pa rumampa! Tas nakita ko ba in person sila Ed Sheeran, Taylor Swift at Ariana Grande. Pero ang pinaka paborito ko talagang rampa ay 'yong kay Adriana Lima at Alessandra Ambrosio <3 Oy pero wag ka! Magaling din rumampa yung topakin na kapatid ni Arc at bukod pa doon ay sexy rin sya!
"Ang galing din pala ng kapatid mo, noh?" Bulong ko sa tenga ni Arc habang papunta kami sa place kung saan gaganapin yung after party. Hawak hawak nya ako sa bewang at grabe, kinikilig nanaman pati dulo ng daliri ko dahil feeling ko isang prinsipe si Arc! Eh kasi naman 'te! Naka Suit and Tie sya! Tapos ughhh, basta ang gwapo lang nya!
"It's her passion. Pero darating din ang panahon na kailangan nya ng tumigil sa ginagawa nya ngayon." Tumatango nyang sabi.
"Bakit?" Kunot noo kong tanong.
"Because she have to work for our family empire." Simple nyang sagot. Nako, ang mayayaman talaga! Kailangan iwan ang totoong gusto nila para sa kanilang resposibilidad.
Pagdating namin sa place na darausan ng after party ay marami na rin tao doon except sa mga models. Tulad na lang ni Arelle. Pero etong si Arc, dahil nga rich man, hindi sya nawawalan ng mga kausap na guest. Siguro nakasama nya na sa business or mga naging client nya?
"Mr.Victore! It's good to see you here!" Tulad nito, pangatlo na 'to sa mga bumati sa kanyang foreigner. At ako naman taga-ngiti lang at hinihintay na ipakilala ni Arc.
"Mr.Waldman, it's also good to see you." Nginitian nya yung Mr.Waldman. My ghad, ang fluent ni Arc mag-english with accent pa! Lalo syang nagiging hot!!. Tiignan ako nito. Nginitian ko sya.
"Is she your wife?" Kinabahan ako sa tanong ni Mr.Waldman. Tumingin ako kay Arc na halata namang hindi alam ang isasagot kaya ako na ang nag-salita.
"Uhm, I'm just his friend, Mr.Waldman. By the way, I'm Jade Tayag." Nilahad ko ang kamay ko. Nakangiting tinanggap naman ito ni Mr.Waldman. Nakipag-kwentuhan pa si Arc kay Mr.Waldman at minsan ay nakikisali din ako sa usapan nila kapag may alam ako. Nalaman ko na isa pala sya sa mga producer ng Fashion show kaya sya naandito.
"Yes! Arelle is a Victore so obviously she's your sister! I almost forgot that fact, huh." Tumawa kami sa sinabi nya. Kinwento nya na magaling daw talaga si Arelle pagdating sa rampahan at sa mga ganyang photoshoot.
"She knows how to project at the camera and how to pose depending to the motif." Share pa sa amin ni Mr.Waldman. Nagkwentuhan pa sila ng onti at dumating na yung mga models kaya nagkahiwalay na yun dalawa. Humikab na rin ako dahil sa pagod ng pagkakatayo.
"Babatiin lang natin si Arelle and then we'll go. Alright?" Hinimas nya ako sa braso at kinilabutan ako sa ginawa nyang 'yon. Antok lang 'to! Tumango na lang ako sa sinabi nya. Hinanap na namin si Arelle sa dagat ng mga tao at nakita namin syang may kausap na hindi naman mga models.
"Oh, thank you Mrs.Aldridge."
"You're welcome, young lady. By the way, have you seen Lily?"
"I think I saw her going that way. See you around, Mrs Aldridge!" Nagbeso beso sila at umalis na yung matanda. If i'm not mistaken, nanay yun ni Lily Aldridge! EWMEGED!
"My dear brother! You came!" Sigaw ni Arelle at bineso si Arc. Ang iilang co-models ni Arelle ay nanlalagkit ang tingin kay Arc dahil syempre bakit nga ba? Hayy.
"Congratulations, little girl." Ginulo nya ang buhok ni Arelle. Sumimangot naman si Arelle at napatingin sa gawi ko. Naningkit ang mata nya. I gulped. Sana wala syang topak sa akin ngayon, Lord dinggin nyo po ang aking dasal, baka po mamaya iskandaluhin ako nito dito at sumikat pa ako sa kung ano man ang iparatang nito sa akin!
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...