Hay nako, kung wala dito si Cres hindi naman talaga ako pupunta.
Pinapasok ako ni Delancy at pinaupo sa may Sofa nila. Kukuhanin nya lang daw sa taas si Cres. At dahil ayoko maiwan dito sa baba, "Pwede sumama na lang ako sa pagkuha kay Cres sa taas?"
Kahit mukhang nagdalawang isip pa sya ay pumayag na rin naman sya. Siguro napag isip isip nya na hindi naman magnanakaw ang ganito kagandang nilalang. Okay, Echoz lang LOL.
Actually, nagulat nga ako dahil pagpasok ko ay wala naman yung baliw na supermodel na kapatid ni Arc. At wala naman akong nakikitang, sabihin na nating isa pang mala-modelo sa gandang nilalang dito sa bahay. Kasi for sure, parang model sa ganda ang gf ni Arc noh! Wala naman akong nakita sa baba. O kaya malay ko, yung isa pala sa mga inaakala kong katulong dito sa bahay ay Girlfriend ni Arc :O
Isa lang ang masasabi ko sa palasyo ni Arc. Parang 5-star hotel sa sobrang ganda. May chandelier pa at ang daming room sa taas. Akala ko nga nasa hotel ako pero syempre para namang niloloko ko lang sarili ko nun dahil alam kong bahay nya 'to.
Pumasok kami sa isang kulay light pink na pinto.
Grabe ang lamig! Agad na napatingin si Cres sa gawi namin at nangiting tumatakbo papunta sa amin. Wahhhhh! Nandito na ang baby ko!
"Mommy!!" Sigaw nya at kumarga sa akin. Hinalikan nya ako sa buong mukha ko, puro wet kisses. Sa halip mandiri ako ay natuwa lang ako. Narinig ko pa ngang nag-sabi si Red ng 'Yuck!' pero inignora ko na lang!
"I miss you, bunso!" Sabi ko sa kanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Niyakap nya rin ako pabalik.
"San ka po galing?" Awww! Pati yung cute na cute nyang boses ay namiss ko din! Ngumiti ako sa kanya at hinalikan sya sa makinis nyang pisngi.
"Galing si mommy sa work. Ikaw bunso, saan ka ba galing?" Niyakap nya ulit ako at pinahinga ang ulo nya sa balikat ko. Hinagod ko ang likod nya. Grabe! Miss na miss ko ang batang 'to!
"Kay Lola po. Kasi sinundo po nila ako pero hindi na ako masyado happy doon kasi wala naman po kayo. Wala akong mommy doon.." medyo malungkot nyang sabi. Ito talagang batang 'to may powers na kayang lumusaw sa puso ko. Akala ko ngiti nya lang ang kaya magpalusaw sa puso ko pero ngayon pati salita na!
Naglaro kami sa kwarto nya. Airconditioned ang buong kwarto nya at carpeted pa! Kaya naman kahit mauntog dito si Cres ay hindi masakit. At malaki ang kwarto nya! Puro pink ang paintings at furnitures tas madami syang stuff toys and some dolls. Tas queen size na ang cover ay si Dora ang kanyang kama.
Hindi sya matigil kakakwento sa akin. Nalaman ko na nag hohome school lang pala sya. "Happy ka ba kahit sa house ka lang, baby?" tanong ko sa kanya.
"Mas happy po ba kapag hindi ka sa house nigaaral?" tinagilid nya ang ulo nya ng parang kuting. Hayyy ang cute!!!
"Mmm, oo. Kasi pwede ka don magkaroon ng maraming friends!"
"Friends? Parang playmates po? Tapos maglalaro kami sa school!" Nakangiti na nyang sabi.
"Yes,bunso." Tumawa lang sya at kumandong sa akin habang nakaupo kami sa lapag kasi nandoon ang mga laruan.
"Is my niece sleeping?" Rinig kong boses sa labas. Mahina lang. Napatingin ako sa pinto. Kinabahan naman ako bigla! Ayun pa naman yung malakas ang topak na kapatid ni Arc!!
Bigla na lang bumukas ang pinto at umalis na ako ng pagkakatingin doon dahil baka mamaya kung ano pa sabihin ni Arelle.
'Patay ka, bhe! Malakas topak nyan!' rinig kong sabi ni Red. Umiling lang ako.
"Oh my gollygosh!! Who are you?!" Ayan na patay! Tumingin si Cres sa kanya ng nakangiti.
"Auntiee!"
"Oh my gosh baby! Come here! Oh my gosh!" Kinuha nya si Cres sa akin at tumayo ako. "Ikaw yung nagkidnap sa niece ko ?! Omg talaga," sabi nya habang nagpapaypay sa sarili nya gamit ang isang kamay dahil hawak nung isa si Cres.
"Miss Ar--"
"Hindi tayo close so you don't Miss Arelle me!! You call me Madamoiselle Arelle! But wait! Ikaw yung, ohgosh! Tresspasser ka?!Hindi kita know! Get out!"
"Wait lang, Mi-- Mademoiselle Arelle, uhmm substitute mother ako ng pam--"
"GOSH, YOUR FACE IS SO MAKAPAL NAMAN! Baka naman babysitter ka lang nitong niece ko but nag-aassume ka na mother ka nya?! My God, you're such a daydreamer! I don't like you mukha it's too simple. I'll call the guards!!!" Nanlaki ang mata ko at lumapit ako kay Cres. Humawak si Cres sa kamay ko at tumawa sa tita nya.
"Aba teka lang, Miss Arelle!! Hindi mo pa al---"
"Ow I know persons like you!! Kunwari you like my niece but ang totoo is you like my brother and you want him to marry you! WELL, DREAM ON KIDNAPPER!!" Gusto ko mapa-facepalm sa mga inaakusa sa akin nitong si Arelle. Una, kidnapper, sumunod ilusyonadang babysitter then ngayon Gold-digger?!
"You listen miss who-ever---"
"NO! Ikaw ang makinig sa akin! Ang lakas ng topak mo, juskolerd! Tsaka hello!! May Gf na si Sir Arc! At hindi kinidnap ang niece mo, second hindi ako baby sitter dito! Halika dito, bunso!" Niyakap ako ni Cres habang nakangiti.
Habang si Arelle at laglag ang panga at nanlalaki ang mata habang nakatingin sa amin ni Cres.
"You hypnotized my ni--"
"Baliw, hindi!! Ayaw mo muna kasi makinig! Hay nako, naturingang super model ang lakas naman ng topak."
"Auntie, mommy. Wag na po kayo aaway. Bati ko kayo pareho!" Ngumiti syang napagkalaki bago nya kami niyakap.
Nginitian ko si Cres habang si Arelle ay pinaniningkitan ako ng mata. Tumawa ako.
"Idol mo ako no?" Sabi nya out-of-the-blue.
"After ko malaman na malakas topak mo, hindi na." Lalo pang naningkita ang mata nya bago hinawakan ulit sa kamay si Cres.
"How dare you to make lait to me! You're still not pasado to my taste as Cres' mother! You show to me na worth it ka! Hmmp!" Lumabas sila ni Cres sa kwarto at naiwan ako sa loob ng nakanganga.
Anong nangyare? Ha?
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...