HNHA 6: Si Mommy at Si Daddy

118 3 1
                                    

HNHA 6: Si Mommy at si Daddy

"Mommy! Meet Jericho! Lagi nya po binabantayan si daddy dito sa palace! Hi Jericho! Namiss mo ba ako? Say Hi kay Mommy ko!" Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Kanina pa akong 11am dito at ngayon ay 2pm na, nandito pa rin ako kila Arc. Ayaw ako paalisin ni Cres, lagi syang nag wawala. Ilang beses na rin ako nag tangkang tumakas pero lagi nya akong mahuhuli at mag papacute sa akin. Hindi ko na talaga alam. Ang saya saya nya kasi eh. Tas kapag umiyak parang puso nya niluluwa na nya sa sobrang kaawa awa ng mukha nya.

Nginitian ko na lang sya habang kinakausap nya si Jericho. Yung Dobermann Pinscher nila. Parang kilalang kilala na sya nung aso, ang laki pa naman.

"Mommy, sad ka po ba?" Seryosong tanong nya. "Gusto nyo na ba ako iwan?" Tas ngayon ay Teary eyed na sya. Ganyan kababaw ang luha nitong si Cres. I sighed. May takot ata itong si Cres maiwan. Dahil naranasan nya na maabandona ng tunay nyang ina. Tas di pa sila madalas magkita ng Daddy nya. Tas ngayon inakala pa nya na mommy nya ako kaya ayaw na nya akong paalisin.

Umupo ako na kalevel mukha nya. Mukha talaga syang doll dahil sa pagka mestiza nya. I tucked her hair on her ears.

"Pero kasi baby, may work talaga si mommy eh. Nandito naman si Daddy mo, di ba?" May tumulo ng luha sa mata nya. Her tears are pure as river.

"Mommy, sabi nyo po love nyo 'ko. Bakit gusto nyo na po ako iwan?" Parang gusto ko na masiraan ng ulo. Ganyan lagi ang tanong nya kapag sinusubukan kong umalis. Parang weakness ko na yang tanong na 'yan!

"Baby, love kita syempre. Mamaya na nga lang ako aalis. Pasok na tayo sa house, dali." Tumango sya. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay nya at naglakad papunta sa loob.

Sakto naman na palabas din si Arc at parang hinahanap din kami ng anak nya.

"Daddy!" Tumakbo si Cres papunta kay Arc at kumarga sa daddy nya. Ang cute cute nilang mag tatay!

"Daddy, pinakilala ko po si mommy kay Jericho. Ang happy po nga ni Jericho e. Sabi pa nya ang pretty ng mommy ko!" Humagikgik pa 'to habang nag kkwento kay Arc.

"Naintindihan mo sinabi ni Jericho?" Arc

"Yes po. I can understand po sinasabi nya!" Cres

Arc kissed his daughter's cheek and turned to me. I cleared my throat.

"Mr Victore." Hanggang ngayon nahihiya pa din ako dahil mommy tawag sa akin ng anak nya!! Anubaaa.

"Looks like, my daughter is really in love with you." Nilalaro lang ni Cres ang buhok ng daddy nya at parang walang pakialam sa sinasabi ng daddy nya.

"Oo nga Mr e. Nakakahiya talaga sa inyo."

"Ako nga ang dapat mahiya. Ayaw ka na paalisin ng anak ko."

"Hindi ko alam kung okay lang 'yun. Pero ang hirap tiisin ng anak nyo." I glanced to Cres again. Parang sinusubukan nyang ibraid yung buhok ng daddy nya! "Pero Mr Victore, I really need to go." Sabi ko.

He glanced at his daughter na nililikot ang buhok nya.

"You may leave. Ako na bahala."

"Omg! Thank you Mr! Next time ko na lang po aayusin yung panel nyo! Kapag po wala na si Cres, call nyo lang ako."

He nodded. Tumalikod na ako tas nag simula mag lakad. Mukhang hindi naman ako napapansin ni Cres dahil hanggang ngayon ay wala pa ring pag iyak na naririnig. Napa sapak ako sa hangin sa tuwa! Dapat pala kanina pa namin ginawa 'yon e! Yeeees!

Pag sakay ko sa kotse, binaba ko 'yung bintana at inayos muna lahat ng gamit ka. That's when I heard Cres crying and running papunta sa direction ko. HA?! ANO?!

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon