HNHA 14: Moment

111 2 1
                                    

Narealize ko na hindi pala 'to date kasi may fiancee na nga pala yung tao. kahit pa wala silang spark, kailangan ko pa din itatak sa kalandian ko na hindi na pwede si Arc.


Pumunta kami sa Glorietta ni Arc. Kinikilig lang ako kasi noon pababa ako ng sasakyan, sya ang nagbukas ng pinto para sa akin! Hindi naman masama kiligin devuuh!?

"Bakit dito tayo sa Glorietta?" Tanong ko para lang di masyado tahimik. Hinubad nya ang Rayban nya at isinabit sa kanyang polo. Ngumiti sya ng onti.

"Ayaw mo ba?" Tinignan n'ya ako. Sa sobrang yummy ng face nya, ang sarap magkagat labi!

"Hindi naman! Natanong ko lang." Ngumiti ako.

Tatawid sana ako sa kabilang part ng Parking Lot dahil may nakita akong something shiny na nasa sahig. Pero biglang may bumusina ng malakas! Napapikit na lang ako dahil sa nakakasilaw yung ilaw pero may naramdaman akong bisig sa beywang ko.

Dinilat ko ang mata ko, "Miss, mag ingat ka next time!" Sigaw nung driver na muntik ng makabangga sa akin. Wala sa sariling tumango ako at tinignan si Arc. Sobrang laka ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tumingin ako kay Arc na nakahawak pa din sa bewang ko.

Nakatingin sya sa akin at naka Half open ang bibig nya habang humihinga, "T-thank you, A-Arc." Sabi ko.

"Maybe I just have to hold you to keep you safe." Sabi nya sa mahinang boses habang tumatango.

Hindi na ako nakaalma dahil nagsimula na syang maglakad. Parang nakikiliti ako sa mainit nyang braso na nakapalupot sa bewang ko. Hindi tuloy ako makapagsalita dahil parang sasabog ako.

"Bakit ka ba kasi tatawid?" Tanong nya habang nasa Elevator kami.

"Kasi may nakita akong makintab sa sahig. Parang alahas."

"Next time, bago ka tumawid you make sure that there's no car crossing." Ma awtoridad nyang sinabi sa akin kaya napatango na lang ako sa sinabi nya.

Pagpasok namin sa pinakaloob ng Glorietta ay napakaganda! Yung ambiance at mga ilaw ay pang Elite talaga. Sa Greenhills pa lang kasi ako nakakapunta kaya naaamaze ako sa kagandahan ng Glorietta.

"Ang ganda pala dito noh?" Sabi ko habang naglalakad kami at lumilinga sa mga boutique na nadadaanan namin. Tinignan ko ang expression ni Arc.

Nakangiti syang habang nakatingin sa akin, "Of course. Saan mo gusto kumain?"

"Ikaw na bahala!" Tumango sya at nagsimula agad kami lumakad.

"Teka Arc, hindi ba magseselos yung fiancee mo nyan kapag nalaman nya na may kasama kang babae. Na kasama mo ako?" Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant at agad na may umasikaso sa amin. Naka reserve na pala kami doon. Pinaghatak nya ako ng upuan at sinuyod ko ng tingin ang buong restaurant. Ang ganda nung mga ginamit na ilaw.

Umupo sya sa tapat ko at kinuha ang Menu. Tinignan ko din pero nalulula ako sa mga presyo, "Anong sa'yo?"

"Kung ano na lang din ang sayo." Tumango dya at sinabi nya sa waiter ang order namin.

"Kinakabahan tuloy ako." Sabi ko sa kanya. Nilabas nya ang iPhone nya.

"Why?"

"Baka kapag nalaman nung Fiancee mo na magkasama tayo sugurin na lang ako nun bigla." Natawa sya ng bahagya sa sinabi ko.

"Hindi nya malalaman. At kahit malaman nya it doesn't matter 'cause I'm going to break the engagement tomorrow." Nakangisi nyang sabi habang nakatingin pa din sa phone nya.

Napanganga ako. Aba! Bakit parang happy happy pa sya?

"Pwede ba kitang tanungin ng something personal?" Nagaalangan ako ng sabihin ko yan.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon