HNHA 13: Somewhere

87 2 2
                                    

Nagcommute lang ako papasok kasi nga, coding ang sasakyan ko ngayon. Hindi tuloy ako free na makausap ang dalawa kasi akalain pa ng iba, baliw ako.


Nakita ko ang dalawa na naglalaro ng bato bato pik! At nag-pipingutan. Minsan pa ay nakikita ko si Red kung paano nya pinagtatawanan si White kapag natatalo. Hays, demonyita talaga!

Makalipas ang dalawang oras na byahe ay nakarating din ako sa main office. Binati ako ni Kuya guard. Binati ko rin s'ya pabalik dahil mabait talaga iyang si guard sa akin.

"Jade!" Salubong sa akin ni Jamie habang nagkakape.

"Uy! 10 am na ah! Nagkakape ka pa?" Natatawa kong bati sa kanya.

"Para hindi ako antukin! Alam mo ba hindi ako makatulog kagabi, ang dami kong tinapos tas nilalandi pa ako ng boyfriend ko! Naglalambing ang gago!" Humagalpak ako sa tawa. Kung magsalita kasi si Jamie ang bargasin! Sa totoo lang, si Jamie lang ang nakagaanan ko ng loob dito. S'ya talaga yung naging close friend ko. Yung iba kasi, lalo na yung matagal na dito, masyado ng 'hard to reach' dahil batikan na sila sa larangang 'to. Busy much!


Nagsimula na agad kaming magtrabaho ni Jamie ng makarating sa cubicle namin. Kasi, susunduin nga ako ni Arc ngayon. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa yung gwapo, este, yung tao :")

Mga ala-una ng hapon, habang kumakain kami ni Jamie at nakaharap pa din sa aming mga papel hiniram n'ya sa akin ang aking phone, "Be! Patext ako sa phone mo. Naubos na yung CTC 25 ko! Wala talaga akong tiwala sa network na 'to eh,dapat lumipat na lang ako!" Rant nya sa akin. Sumubo muna ako ng kanin bago iniabot sa kanya ang phone ko at patuloy na ginawa ang mga papeles.


Onti na lang, matatapos ko na 'to! Maya maya lang ay nagsalita si Jamie, " 'Text me if you're done with your work. I'll fetch you there,' Arc Victore... shit ka girl!! Nagdedate ba kayo nito!? Ay shet!!!" Nanlaki mata ko sa binasa ni Jamie at inagaw agad sa kanya ang aking phone.

Hinampas nya ako sa likod at napadaing ako pero busy pa ako sa pagbabasa ng mensahe sa akin ni Arc. OMY FREAKING GOSH!!!!!! MAY SMILEY FACE,GIRL! MAY EMOJI NA NAKANGITI!!

Kinagat ko ng madiin ang lower lip ko sa pagpipigil tumili at ngumiti ng parang baliw dahil sa 'keleg keleg' feeling na nararamdaman ko!

"Ay sige! Mmm! Nagpipigil kiligin! Gaga ka, landi mo be! So anong ganap? Pashowbiz ka ah! Ba't ka susunduin ha?!" Sinundot nya ako sa tagiliran kaya hindi ko na napigilan ang matawa kasabay ang pagkakilig!

"Ay! Ang landi talaga! Mamaya na kita kakausapi kapag nakaraos ka na! Maghahakot pa ako ng iba para magtalk ka na!"


Umayos na sya ng upo sa swivel chair nya habang naiiling. I looked around at ang iba ay medyo nakiusyoso dahil sa ingay na ginawa ni Jamie. Okay, I really don't care! Kinikilig ako to the highest level!

Lalo ko lang binilisan tapusin ang mga paperworks ko dahil mag-aalas dos na. As much as possible gusto ko ay maaga akong matapos dahil nakakahiya naman kung si Arc pa ang aayon sa schedule ko.

Mga alas-tres ay tapos ko na ang lahat at si Jamie ay dinungaw ko sa cubicle nya. Pero pagkita ko ay nakadukdok na sya sa desk nya at umiidlip. Gaga talaga! Hindi ko na sya ginising at naisip kong itetext ko na lang sya mamaya. Nag-ayos agad ako ng gamit at nagtungo sa wash room para magretouch.

Seriously, mag-Lilip gloss at pulbos lang naman ako dahil believe it or not, hindi ako marunong mag- make up! Ito lang ang kaya ko gawin sa mukha ko! At dahil may baon din akong Listerine ay nagmumog na din ako.

Half-Normal,Half-AbnormalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon