Nagwawalis kami sa bakuran ni mommy dahil sabado ngayon at napagdesisyunan kong wag na lang pumasok dahil pwede ko namang gawin ang quotations dito sa bahay. Naikwento ko kay mommy si Cres at yung tita niyang si Arelle.
"Edi kung ginaganon ka lang naman pala nung Arelle, h'wag ka na lang pumunta sa bahay nila." Nakataas kilay na sabi ni mommy habang umiinom ng tubig. Patuloy lang ako sa pagwawalis.
"Kasi nga, hindi naman s'ya ang pinunta ko doon. Si Cres, ma! Pwede ko naman s'yang iignore na lang noh." Umiiling kong sabi.
"Hindi mo naman 'yon totoong anak,eh." Parang sumama loob ko sa sinabi ni mommy. Oo nga, hindi ko s'ya tunay na anak pero sa maikling panahon na 'yon, mabilis na nahulog ang loob ko sa batang 'yon! Tulad nga ng sinabi ko, para kaming may connection sa puso. Hindi na pwedeng basta na lang namin kalimutan ang isa't isa!
Hindi na lang ako sumagot at patuloy na nagwalis.
Kinabukasan ay dapat family day. Pero hindi natuloy dahil mas pinili ni mommy at daddy na magpahinga at matulog na lang dahil maulan daw at masarap matulog. Kaya, kami na lang ni Evan ang nagbonding. Pumunta kami sa The District dahil wala daw thrill kung sa SM lang.
"Wala ka pa bang girlfriend? Para minsan isama mo kapag nagbabonding tayo!" Nakahawak ako sa braso ng kapatid ko habang nagtitingin ako ng libro sa National Bookstore at humihikab sya.
"Huh? Kakabreak lang namin nung Ex ko, hanap agad ako? Dapat kunwari magmu move on muna ako!" Kinurot ko s'ya sa braso. Napadaing naman yung kapatid ko.
"Ex?! Wala akong nababalitaan na may girlfriend ka ng mokong ka!"
"Ate! Hindi naman sila mahalaga dahil hindi naman ako seryoso sa kanila! Basta kapag seryoso na ako sa isang babae, ipapakilala ko agad sya sayo." Kinindatan nya ako. Aba! Kung lahat ng lalaki tulad ng kapatid ko, edi andaming hayahay na babae sa mundo!
"Yay, sweet naman ni bunso. Dahil d'yan ibili mo sa akin 'tong Pride and Prejudice!" Itinapat ko sa mukha nya 'yung libro at nagkamot lang sya sa batok.
"Sino kaya sa atin ang may trabaho, noh? Pasalamat ka ate,gwapo ako kaya ibibili ko sayo 'to!" Kinuha nya sa kamay ko 'yung libro bago hinalikan ang buhok ko. Nagpunta kami sa cashier pero medyo mahaba ang pila kaya nasa bandang likod pa kami.
Tumitingin ako sa paligid kasi baka may books pa akong pwedeng bilihin bukod sa P&P pero wala naman na. Napapansin ko lang ay 'yung mga nababaling leeg ng mga kababaihan kapag nakikita yung kapatid ko.
Sino bang hindi makakapansin sa kapatid ko? Sa height pa lang nya, mapapatingin ka na. Idagdag mo pa yung light brown nyang mata na akala mo spanish pati yung pinkish lips nya. Over all, gwapo talaga kapatid ko! Naawa naman ako sa height ko na pinagkaitan!
"Ate, ikaw na sagot sa lunch natin ah?" Nakangusong sabi ni Evan. Tumango ako at kumindat.
After namin sa NBS ay dumaan kami sa appliance center kasi ewan ko ba sa baliw kong kapatid pero titignan lang daw nya yung mga bagong movies na pinapakita sa TV screens. Para-paraan!
May lumapit sa amin sales lady na kung makangiti ay todo todo at hindi na yata ako ang nakita. "Hi sir, ito po ang pinakalatest unit ngayon."
BINABASA MO ANG
Half-Normal,Half-Abnormal
RandomSi Jade Tayag ay isang Normal na teenager. Very plain. Kumbaga sa Isang fairytale stories, she's not a Princess na meant for a Prince. Isa lang syang Commoner na nakatira outside the palace. But she's Abnormal. Huh? Ano daw? Akala ko ba Normal? Eh B...