Chapter 17

7.6K 235 4
                                    

[Trigger Warning]


Angel

"Angel, girl." Napalingon ako sa tumatawag sa pangalan ko. Si Nia, one of the officer ng supreme student governor. "May nagpapabigay sa'yo," Kunot-noo kong tinignan ang bouquet ng red roses.

This past few days, I always receive red roses from someone na hindi ko alam kung sino.

"May pangalan bang nakalagay?"

"Uhm—wala eh. Bakit may ini-expect ka bang specific person na magbibigay sa'yo nito?" She hummed, teasingly while wiggling her eyebrows. I playfully rolled my eyes. Bali-balita kasi dito sa campus na may new boyfriend daw ako, malamang sikat ako sa campus kaya mabilis kumalat ang balita.

At tsaka si Eris lang naman ang kasama ko no'ng mga nakaraang araw, hindi ko nga rin alam kung ano talaga ang status namin, eh. Is it a one time thing lang ba?

Another thing, I have to confront Dylan. Lagi kasing hindi natutuloy ang usapan namin. I don't even know kung makikipagbreak ako sa kanya, technically I'm cheating on him with Eris. Pero pagkasama ko naman si De Rossi, there is something inside of me that I can't explain, even a dog can't.

Ah basta! Ewan, ang gulo! Mas magulo pa sa calculus at algebra.

Feeling ko ang sama ko kay Dylan. Lalo na't no'ng na-aksidente siya, isa o dalawang beses ko nga lang yata siya binisita. Mabuti na nga na discharge na siya kahapon.

Bumalik ako sa reyalidad no'ng sumigaw si Nia. "Ahh!"

"Hoy! Ano ba? Bakit ka sumisigaw?"

"Huh? Ah—sorry. Pinapatugtog ko lang 'yung RBB ng Red Velvet, hindi ka kasi sumasagot sa tanong ko eh,"

"Oh my God! He's a really bad boy, he's a really bad boy! Oh my God, he's a really bad boy, he's a really really really really really bad boy—"

"What the hell, Nia?! Can you shut up?" Inis na sigaw ni Heart. Nandito kasi ako sa office ng supreme student governor, as a part of the executive commitee we are required to attend meetings.

"KJ mo talagang babae ka! Hmp—!" Si Nia lang ang tanging babae ang naaasar si Heart ng ganito. Wala kasing malakas ang loob para gawin ang ginawa ni Nia, napakalamig ni Heart para siyang si Eris, kaso si Eris may sapak sa ulo.

Magkaibigan naman kasi si Nia at Heart kaya natural lang 'yon sa kanila. Pero ewan ko ba kay Nia, buti natitiis siya ni Heart kung hindi libingan ang bagsak niya.

Inilapag ko muna ang bulaklak sa bakanteng upuan katabi ko. Allergic sa bulaklak si Heart, baka ako pa ang mapag-initan.

"Anyways, hindi na 'ko mag-papaligoy-ligoy pa. I know it's unusual for us to have an unannounced meeting especially papalapit na ang annual music festival. May list ang management nito about sa mga universities na hindi makakasama. Unfortunately, kasama tayo doon." Nagulat ang ibang officers sa sinabi ni Heart.

"What do you mean, Ms. Del Valle? Kumpleto naman tayo sa mga finances, and as far as I know, nakapag-sign up na tayo sa form na prinovide nila, and at the same time napasa na natin 'yon last week pa." Singit ni Natasha, vice president nila.

Si Natasha, iba siya kay Heart. Kung gaano ka-cold si Heart ganoon naman ka-init si Natasha, what I mean is laging mainit ang ulo. Pero sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, mabait naman siyang kaibigan, ewan ko nalang kay Heart.

"I know, Ms. Fuentabella. I heard about that. Pero kaninang umaga lang, naka-receive ang principal ng news from the management. An unexpected news, na hindi ko talaga akalain na mangyayari dito."

"What is it?" Nia's mind is full of curiousity. Habang ako tahimik na nakikinig sa usapan nila.

"A fraternity."

"Fraternity? Hindi ko alam na uso pa pala 'yan." Saad ko.

"Wait. Diba fraternity is a good thing naman? I know it includes hazing pero every whipping of the paddle has its own meaning. And students can also learn how to be responsible, as well as being protected by the members." Ang dami kong naririnig about fraternity pero hindi sumagi sa isip ko na may maganda itong benefit.

"Well, it's not a good thing if it involves illegal crimes na hindi naman gawain ng isang normal na estudyante. Specifically, sexual abuse also known as r*pe. Hindi lang 'yan there is also, extortion, human trafficking, cyberbullying, and murder."

"Grabe naman 'yan." Hindi kami makapaniwala sa sinabi ni Heart. Imagine experiencing those things by just joining a fraternity. Gosh.

"And apparently, they discovered na ang grupo na 'yon ay nag-aaral dito sa MU. I don't know kung paano nila nalaman 'yon and I don't have any idea kung paano napasok at nabuo ang fraternity na 'yon sa atin. For all I know, hindi naman nagpapatupad ng ganoong organization ang school."

Huminga ito ng malalim bago itinuloy ang sinasabi. "Bakit hindi nalang natin sila patalsikin sa school?" Suggest ni Natasha.

"Hindi gano'n kadali 'yon, dahil hindi natin alam kung sino ang nagpapatakbo ng organization na 'yon at sino ang mga miyembro nito." Nakakunot-noong tumingin ako sa kanya. Paano naman nila nalaman?

"Paano naman nila nalaman? Wala pala silang sapat na ebidensya tapos they're accusing us without a valid reason." Mukhang nabasa ni Natasha yung nasa isip ko.

"Still, ayon na ang desisyon ng management, once na mo-solve natin 'to pwede na tayo ulit makasama."

Suddenly, Ralph burst out laughing. "Astig! So magiging detective tayo? Ayos!"

"What do you mean tayo? Kami lang, you and the other two members have to gather information." 

Hindi naman mapigilang tumawa ni Nia sa tabi ko. "Haha! Assuming!"

"Panget!" I rolled my eyes at their childishness.

"For now, kailangan natin mag-ingat dahil ang target ng mga ito is young girls, young beautiful girls."

"Ayan Nia, 'wag ka nang kabahan target pala nila magaganda sigurado hindi ka nila pagsasamantalahan." Pang-asar ni Ralph. Imbis bumanat ito bigla nalang itong nag-walk out.

"Tsk... hindi biro ang pagsamantalahan, don't make it as a joke." Napayuko naman si Ralph.

"Dismissed." 'Yon nalang ang sinabi ni Heart bago kami nagsilabasan.




Kasama ko ngayon si Laur, nasa mall kami ngayon para mag-shopping dahil ang tagal na since magkaroon kami ng time for each other. And it's a perfect timing dahil may party kaming pupuntahan bukas.

While I was choosing a dress in the clothing rack biglang nagsalita si Laur. "Beb?"

"Hmm?"

"I don't know kung ako lang ang nakapansin pero, I find it weird na biglang sumulpot si Eris sa buhay mo." Pagkabanggit niya sa pangalan ni Eris napalingon ako sa kanya bigla.

"Bakit naman?"

"Kasi imagine, ang tagal bago i-reveal ang CEO ng DR&Co, then all of sudden Eris appeared out of nowhere." Napaisip ako bigla. Oo nga, no'ng una nagtataka rin ako eh, pero biglang nawala ang thought na 'yon sa isip ko nang may nangyari na sa amin.

"And then 'di ba, kilala si Eris dahil sa pagka-misteryoso nito? Tapos bigla niya nalang ini-reveal ang identity niya."

"Laur, pwede bang 'wag muna nating pag-usapan 'yan? Lalo nav'wag dito." Napahawak ako sa sentido, sa sinabi ni Laur kanina biglang akong may naisip na hindi maganda.

"Why? Are you okay?"

"I'm fine. I just want to spend time with you pero ikaw naman 'tong puro salita about kay Eris." Napatawa ito. 

"Sorry, I can't help it." It became a habit of hers na once nagsalita siya hindi na matikom ang bibig.


𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon