Chapter 25

6K 232 17
                                    




Angel

Beep Beep Beep Beep...

"Scalpel." Inabot sa 'kin ng kasamahan ko ang matulis na bagay.

I cut open the patient's skin where he got shot with a gun. Masyadong malalim ang tinagusan ng bala kaya nahirapan akong hanapin kung saan ito tumama I put a restractor to hold the opening.

He's losing a lot of blood kaya kailangan ko na matanggal ang bala na bumaon sa tagilirin nito.

Saglit akong napasulyap sa monitor.

Napa-yes ako sa isipan ko ng makita ko ang bala, I grabbed a forcep at kinuha ang bala mula sa katawan ng pasyente bago iniligay sa isang stainless tray.

I was about to close the wound nang marinig ko ang sunod-sunod na alarm mula sa vital signs monitor.

Beeeeeeeeep... Beeeeeeeeeep...

"Doc, we got no response from the heart and he is also losing a lot of blood."

Napamura ako sa isip-isip ko at agad kinuha ang defibrillator. Huminga ako ng malalim.

Beeeeeeeeeep... Beeeeeeeeeep...

"Clear?"

"Clear." Malakas ang impact mula sa defibrillator kaya nahulog ang ilang stainless surgical equipments sa ibaba. But there is no time for that, I need to save this man's life.

Unfortunately, there is no response.

"Come on, dear. Don't die on me." I muttered.

"Clear?"

"Clear."

Beeeeeeeeeep... Beeeeeeeeeep...

"Still no response, Doc."

Nagpakawala ako ng hininga. "Clear?"

"Clear." I pressed the defibrillator on the upper chest area of the victim's body.

Beep... Beep... Beep...

Doon ako nakahinga ng maluwag nang bumalik na sa normal ang kanyang heartbeat.




Lumabas ako ng operating room before I took my mask off and face the patient's family.

"Doc, kamusta ho ang anak ko?" Tanong ng ina ng pasyente. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Kasama rin niya ang asawa nito at bunsong anak na babae na kapatid ng pasyente.

"'Wag kayong alala, Misis. Ligtas na ho ang anak niyo." Nakangiting saad ko.

"Salamat naman sa Diyos! Maraming salamat ho, Doktora."

"Walang anuman, ginagawa ko lang ang trabaho ko." Ngumiti ako sa kanila bago nagpaalam.

Dumiretso ako sa isang vending machine dahil nauuhaw na ako pagkatapos ng operasyon kanina.

Nang tumalikod ako, naramdaman ko nalang na may nabangga ako. Mabuti nalang hindi natapon ang kape na hawak ko.

"Angel?" Nag-angat ako ng tingin gulat na napatingin sa kanya.

"Elise?"

"Mabuti naman kilala mo pa ako." Natatawang sabi nito.

"Of course. Pero ano ang ginagawa mo rito?"

"I should be the one asking you kung ano ginagawa mo rito sa hospital ko."

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon