[Warning]
Angel
"Why are you late?" I let out a squeal when I heard someone behind me.
"Why are you late?" Ulit niya pa. Lumingon ako dito at hindi nga ako nagkamali.
Si Eris. Nakaupo sa single chair dito sa room ko habang may hawak-hawak na bote ng wine. Nakapameywang ko siyang hinarap. "Paano ka nakapasok dito? Ha? Akyat-bahay ka ba?"
"Don't change the subject, tell me why are you late? And where did you go?" May bahid ng inis sa boses niya.
"Group study nga!" Hindi ko mapigilang sigawan siya. Ang kulit kasi eh!
"Non urlarmi contro!" [Don't yell at me!]
"Ano?!"
"I said, don't yell at me!"
"Eh, sinisigawan mo rin ako eh!" Natigilan siya.
"Sit down."
"Uupo ako kung gusto ko dahil kwarto ko 'to. Teka nga, paano ka nakapasok dito?" Nakapameywang ko paring tanong. Hindi ko mapigilan ang pagmumula ng pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Ani mo'y parang nagbago bigla ang itsura niya. "You wore that outside?!"
"Bakit mo ba ako sinisigawan?!" Balik kong tanong.
"Stop yelling at me!"
"Ikaw 'yong sumisigaw d'yan, eh. Sira pala 'to." Nakacross arm kong sagot.
"Here I thought you are in a group study session while wearing that." Puna niya.
I gulped. "Pake mo? Susuotin ko ang gusto kong suotin! At tsaka ano'ng gusto mo? Nakabikini ako habang may group study? Gago pala 'to."
"Are you cursing at me?" Hindi pa ba obvious? Ang tanga talaga nito.
"Ay, hindi. I'm complementing you." Sarkastiko kong sabi.
Nagpakawala ito ng hininga ito. Hindi ko naman napansin na nakasuot pala siya ng black na track pants at wife beater kaya kitang-kitang ang muscles. Nag-woworkout siguro ang isang 'to.
Napansin ko din na nakasuot lang siya ng black birkenstock sandals. Ngayon ko lang siya nakitang nagsuot ng sandals ha? More on rubber shoes and leather shoes.
"I know I'm gorgeous. No need to undress me with your eyes." Napaismid ako sa sinabi niya. Hangin ng babaeng 'to.
"I'm not arrogant, I'm just stating the obvious."
"Tsk, kumag. So, paano ka nga nakapasok dito? Aber?" Itinaas niya ang duplicate ng susi ng bahay ko bilang sagot.
"Saan mo nakuha 'yan?" Inis na tanong ko sa kanya.
"In your purse." Tipid nitong sagot.
"Aish! Umalis ka nga, gabi na." Taboy ko sa kanya. Hinagis ko ang bag ko sa kama at tinanggal ang heels ko. Ang sakit ng paa ko.
Umupo ako sa gilid ng kama na nakatalikod sa kanya. Minasahe ko ang paa ko dahil ang kumikirot ito. Dapat pala hindi na ako nagheels.
"Let me." Akala ko umalis siya pero lumuhod siya sa harap ko. "A-Ano'ng ginagawa mo?"
Hinawakan niya ang paa ko dahilan para makaramdam ako ng kakaibang sensasyon na dumadaloy sa buong katawan ko. Naramdaman ko ang kakaibang tibok ng aking puso.
Sinimulan niyang masahihin ang paa ko. Napa-ungol ako dahil ang sarap ng paghagod niya.
"Stop moaning." Matigas na utos niya. KJ naman nito.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+
Random[COMPLETED] [Edited] 11.27.20 - 05.09.21 >> 𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐚𝐩𝐡𝐫𝐨𝐝𝐢𝐭𝐞 𝐦𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐢 𝐱 𝐞𝐫𝐢𝐬 𝐚𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐫𝐨𝐬𝐬𝐢 WARNING: Mature Content! 18+ Sexual Content and Violence!