Special Chapter II - Valentine's Day

8.6K 248 11
                                    

This special chapter was when they are still in the University.




Angel

Nakaramdam ako ng sakit nang may tumama sa ulo ko.

"Oh, shit!"

Napaaray ako sa sakit, dahil may tumamang bola sa ulo ko. Siraulo 'yon ha! Ang sakit!

"Shit, sorry talaga, Angel." Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang tingin namin ni Maris.

"Okay lang."

"Okay ka lang ba, Beb?" Tanong ni Elle. Nagbaling ako sa kanya ng tingin.

"Ayos lang ako, don't worry."

"Babe, are you okay. Does it hurt?" Hinawakan ni Dylan ang ulo ko para tignan kung may bukol. Napailing nalang ako.

"Maris, naman kasi eh! Hindi ka nag-iingat." Saway ni Laur. Napayuko si Maris sa hiya.

"Laur, okay lang. Don't worry, malayo 'to sa bituka." Biro ko. Pero hindi nawala ang inis niya sa mukha.

Naglalaro kasi sila ng volleyball dito sa beach. Kasalukuyan kaming nagbabakasyon dito, dahil Valentine's Day ngayon. Sakto walang pasok kinabukasan, nandito kami sa beach resort ng family nila Kiko.

"Tara sa loob, tignan natin kung may bukol." Inalalayan ako ni Elle at Laur para makatayo.

"Sorry talaga, Angel." Tumingin ako kay Maris.

"It's okay." Nginitian ko siya at hinayaang hilahin ako nila Laur sa room ko.

Biglang hinawakan ni Dylan ang braso ko.

"Dylan, kami na. Kaya na namin 'to." Pigil ni Elle.

"No, it's okay. Ako na."

Hinawakan ko ang balikat niya tsaka nagsalita. "Dyl, kaya ko na, magpapasama lang ako sa kanila." Mukhang nag-aalinlangan pa siya pero agad namang tumango sa sinabi ko.

Nagpaalam kami at pumunta na sa kwarto ko.

Inalalayan ako ng dalawa na makaupo sa kama. Dumiretso si Elle sa bathroom para kunin ang first aid kit. Umupo naman sa tabi ko si Laur.

"Alam mo, Beb. Parang nakakahalata na ako ha."

Nag-angat ako ng tingin, napakunot ako ng noo sa sinabi ni Laur. Nakalabas na pala siya ng banyo. "Ano na naman ba 'yan, Lauren?"

"Parang may galit yata 'yang si Maris sayo." Dahilan niya.

"None sense. Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Hindi naman niya sinasadya." Napabuntong-hininga 'yung dalawa. Seriously? Ano'ng problema nila?

"Wake up, 'Gel! Hindi mo ba nakikita? Ayaw niya sayo. Simula no'ng naging parte tayo ng grupo, kitang-kita ko na hindi ka niya na gusto sa una palang." Paliwanag ni Laur.

"Tell me nga, Laur. Ano ba'ng nagawa niya sayo?" Napatayo na ako.

Napahilamos siya sa mukha. "This is not about me, Angel Moretti!" Ginamit niya na ang full name ko, ibig sabihin galit na siya.

"Calm down, you two. Ang ingay niyo, baka may makarinig pa sa inyo." Pag-aawat ni Elle.

"Gusto ko lang naman ma-realize nitong si Angel na ayaw na ayaw sa kanya ni Maris dahil kay Dylan."

Bigla akong napatingin kay Laur. "What do you mean? Ano'ng kinalaman ni Dylan dito?"

"Hays, Angel. Maganda ka nga, matalino, bulag naman."

"Can't you see? Maris is head over heels d'yan sa boyfriend mo. Halatang-halata sa mga kinikilos niya, hindi mo kasi nakikita kasi busy ka d'yan kay De Rossi." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano namang kasalanan ni Eris dito?

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon