Chapter 3

11.9K 391 48
                                    




Angel

2 weeks later

Dylan: Baby, please talk to me. Hindi ko naman sinasadya ang ginawa ko nung nakaraan.

Dylan: Baby, please.

Dylan: Date po tayo bukas, I'll make it up to you.

Dylan: Baby, nasaan ka? Hinanap kita sa bahay niyo, wala ka raw sabi ni Tita.

Dylan: goodnight po, i love you.

Dylan: baby good morning, magbreakfast ka na.

Dylan: kita nalang po tayo sa school mamaya.

Sunod-sunod na text ang bumungad sa 'kin galing kay Dylan, my boyfriend. Nag-away kasi kami kahapon pinagselosan niya ang kaibigan kong si Wendel. Ang tagal ko nang sinasabi sa kanya na bading si Wendel at lalaki ang type, hindi siya papatol sa 'kin.

Ni-replayan ko naman siya, baka sabihin iniiwasan ko siya.

: good morning, sige kita tayo mamaya.

Pagkatext ko no'n bigla naman tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Dylan. Inaabangan niya yata ang reply ko.

: sorry po, bati na tayo. Kita po tayo namaya, i love you.

Nagreact lang ako sa message niya at pumasok na ng cr.



Kasalukuyan akong nakikinig sa class ni Mr. Santos, ang Prof. ko. Katabi ko ang kaibigan ni Chantelle, si Lousiano, Lousiano sa umaga Lousiana sa gabi. Apparently, parehas pala kaming Nursing ang kinuha. Nagkataon lang na naging magkaklase sila ni Chantelle na pinsan ko dahil bumagsak siya sa Chemist, kaya kailangan magretake.

"Psst... Angel." Lou whispered, caughting my attention.

"What?"

"Kanina ka pa tinitignan no'ng lalaking 'yon oh, parang gusto kang kainin." Turo niya kay Liam, ang bagong lipat na estudyante. Oo nga, kanina ko pa siya napapansin binabalewala ko lang.

"Don't mind him. Just listen to our professor, baka mapagalitan pa tayo." He shrugged it off.

Natapos na ang pangatlo naming subject and uwian na sa wakas. Half day lang kami ngayon dahil may sakit 'yung isa naming Professor, kaya tanghali na ang uwian namin.

"Angel, kakain kami ng pinsan mo sa labas, sama ka?" Aya sa 'kin ni Lou.

"Sure, wala naman akong gagawin mamaya, eh."

"Tara, kanina pa naghihintay 'yung tatlo. Baka magalit na naman si Rina sa 'kin." I looked at him curiosly. Chantelle actually told me something about him and Rina. Hmm. Something is going on.

"Do you like Rina?" I blurted out, he was taken aback to my bluntess or rather to what I asked.

"A-Ano?! Hindi 'no? Malakas nga mang-asar sa 'kin 'yon, eh. Paano naman ako magkakagusto ro'n? Gusto nga niya yata si Yna, eh."

"Can I ask you another question?" This time I ask for permission para hindi naman siya magulat ulit.

"Sige lang. Ano ba 'yon?"

"Hindi ka totoong bakla 'no? You're straight, aren't you?" I stopped in my tracks and faced him.

"P-Paano mo naman na sabi 'yon?"

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon